Chapter 24 - The 5 Schools and The arrival outside of the academy.

381 31 0
                                    



Lin Yinzi POV

At nandito na kaming lima nakasakay sa isang karwahe. Katabi ko si Tianshou pero nasa magkabilang gilid kami magkalayo habang nasa harapan naman naming ang tatlo. Nasa gitnas si Yun'er at nasa kabilang gilid ang dalawa.

May Anim na guard naman sa labas ng karwahe, Apat na Silver-Grade at dalawang Gold-Grade nakabantay base sa narinig ko sa elder.

At habang tumitingin ako sa bintana, may nakita rin akong mga karwahe at sumusunod sa amin. Sila mga Aristocrat family, at papunta rin sila ng Academy.

Meron din akong nakikitang mga kaedaran ko na naglalakad kasama ang Ate/Kuya o Parents nila at papunta rin sila ng Academy.

Nararamdaman ko ang mga tingin nila na may halong inggit at inignore ko lang iyon dahil sanay na ako.

At ito tatawid kami sa gitna ng ilog kaya tatawid ang karwahe namin sa. Buti na lang ay may tulay na nag nagkokonekta para makadaan sa ilog kaya hindi na kami nahirapan pag pumunta ng Academy.

At siya nga pala ang pangalang ng school namin ay Youshi Academy. May lima nga palang school sa Southern Blue Field Kingdom at ito ay ang:

Gao Military School na kung saan pinagtutunguan ng mga nirerecruit na nakaabot ng '2.5' at '3' grade sa test at mga Retakers.

Ang Di Nianji Academy naman ay isang Academy na malapit sa Kingdom na kung saan nandito ang mga Aristocratic Family pumapasok.

Ang Shihuo Academy naman ang school sa Bijin City.

Ang Zhongjian Academy naman ay ang school sa Yangzhou City.

At ang Youshi Academy sa Lin Family Territory.

At dalawang oras ang nakalipas at may nakita na kaming marketplace sa gilid gilid. Meron ding mga dorm at iba't ibang klase.

May mga nakita rin kaming nagpapastol, nagaalaga ng hayop at may mga nag bebenta ng armas at pills.

At sa wakas nakarating narin kami sa gate ng school at may nakita kaming nakabantay na dalawang guard.

"Kami ang Lin Family!" Sabin ng isang Gold-Grade na guard at may pinasa siyang badge at bigay sa isang guard.

"Sir mamaya pa pong tanghali ito gaganapin, pero dahil Lin Family kayo pwede kayong pumasok" Sabi ng guard habang bubuksan na ang gate.

"Wait..." Tawag ko.

"Hmmm." Napatingin sila sa akin.

"Since mamaya pa naman gaganapin, maglilibut – libot muna ako sa paligid para bumili ng mga kailangan na bilhin" 9 o'clock palang ng umaga at may tatlong oras pa para bumili ng mga kailangan.

"Mhm kailangan ko rin mag check ng mga bagay sa paligid" Tugon ni Lin Yun'er.

Tumingin naman kami kay Tianshou at tumango rin ito.

At bumaba na kami ng karwahe para maglibot.

Pumunta muna ako sa dorm para maghanap na maiistay.

Tinanong ko sila kung magkano magstay at sinabi nila na 12 copper ang pag stay at 6 copper sa pagkain buong buwan. Kaya binayaran ko na sila ng 7 silver para mag stay buong 3 years na may pagkain. Since binigyan kaming tatlo ni dad ng tig 30 na silver hindi ako nagkaproblema sa mga bibilhin.

At nagulat sila at saka nalaman nila na mataas ang status ko kaya naging warm ang pag trato nila sa akin.

May mga bata sa aristocratic family na gusting lumapit sa akin at makipagkaibigan pero dahil sa cold aura sa katawan ko nawawalan sila ng courage na lumapit. Eto ang effect ng bloodline ko, kahit hindi ko pa nabubuksan ang Sharingan ko meron na kong negative aura.

Bumili narin ako ng mga kailangan kong damit dahil ayaw kong magsuot palagi ng ganitong damit dahil masyaydong high class at ayaw ko magpasikat.

So ang kabuuang nagastos ko ay 8 silver.

Tatlong oras na ang nakalipas at napapansin ko na dumadami na ang tao kaya bumalik na ako sa gate doon sa academy.

Napapansin ko sa paligid na puro pagod ang mga katawan nila dahil sa paglalakad papunta dito.

'Sigh.. Malaki talaga ang difference sa may status at wala'

Nakita ko na rin sina Yun'er at Tianshou at himala. Ang kanina na dalawa ang kasama ngayon naging sampu na. At may mga alahas siyang hawak na mukhang pinag gagastos niya sa binigay ng Patriarch.

Ganun din si Tianshou, yung kanina na kaparehas ko lang ngayon marami ng nakapalibot sa kanya habang pinagyayabang yung espada at armor na bagong bili niya.

May mga nakatingin rin sakin at planong lumapit pero napapigil sila dahil sa takot.

'Hay.. mukhang destiny talaga ng mga Uchiha na maging loner'

At ilang minute ang nakalipas at nagtipon na ang lahat at nagbukas narin ang gate ng Academy.

May lumabas na babaeng nasa early 20's at sinabing "Sundan nyo ako!"

Realm of The Strongest Volume 1: New LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon