"Uy bes, maraming pa activity sa labas hindi ka ba mag jo-join." Nasa loob ako ng classroom nang biglang pumasok si Hannah para kulitin ako na lumabas.
"Sige mamaya na."
"Kanina pa 'yang mamaya nayan ah, may problema ka ba?" Wala talaga akong ganang mag saya sa kalagayan ko ngayon sobrang lungkot ko sa posiblidad na mangyari kay Lorie, hindi ko alam gagawin ko. Sa totoo lang ayokong pumasok this day gusto ko lang nasa tabi ako ni Lorie, gusto ko siyang bantayan.
"Okay lang ako." Sabay hawak ko sa braso niya. "Mag enjoy ka lang kasama si Sherwyn." I smiled.
"Sige ikaw bahala, basta mamayang gabi ah dapat kasama kita sa battle of the band." Aniya. Tumango na lamang ako bago siya lumabas ng room.
"Asan na ba 'yon?" Tanong ko sa sarili ko habang kinakalkal 'yung bag ko, hinahanap ko 'yung earphone ko gusto ko kasing makinig ng musika para makapag relax sa kabila ng lahat. Sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay nalaglag 'yung iba ko pang mga gamit na nasa loob ng sling bag ko.
"Tulungan na kita miss." Napatingala ako sa kung sino man 'tong lalaking 'to na bigla nalang sumulpot. I was shocked.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.
"Tinutulungan ka?" Napa ismid ako sa pamimilosopo nito sa'kin.
"'Wag mo nga ako ginaganyan, close ba tayo?" Nagtangka akong umalis at nang paalis na ako ay bigla itong muling nag salita.
"Wait." Pamimigil niya sa'kin. Lumapit ito na halos isang dangkal nalang ang pagitan maming dalawa. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na halos mag kahalikan na kaming dalawa.
"Hey! what are you doing?" Itinulak ko siya palayo sa'kin. Halos hindi na'ko makahinga sa ginawa niya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tumawa ito ng bahagya, kinuha niya ang kamay ko at may inilagay bago lumisan sa paningin ko.
"Nood ka mamaya ng performance ko ah para sa'yo 'yon." Pahabol niya pa habang naglalakad palayo. Napatingin nalang ako sa kung anong iniabot niya, isang hugis kahon na bagay. Earphone 'yung laman at may nakalagay na note doon na.
"Don't worry everything will be alright J"
Hindi ko siya maintindihan na kung bakit pa siya nagpapakita sa'kin gayong magka-karoon na siya ng sariling niyang pamilya.
Umuwi muna ako ng bahay upang mag palit ng damit at umidlip sandali bago bumalik sa school para sa battle of the band. Hindi na sana ako pupunta this night dahil hindi ko kaya makipag sabayan sa kasiyahan nila. Pinipilit lang talaga ako ni Hannah.
"Hello bes asaan kana? Malapit na mag start dalian mo na!" Medyo inalayo ko ang cellphone ko sa tainga ko dahil ang ingay na roon.
"Ito na papunta na." Nag paalam na kami sa isa't-isa bago ko patayin ang linya. Lumabas ako ng kwarto nakita ko sila nanay, tatay, at Leslie na kumakain ng dinner.
"Oh anak kumain ka muna bago ka umalis." Alok sa'kin ni tatay.
"Tapos na po tay, salamat po."
Okay ka lang ba anak?" Tanong ni nanay. Tumango nalang ako bilang sagot kahit hindi ako maayos.
"Kumusta 'yong kaibigan mo?" Tanong ulit ni nanay. Hindi ko alam ang isasagot ko, gusto ko nanamang maiyak at this moment.
"Sige na anak mag ingat ka." Pananalita ulit ni nanay, alam na niya ang ibig kong sabihin kaya hindi ko nasagot ang tanong niya.
"Opo." Ika ko. Biglang nag ring ang cellphone ko kaya hinugot ko iyon.
"Ito na Hannah papunta na-."
"Hello ito ba si Janna?" Napatigil ako at napatingin ulit sa screen ng cellphone ko. Number ni Lorie ang nakalagay.
"Opo. Sino po sila?"
"Daddy ito ni Lorie." Kinakabahan ako bakit daddy niya ang may hawak ng cellphone niya.
"Bakit po ano po ang nangyayari kay Lorie?" Hindi ako mapakali, nag aalala ako sa kung ano nang nangyayari. Napansin ko ring napatingin sa'kin si nanay at tatay, kitang-kita ko na nag aalala sila sa kalagayan ko ngayon.
"Hija maaari ka bang pumunta rito ngayon?" Pakikiusap ng daddy ni Lorie.
"Opo papunta na po." Ipinasok ko kaagad ang cellphone ko sa sling bag ko at nag madaling sumakay sa sasakyan. "Kuya Squares medical hospital po." Agad kong sabi kay kuya kaloy na driver namin. Patuloy ako sa pagdarasal habang nasa kalagitanaan ng byahe. Lorie naman please lumaban k! 'wag mo akong iiwan magtatampo ako sige ka..
Nang makarating kami sa hospital kung saan naka admit si Lorie ay tumakbo ako papuntang room niya. Nakita ko sa labas ng room ang tatay niya at ang nanay niyang umiiyak.
"Ano pong nangyayari?" Tanong ko sa daddy niya. Hindi naka sagot ang daddy niya sa tanong ko naka-yuko lamang ito, marahil ay alam na nila ang posiblidad na mangyari at wala nang magagawa pa kung 'di tanggapin nalang ito. Sumilip ako sa glass wall, kitang-kita ko roon si Lorie na ni ri-revived ng mga doctor.
Bahagya itong nagising at na-buhayan ang ang doctor, ikinuyom ko ang kamay ko at itinaas ko ito sa ere sapat na para makita ni Lorie na nangangahulugang laban lang, yes nakatingin sa'kin si Lorie kahit hirap na hirap na. Ngumiti ito saakin at buong lakas niyang itinaas ang isang kamay niya upang gayahin ako. Kasabay nito ang pag tulo ng luha niya. Halos humagulgol na ako sa kakaiyak habang nakikita siyang unti-onting namamaalam. Patuloy sa pag daos-dos ang aking mga luha. Hagang sa tuluyan nang naging deretso ang linya ng monitor na nasa tabi ng higaan niya. Tumigil na rin ang mga doctor sa pag revived sa kanya na nangangahulugang wala na talaga.
"He's died." Ika ng doctor na lumabas mula sa silid. Pumasok kami sa loob upang makita at mahawakan si Lorie sa huling pagkakataon. Niyakap ko siya.
Matapos ko siyang yakapin ay hinawakan ko ang kamay niya. "Nakakainis ka naman, iniwan mo nanaman ako. Sabi mo sa'kin hindi mo na ako iiwan nakaka tampo ka Lorie!"
Patuloy na rumaragasa ang aking mga luha, ang sakit mawalan ng kaibigan, hindi ko alam ang gagawin ko gayong wala ka na. Sino na ang makikinig sa mga ka dramahan ko? Gayong iniwan mo na ako, okay lang sana kung umalis ka pumunta ka sa malayo basta't makikita pa kita, hindi 'yong aalis ka tapos hindi na kita makikita kailan man. Patuloy rin sa pag iyak ang mga magulang ni Lorie. Alam kong masaya siya ngayon dahil kahit sa huling sandali manlang ng buhay niya rito ay nabuo ang kanyang pamilya.
"Don't worry everything will be alright." Kasabay ng mga salitang iyon ang pag haplos sa likod ko. Si John.
"Bakit ka andito? May performance ka pa ngayong gabi ah." Pagtatanong ko kahit garalgal at mugtong-mugto ang mga mata ko.
"Bakit pa ako mag pe-perform kung wala naman doon ang babaeng pag aalayan ko ng kantang kakantahin ko?." Hindi ko na siya pinansin at natuon ang pansin ko kila nanay at tatay na narito rin pala. Niyakap ako ni nanay upang pagaanin ang loob ko.
"Don't worry bro, hindi ko siya papabayaan." Pangangausap ni John kay Lorie. Wala na siya, wala na talaga. I Love You Lorie my best bestfriend.. forever. Hanggang sa muli. No more Goodbye just see next time.

CZYTASZ
You're Mine
Romans"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019