10

1.6K 145 44
                                    

Guys POV ito ni Collin mula Chap 7,,,,,,

Collin Pov.

Pag pasok ko ng opisina ay sinabunutan ko agad ang buhok ko.

Shit,ano bang pumasok sa isip ko at tinapon ko ang sandwich na binigay nya sa akin.

Naiinis naman kasi ako sa sarili ko,hindi ko na kasi alam ang nangyayari sa akin. Bakla ako di ba? Pero bakit nakakalimutan ko kung ano ako pag nandyan sya?

I hate this feeling. Ayaw ko tong pakiramdam na ito. Dahil aminin ko man o hindi alam ko nakapasok na sya sa puso ko. Kaya nga lahat ng paraan para kasuklaman nya ako ginawa ko na pero kasi ang tigas ng bungo nya,kung kailan ko sya tinutulak palayo ay sya naman itong lapit  ng lapit.

Lakad ako paroon at parito sa loob ng opisina ko,hindi ako mapakali o mas tamang sabihin na na gi-guilty ako.

Sana kinain ko na lang yong binigay nya sa akin.

Magso-sorry ako. Tama magso-sorry ako.

Pero ganon na lang ang inis  ko na sa paglabas ko ay may kausap syang lalaki.

Si Darren.

Ang anak ni Tito Clark. Ang dating naging karibal ni Daddy kay Mommy. HIndi naman lingid sa akin na may gusto sya kay Rachell eh,kalat din naman yon sa buong opisina,kaya nga naiinis ako.

Dahil sa nakita ko ay hindi na ako lumabas. BUong araw akong nagkulong sa opisina ko na puno ng galit.

Selos.

Alam kung nagseselos ako. Kaya ayaw kong magmahal ng babae dahil ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

Dahil din sa inis ko kung anu-anong masasakit na salita ang nasabi ko kay Rachell. Nakita ko pa ang nakatakas na luha sa kanyang mata matapos kong bitiwan ang mga sinabi ko sa kanya.



Isang linggo akong hindi pinansin ni Rachell,parang hangin lang akong dumadaan sa harapan nya. Kikibuin nya lang din ako kapag may tanong ako.

Masakit sa akin yon. HIndi ko rin maiwasan na hindi sya titigan kapag hindi sya nakatingin.

Pero isang linggo lang yon.

Muli nya akong pinansin na ikinagulat ko. Hindi ako agad nakapag-react pero gaya ng sabi ko ayaw kong masaktan kaya muli ko nanaman syang sinabihan ng kung anu-ano. Umabot pa sa punto na pinahiya ko sya sa maraming tao. Sa harap ng mga matataas na tao.

Pero ang sinabi nya ang nagpagising sa akin.

"Oo Sir Collin maaring tanga ako dahil sa isang pagkakamaling iyon at inaamin  ko. Nagsorry naman po ako di ba? Pero hindi naman po siguro tama na pagsabihan nyo akong malandi. Kung ang panliligaw ko sa inyo ang tinutukoy nyong kalandian,sige payag ako malandi ako. Pero yon lang yon na kung totousin hindi naman kalandian ang tawag. Nagmahal lang ako Collin,nagmahal lang ako ng maling tao. Minahal kita at pinapakita ko yon sayo. Porke ba babae ang nanliligaw,malandi na? Nasaan ang hustisya doon? Pero huwag kang mag-alala dahil last na iyon. Hindi mo na rin makikita ang malanding to dahil pagod na ako. Pagod na pagod na ako"sabi nya sabay alis.

Masakit,nasaktan ako sa mga sinabi nya. HIndi ko alam na ganon na katindi ang nagawa ko sa kanya.

Hahabulin ko na sana sya ng maunahan ako ni Darren.

Isa pa itong gagong epal na ito eh.

Pero sa mga sinabi kanina ni Rachell,ay napa-isip ako. Kaya ko bang mawala sya sa akin?

NO...

Isang malaking hindi.

Kaya hinabol ko sila,sinundan. Nagalit ako ng sobra ng makita kong pumasok sila ng Bar at uminom. Naglaklak ng naglaklak si Rachell at hindi naman pinigilan nong gago.

Pinanood ko lang sila. Naghahanap ako ng tyempo para lapitan sya at hindi naman ako nabigo. Nang makita kong umalis si Darren ay agad ko ng nilapitan si Rachell. Nakapikit ito at dala na siguro ng kalasingan ay hindi na nya alam ang kanyang sinasabi.

Hanggang sa madala ko sya sa condo ko ay hindi pa rin sya naniniwala na akong nasa harapan nya,kaya tinanong ko kung anong gusto syang proof para patunayan ako nga ito.

Halik ang hiningi nya. Ang hindi ko alam na higit pa pala sa halik ang binigay ko sa kanya. Kinuha ko ang pinaka-iingatan nya.

Nakakatawa lang,ngayon lang naman ako tumabi sa isang babae pero nakaya kong gawin yon. Maaring dala na ng pagmamahal ko sa kanya.

Akala ko okey na kami kasi hinayaan nya akong kunin ang bagay na pinaka-iingatan nya pero hindi.

Iniwan nya rin ako matapos ang nangyari sa amin,

Ngayon ako naman ang manliligaw sa kanya. HIndi ako papayag na matapos nyang pasukin ang buhay ko ay basta na  lang syang aalis. At mas lalong hindi ako makakapayag na mapunta sya sa iba.

Akin lang si Rachell,

Akin,

AKIN.




My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon