Chapter 10

2.6K 61 6
                                    

Mismeh.... Sorry sa pagiintay tagal ko ding nawala.... Enjoy reading... Thank you for waiting. Muah:-*

Selena's P.O.V

"BABY!! Gising na malelate ka na!!"rinig 'kong sigaw sa labas.

"Opo mommy!! Matatapos na"sigaw ko din. Actually,kanina pa ako gising hindi lang ako lumalabas.

Nakabihis na din ako. Kakain na lang ako.

*****

"SIGE kuya,una na ako. Bye"paalam ko kay kuya sabay kiss sa pisngi niya.

"Magingat ka pauwi Selena ah. Kahit sumabay ka na lang sa mga kaibigan mo"paalala ni kuya.

"Yes kuya"sabi ko sabay takbo papasok sa gate. Malelate na kasi ako. At napuyat ako kagabi hindi ako makatulog hindi ko alam kung bakit

*****

PAGKADATING ko sa building namin pawis na pawis ako paanong hindi? Tinakbo ko 'mula gate hanggang dito makaabot lang sa first class. Inayos ko muna 'yung sarili ko then kumatok ako.

Pagkabukas ng pinto bumungad sakin si Xandra. 'Yung secretary namin.

"Andyan na si Ma'am?"tanong ko at medyo sinilip ang nakaawang na pintuan. Umiling lang siya sakin.

Doon ako nakahinga ng maluwag. Pumasok na ako sa loob ng lakihan niya ang awang ng pinto.

Napatingin sakin lahat ng kaklase kong tahimik na nagdadaldalan. Lumakad na lang ako papunta sa pwesto ko.

*****

"EM EM bakit nalate ka kanina?"tanong sa'kin ni MicMic.

"Nalate kasi ako ng gising eh"dahilan ko. Totoo naman ah.

"Ano ba kasing ginawa mo kagabi?"takang tanong niya. Inisip ka

"Hindi lang ako makatulog"pagsisinungaling ko.

"Tara na nga lang sa canteen nagugutom na ako"aya ko sa kan'ya. Wala kasi sila L.J at Zy pati na rin si Aaron.

Si Zy nilalagnat 'di makakapasok. Si L.J susunduin si Kuya Joshua sa airport,kuya niya. Si Aaron 'di ko alam kung nasaan 'yung isang yun.

Kaya kaming dalawa lang ni MicMic ang naiwan. Hindi naman ako pwedeng sumama kay L.J kasi 'di ko naman siya naabutan dito sa school. Ayoko din namang iwan si MicMic.

"Tara na nga. Ililibre mo ba ako?"nakangising tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niya.

"Ako pa ang manlilibre sayo? Ikaw ang lalaki. Ikaw ang gumastos"mataray na sabi ko sa kan'ya.

Bigla na lang niya akong inakbayan. Nagulat din ako sa action niya na'yon. Parang may humahabol sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Para bang kinakabahan ako na ano.

"Tara na nga. Nagsusungit ka na naman. Binibiro lang naman kita"tumatawang sabi niya saka ako hinila papuntang canteen.

*****

"MIC,boring dito tara na lang sa labas kain tayo ulit. Gutom na ako"sabi ko sa kanya.

Nandito kami sa likod ng building namin. Sa garden wala kasi kaming magawa. Wala din namang klase. Ayaw pa kasing umuwi ni Mic nagbabasa kasi siya ng libro. Hindi ko alam kung anong libro 'yun.

"Gutom ka na naman"sabi niya habang nakatingin pa 'rin sa binabasa.

"Tara na kasi"pagmamaktol ko. Pero ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Campus Nerd Transform Into A Popular GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant