16

1.5K 150 91
                                    

Collin POV...

Habang nasa daan ako pauwi ay inisip ko ang nakita ko kanina.

Akala ko kasi sa pag-uwi ko magiging okey na kami, akala ko lang pala ang lahat ng iyon. Mukhang hindi na nya talaga ako kailangan sa buhay nya. Kasalanan ko rin naman kasi kung hindi ko sana sya pinakitaan ng di maganda noon di sana kami na ngayon.

Kung sana noon pa man ay inamin ko na ring mahal ko sya baka magkasama na kami ngayon.

Minsan nga iniisip ko na sana magbunga nalang yong nangyari sa amin para kahit ayaw nya at hindi nya ako mahal ay wala pa rin syang kawala sa akin.

Sa halip na umuwi ako ay dumaan nalang muna ako ng bar. Sa totoo lang wala pa akong kain mula kaninang tanghali dahil sa sobrang excited kong makita sya pero ganon nalang ang panibugho ko dahil sa nangyari sa akin.

Dito nalang muna ako sa bar parang hindi ko pa kasi kayang umuwi sa bahay, malulungkot lang ako.

Nilunod ko ang sarili ko sa alak para kahit paano, kahit sandali makalimutan ko ang sakit.

Kahit ngayon lang.

\/////////////////////////////////////////////


Rachell POV.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Darren kanina kaya hindi ako kaagad nakapag-react. Sabagay para lang yon sa pagpapaalam nya. Paalis na kasi sya at sa ibang bansa na pagpapatuloy ang buhay. Ikakasal na rin kasi sya sa kababata nya. Ang alam ko ay nabuntis nya kasi yon kaya sila magpapakasal. Pero sa nakikita ko sa kanya ay mukha namang mahal nya yong babae, ayaw nya lang aminin dahil iniisip nya pinikot sya nito.

Masyado talagang mapaglaro ang pag-ibig.

Parang sa amin ni Collin, mahal ko sya pero hindi nya ako pinapansin tapos nong sumuko na ako saka naman sya ang naghabol. Tapos itong magkaka-anak na kami at handa na akong patawarin sya saka naman sya ikakasal.

Kung sana, sana lang talaga mas napaaga ko pang nalaman na buntis ako di sana agad kong nasabi sa kanya, hindi na kami dumating sa point na maghihiwalay kami.

Wala sa loob akong napahawak sa impis kong tyan.

"Di bali anak, sa pagbalik ni Daddy mo susubukan ko syang kausapin. Basta kapit ka lang kay Mommy, hinding-hindi kita pababayaan. Pangako, gagawin ko ang lahat para maging masaya at buo ang pamilya natin, kung kailangan kong lumuhod para ako nalang, tayo nalang ang piliin ng Daddy mo gagawin ko. Pero kung hindi na talaga kami pwede, ako ang pupuno ng pagmamahal sayo. Hindi ako magkukulang ng pagmamahal sayo Anak ko"kausap ko sa kanya..

Buo na ang desisyon ko na sa pag-uwi ni Collin ay sasabihin ko sya kanya agad na nagdadalang tao ako. Gagawin ko ang lahat huwag lang matulad sa akin ang anak ko na lumaking walang magulang. Susubukan ko.

Tama susubukan ko. Susu---

Katok sa pinto ang nagpatigil sa iniisip ko.

Hindi lang basta katok ang ginagawa. Akala mo may emergency.

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon