Chapter 4

892 30 0
                                    

Nagulat naman ako sa mga classmates ko na nag tinginan din sa akin paano banaman kasi alam naman nila na ako 'yung pinunta ni John dito.

"Dadaan lang naman pala 'di pa sila dumaan sa kabilang hagdan mas malapit 'yun sa room nila."

"Gaga ka! malamang ikaw yung pakay ng perpektong lalaking 'yon 'no, sisilay ba kung tatawagin." ayokong mag assume kahit alam ko sa sariliko na ako 'yung dinaan ni John dito.

"Pano mo naman nasabi na ako nga 'yung dinaanan niya? malay mo may kinuha lang siya sa kabilang room o kaya naman sira 'yung hagdan sa kabila kaya rito siya dumaan, tingnan mo 'yan si Berry at ang mga alepores niya naka sunod oh, baka sira nga 'yung hagdan sa kabila."

Si Berry ay kilala bilang napakalanding umaaligid kay John, baliw na baliw ito kay John kaya lagi itong naka sunod sa kanya, siya nga ata ang may pakana ng issue na mag kasama kami ni John no'ng nakaraan eventhough na totoo naman. Well 'di naman 'yun magiging issue kung walang mga chismosa sa mundong 'to at tsaka totoo naman kasi 'yun, sadyang may mga matang mapanghusga lang sa lipunan na kaonting galaw mo lang ay may masasabi at masasabi parin sila, 'yung tipong gusto mo na silang bigyan ng criteria for judging.

"Ano kaba as usual naman na laging nakasunod 'yang si Berry at ang mga alipores niya kay John 'no."

"Oo na bahala ka diyan mag review ka nalang para sa next subject natin, may short quiz tayo." Tanging naisagot ko nalang kay Hannah, ang kulit kasi ng babaeng 'to ayaw akong tigilan.

Natapos na rin agad ang kasalukuyan naming subject noong dumaan si John kaya nag ready na kami para sa quiz.

"Ok, get one whole Sheet of yellow paper," instruction sa'min ng professor namin sa General Math. Naging madali maman ang exam namin para saakin dahil naka pag prepare naman ako at ito namang si Hannah ay nakikita kong hirap na hirap sa pag so-solve, 'yan napapala ng babaeng 'to sabing mag review di ako sinunod.

"Psst." Pag tawag ko sa kanya at may inihagis na papel. Nagulat siya rito at tila nabuhayan ang kanyang bugnot na bugnot na mukha.

"Thank you!" Bulong niya pa sa akin at nag flying kiss pa ang gaga.

Lumipas pa ang oras at chineck-an na namin ang mga test papers. "Okay class one of your classmates got a highest score," said by our prof.

"Sino Sir?" tanong ng isa kong classmate.

"As usual si Janna yan." ika pa ng isa.

"Congratss Ms.Janna Mae Darangal," pagbati ni sir at nag palakpakan naman ang mga ka-klase ko na nginitian ko na lamang. Kung nagtataka kayo na bakit di ko parehas na highest si Hannah dahil di naman lahat ng sagot binigay ko sa kanya, 'yung binigay ko lang eh yung sure na papasa siya.

"Anong gusto mo Janna?" tanong ni Hannah.

"Bakit? ililibri mo ako?" sagot ko.

"Oo dali e-lilibri kita." aniya. Ohh my! ang sarap sa ears.

"Kahit ano nalang basta yung mabubusog ako, thank you ah." Pasasalamat ko.

Habang nakapila si Hannah sa counter ay nagulat nalang ako na may biglang nag lapag ng isang meal na pang... ewan ko ba andami eh pang isang buong pamilya na ata 'to.

"Kuya kanino 'yan? naka table na po kami rito oh," sabi ko sa lalaking nag hahain.

"Amin bakit aangal ka?" binalingan ko ng tingin ang babaeng nag salita, yes it's Berry kasama nanaman 'yung mga alepores niya, saktong pag dating din ni Hannah. 'Di nako nakipag diskurso umalis nalang ako at hinila nalang si Hannah sa labas para doon kumain. Makikipag away pa ang gaga sabi ko hayaan nalang at hinila na siya.

"Bakit mo ako pinigilan bibigwasan ko na sana 'yung Berry ungas at ang mga alipores n'ya nayon." galit na galit parin.

"Hayaan mo nalang sila inggit lang 'yun sa ganda natin remember may John Scott na umaaligid sa'kin." sinabi ko na sa kanya 'yon nang matigil na ang init ng ulo niya at kumain nalang.

You're MineWhere stories live. Discover now