Chapter 8

2.9K 72 2
                                    

Selena's P.O.V

Ngumisi lang ako kay Yaz pagkatapos kong sabihin yon. Siya naman ay asar na asar na sakin. Sasampalin niya sana ako kaya lang may humawak sa kamay niya. Nagulat siya sa nangyari. Maging ako.

"Wag mong sasaktan si Em-Em"nakita ko ang madilim na mukha ni Mic-Mic

"Wow. Being a hero. May bago na palang magtatanggol sayo Selena"nakangising dagdag ni Yaz

"Wow. Ang kapal naman ng mukha mong tawagin ako Selena. Oh!! It's okay. And totoo namang makapal ang mukha mo. Nakuha mong ahasin ang boyfriend ng kaibigan mo"nakangising dagdag ko pero sa loob ko sobrang sakit na. Mahal ko pa si Jon,oo. Pero natabunan ng galit yun tuwing makikita ko silang magkasama ni Yaz.

"Tanggapin mo na kasi na mas mahal talaga ako ni Jon at ako ang pinili niya over you. Slut"sabi nito sakin. Sasampalin ko sana siya pero may humawak din sa kamay ko. Napatitig na lang ako sa kamay na nakahawak sakin. Inaantay ang epekto niya sakin. Pero bakit wala. Dati ay parang may tumatakbong kabayo sa dibdib ko sa sobrang Bilis ng tibok. Parang kusang napapangiti ang mga labi ko. Pero ngayon wala kahit galit.

"Don't. You. Dare. Hurt. My. Girl"may diin sa bawat pananalita ni Jon.

"Oh so ito pala ang kawayan. Ang kape na 2 in 1. Buti pala at hindi kita nahalikan nung mga araw na tayo pa. Baka mahawa ako sa kalandian ng girlfriend mo"sabi ko dito at saka ngumisi. Mali ako. Hindi ko na talaga siya mahal. Talagang gusto ko lang gumanti.

"Pwede ba Selena lubayan mo na kami"sabi ni Jon sakin. Napatawa ako ng mahina

"Wag mo sakin sabihin yan,Jon. Kundi dyan sa haliparot mong Girlfriend"sabi ko dito.

"Em-Em tara na. Umalis na tayo dito hindi dapat sila pinagaaksayahan ng oras"Biglang singit ni Mic-Mic

****

"Uy tara na sa Mall wala na daw klase"sabi ni Aaron habang nakatingin sa phone niya.

"Sino naman ang nagsabi sayo? Aber"mataray na sabi ko sa kanya wala pa ako sa mood. Naiinis pa rin ako kay Yaztot.

"Nagtext si Dom. Remember President?"sabi ni Aaron na may pataas kilay pang nalalaman. Inirapan ko na lang siya. Si L.J at Zy naman tahimik sa gilid habang may kinakalikot sa phone nila. Busy naman ng dalawa na'to. And hindi ko pa nasasabi President ng student council si Mic-Mic.

"Mauna na din daw tayo sa parking susunod daw siya. May inaasikaso lang"sabi ni Aaron. Tapos humarap kay Zy.

"Babe,let's go"pangaasar nito kay Zy. INirapan naman siya ni Zy.

"Babe!? Mukha mo!!"inis na sabi ni Zy at umalis sinundan na lang siya ni Aaron. Natawa ako sa dalawa na yun. Pikon talaga ang Zyril na yon. Magkasabay kaming naglalakad ni L.J ng makaramdam ako ng uhaw

"L.J punta muna ako sa canteen nauuhaw ako e. Mauna ka na susunod ako."paalam ko dito tumango lang ito habang kinakalikot ang phone. Nakangiti pa parang baliw. Naglakad ulit ako papasok sa gate ng University.

Habang naglalakad ako sa hallway ng mga Grade 11 may narinig akkng parang nagsisigawan sa likod non. Nacurrious ako kaya sinilip ko sandali...

Nagulat ako sa nakita ko.... Mygaddddd.

------

Kairyl's P.O.V

"Wait lang guys. May kukunin lang ako sa classroom may naiwan ako e. Babalik ako agad"paalam ko kila Em-Em saka umalis.

*****

Habang hinahanap ko yung sobre dito sa mga ilalim ng upuan e hawak ko yung phone ko. Tinext ko muna si Aaron.

To: AaronWafu

Mauna na kayo. Punta na tayong Mall. Wala namang klase na. Naannounce kanina sa office. Mauna na kayo sa Parking.
~send~ 3:24 PM.

Tapos pinagpatuloy ko na yung paghahanap. Nakita ko din yung sobre sa ilalim ng upuan ni Em-Em hindi niya siguro napansin na nakalagay to sa upuan niya at nahulog. Pinulot ko yun at ilalagay na sana sa bag ko ng tumunog ulit yung phone ko.

From: AaronWafu

Sige. Mauna na kami sumunod ka ah. Babye.

Oi wag kayo siya nagset ng name nayan sa phonebook ko. Kapal nga ng mukha ei.

Napatingin ako sa sobre na nasa kamay ko. Natetempt ako na basahin wala naman sigurong masama noh. Bago ko buksan yung sobre tiningnan ko muna kung may pangalan pero wala akong nakita baka nasa loob. PagkaBukas ko may laman nga. Isang sulat na nasa yellow paper. Kinuha ko yon at binuksan. Nainis ako sa nabasa ko. Isa lang ang kilala ko sa likod nito..

Jonald Adriada.

Guess what kung ano ang nakasulat.

'Ibabalik kita sakin. I will win you back. Akin ka lang Selena,baby. I love you'

Pagkatapos niyang saktan si Em-Em babalik pa siya. At ano uulitin niya ulit yung ginawa niya. Hindi na ako papayag na maulit yung pagkakamali ko noon. Humanda ka Jon.

Umalis na ako sa room at hinanap si Jon.

------

Selena's P.O.V

"Mic!! Jon!! Ano bang ginagawa niyo?! Bakit kayo nagsusuntukan?!"gulat na sabi ko. Naabutan ko silang tatlo nila Yaz. Si Yaz inaawat si Jon. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang gulat na gulat. Nakayakap ako kay Mic kasi nagwawala talaga siya. Pero medyo kumalma na din siya. Tiningnan ko ng masama si Jon. Tapos tumingin ulit ako kay Mic-Mic. Sino siya para saktan ang bestfriend ko. Aba! Kahit kanina lang kami nagkakilala ni Mic bestfriend ko na siya.

"Yan kasing lalaki na yan biglang sumusugod dito at manununtok"sabi ni Jon habang nakaalalay pa rin sa kanya si Yaz na masama talaga ang tingin sakin inirapan ko lang siya.

"E gago ka pala e!! Ayaw mong lubayan si EmEm e. Paanong hindi ka susuntukin. T****tado ka pala eh. Lulumpuhin kitang g*g* ka."galit na sabi ni Mic kay Jon. Nagtataka akong napatingin kay Jon.

"Eh ano bang pakialam mo? Kaibigan ka lang naman ni Selena ah"sabi ni Jon habang dinuduro si Mic. Pabalang ko Binaba ang kamay niya.

"H'wag mong dinuduro ang bestfriend ko. Oo kaibigan ko siya,eh ikaw sino ka ba sa buhay ko?!"inis na tanong ko sa kanya. Nakaalalay pa din ako kay MicMic.

"Selena,bumalik ka na sakin please. I want you back.. Comeback to me"sabi ni Jon.

"Tama na Jon. Diba ikaw na ang nagsabi na lubayan na kita kanina lang nakalimutan mo na agad. Magmove on ka na. Kasi ako nakamove on na. Hindi na kita mahal"sabi ko sa kanya.

"Bakit? May bago na ba?! Yan na bang g*g*ng yan ang bago mo at ipinalit mo sakin!? Ha!?"sabi niya at dinuro ulit si MicMic. Tiningnan ko siya ng masama. At saka ko sinagot ang tanong niya.

*******

Please. Vote. Comment. And be one of my PrinOfficial.... I love you all. Muah:-*

Campus Nerd Transform Into A Popular GirlWhere stories live. Discover now