[Janna's POV]
"Sigurado ka ba riyan?"
"Ano ka ba naman sasabihin ko ba sa'yo kung hindi sigurado? Sa harap ko mismo."
"Shhh oo na tama na don't cry again." Ngayon lang ulit kami nakapag usap ni Hannah ng matino dahil nag bakasyon sila ng pamilya niya. Nakuwento ko ulit sa kanya 'yong mga nangyari sakin, 'di lang pala sa'kin kung 'di sa'min. Ilang linggo na rin ang nakalipas. Hindi ko alam, buwan na ata nang mangyari 'yon. At masakit parin Pasukan nanaman kaya tinuon ko nalang ang sarili ko sa pag aaral hindi na ako nag isip ng kung ano-ano pa. Minsan nababalikan ko rin ang mga pangyayaring 'yon. That day tanging text lamang ni John ang sumalubong sa'kin pag uwi ko.
"Sorry." 'Yan ang salitang nabasa ko nang buksan ko ang kanyang mensahe. Lalo lang akong naiyak. Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko alam kung paano ko makukuhaan o kung saan man ako makakakuha ng kasagutan. Hindi ko na rin nakita si John simula nang mga araw na 'yon, ako na ang pumutol sa komunikasyon namin sa isa't-isa, nag palit ako ng sim card at naka block na s'ya sa mga social media accounts ko. Ayoko kong makasira ng isang relasyon kahit na mahal ko pa siya. Mas mabuti na ako na 'yung masaktan kesa ako yung makasakit. Hindi ko na rin nakita pa si John dito sa University, 'di ko na sila nakita ni Berry.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta. Akong bahala. Maglilibang lang tayo." Hinayaan ko lang Hannah mag maneho hanggang sa dinala niya ako sa isang..
"Anong ginagawa natin dito sa bar?"
"Make some joy." Sabay ngiti nito na parang nang aakit ng kung sino.
"Let's go!" Sinundan ko nalang siya papasok.
"Drink it!" Alok niya sa'kin sa isang wine glass na may laman ng kung anong alak.
"Hindi ako umiinom."
"Oh, Janna come on. Enjoy your life 'wag puro aral." Walang ano-ano't kinuha ko 'yung basong inaalok niya sa'kin at nilagok ang laman.
"Oh my goshh you're sao wild ah. That's my Janna!"
"Isa pa." Request ko.
"Wow ah akala ko ba hindi ka umiinom?"
"Libre mo naman eh."
"Sige ikaw bahala. Kuya kahit ilang baso pa hingiin niyan ibigay mo lang ah."
"Yes ma'am!" Tugon ng isang hot matcho na bar tender.
Hinayaan lang ako ni Hannah na ma-upo sa gilid malapit sa bar tender. Hindi ko na alam kung naka ilang glass na ako ng alak. Nahihilo na ako, tumayo ako para makisayaw, hindi ko na ma-balanse ang katawan ko. Sumayaw lang ako nang sumayaw, hanggang sa may isang lalaking nakiki sayaw rin ang lumapit sa'kin at sabay kaming sumayaw. Habang sumasayaw ako ay nasa likod ko naman 'yung lalaki.
"YEAAAAAAAH I WANT TO PARTYYYY!" Sigaw habang sumasayaw nang lalo pang lumakas ang tugtog.
"ANG INIIIIT!" Sigaw ko ulit at tinanggal ko ang iilang botones ng polo shirt na suot ko.
"WOOOH!" Hiyaw ng mga lalaking naka palibot na pala sa'kin, umiikot na 'yung mundo ko, I want to enjoy my life like Hannah said a while ago. Speaking of Hannah asaan na pala 'yon. Bahala na nga.
"YEAAAAAH PARTYYYY PILIPINAS!" Dapat pala matagal ko na 'tong ginawa, hindi ko alam na ganito pala kasaya rito.
"Hey miss." Pag tawag sa'kin ng isang pang lalaki.
"Yes?" Niyakap ako nito habang sumasayaw. Hinayaan ko lang siya, nag e-enjoy rin naman ako. Hinalikan ako sa leeg ng lalaki.
"AHHHHH." Ungol ko epekto ng pag halik niya sa leeg ko. May biglang humatak sa'kin hindi ko alam kung sino dahil hilong-hilo na 'ko. Ni wala na'kong pakialam kung anong gawin ko.
"Heeeey who are you? You want to party with me? Oh, what are you waiting for? Tara sa gitna! 'wag mo 'kong solohin wag kang selfish. Doon tayo sa dance floor."
"Hey are you okay?"
"Yes! I'm okay. Sino kaba? Bakit kaba basta-basta nanghihila? Tatay ba kita?"
"Ay nakalimutan ko wala na pala akong tatay haha."
"Si John ka ba? Ay oo nga pala iniwan na rin pala ako no'n."
"Si Lorie? Para ano? Iwan ulit ako?"
"Tangina! Gano'n ba talaga ako? kaiwan iwan? Ang fair ng mundo pero ang mga tao hindi!"
"Sige iwan niyo na ako lahat! Mga... ahh ewan ko bahala kayo sa buhay niyo. Basta ako mag eenjoy lang ako." Pabalik ako sa loob ng bar nang pigilan niya ako.
"Ano ba? Kung gusto mo sumama, sumama ka sa'kin hindi 'yung pinipigilan mo 'kong bumalik sa loob."
"Let's go." Aya niya.
"Let's go ka riyan. I don't talk to stranger. 'Di nga kita kilala tas may pa let's go let's go ka pa riyan." Hiling-hilo ako to the point na 'di ko makilala kung sino 'tong lalaking kaharap ko ngayon.
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Ano ba?! Gusto ko pang mag enjoy enjoy. Ikaw rin mag enjoy ka, samahan mo'ko!"
"Marami pang panahon para mag enjoy tara na." Hindi niya parin binibitawan ang braso ko.
Pilit niya akong pinasakay sa sasakyan niya. "Panahon? Tanga maikli lang ang buhay tsaka ka pa ba mag eenjoy pag huli na ang lahat?"
"Ang kill joy mo naman Mr. Stranger."
"NAKAKAINIS KA JOHN BAKIT BA KASI BINUNTIS MO 'YUNG BABAENG 'YON EH. KUNG KAILAN MAHAL NA KITA TSAKA KA MAWAWALA!" Sumigaw ako nang sumigaw sa loob ng sasakyan ng kung sino man 'tong lalaking nag papaka hero masalba lang ako sa bar. Ang saya-saya kaya roon hindi niya ako kailangang isalba.
"Hoy ikaw lalaki ka diba? Bakit kayong mga lalaki ang hilig manakit ng babae? Ha?!"
"Mga pa fall kayo. Porke ba alam niyong hahabul-habolin kayo ng mga babae ay mag papahabol naman kayo."
"Mga hung hang. Kilala mo ba si John? famous 'yon sa internet malamang kilala mo 'yon. 'Di ba? 'Di ba?"
"Uy Mr. Stranger sumagot ka naman ang tahimik mo naman. Bahala ka nga riyan."
"Si John? Mahal na mahal ko 'yon minahal niya RAW ako sabi niya eh. Kaya 'yon na fall ako sa kanya kaya minahal ko rin siya. Tapos no'ng a-ano." Napa-pause ako.
"Tanginang luha 'to basta-basta tumutulo. Basta mahal ko siya! Balak ko na siyang sagutin that day nang nalaman kong may na buntis siya, pero gano'n talaga, tadhana na ang dumikta na pinag tagpo lang kami pero hindi itinadhana."
"Uyyy kanina pa 'ko rito nag sasalita hindi mo 'ko pinapansin."
"Kaya ikaw 'wag kang mangloloko ng babae ah? Mr. Stranger 'wag mo gayahin si John. Wag ka ring mang iiwan. Be faithful to your girl!"
"Basta isang babae lang mamahalin mo ng sobra. Maliban sa nanay mo. Syempre gano'n din sa mga magiging anak mo na babae."
"Ano na kayang ginagawa ngayon ni John? Siguro kasama niya si Berry. Sabagay nauna naman si Berry sa buhay niya bago ako."
"Masyado ba 'kong madal-dal Mr. Stranger?"
"'Yan kasi nananahimik ako roon eh kunin-kunin mo 'ko."
"Inaantok na ako paki hatid nalang ako sa bahay ah, gisingin mo nalang ako kapag nasa bahay na namin tayo. 'Wag mo akong pag sasamantalahan Mr. Stranger ah." Unti-onti akong nakatulog sa sasakyan ng hindi malinaw sa'kin kung sino 'tong lalaking sumundo sa'kin nahihilo na ako ng sobra.

BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019