CHAPTER 10 - Punishment?

621 121 8
                                    

Chapter 10

Charles's POV

Sinundan lang namin ng tingin yung dalawa na nagmamadaling tumakbo paakyat ng hagdan tsk

Mga late comers.

" Hahahahaha grabe! napaka taray nya talaga never pa akong naka encounter ng ganong babae! interesting!" tatawa-tawa pang sabi ni Kev habang nakatingin parin sa pinag-akyatan nung dalawa.

" Mukhang may natipuhan ka na naman bagong pagtitripan ah?" nakangising tanong ni Rey.

"hahahahaa yeah yeah! you know me that much ha? hahahaha" pabirong aniya kaya nagtawanan sila.

"let's go." walang gana kong sabi.

"Wait! diba sabi ni Miss Ocampo puntahan natin sya before her Class?" pigil ni Chris. Oo pinapapunta kami ni Miss Ocampo sa faculty nya before 8:30. nakalimutan ko.

"Baka nasa klase na yun. Tara" singit ni Kev.

"At saan naman natin sya hahanapin? sa lawak nitong Montenolie? " inis kong sabi.

"Tsk.. Edi hanapin sa board. Nakasulat naman don lahat ng name ng teachers at kung anong time ang klase nila." parang dismayado pang ani Kev.

"Tsk. Nag-iisip ka ba? Sa dinami-dami ng OCAMPO ang pangalan dito sa School na to sa tingin mo malalaman natin kung sino sya don? ni hindi nga natin alam kung ano ang kumpletong pangalan non. " inis kong sabi. Tsk bakit ba kasi napaka exclusive ng pagkatao ng teacher na yon. Wala syang ibang binigay na pangalan na pwede naming itawag sa kanya kundi OCAMPO lang.

"Oo nga no?" nag-iisip sing sabi ni Rey.

"Isang subject lang naman ang tinuturo ni Miss Ocampo, so let's go to the English section.. Tignan natin do'n kung anong Second section ang tuturuan nya this Morning." basag ko sa pag-iisip nila.

"Oo nga! tama! tama! ang galing mo talaga Dude!" parang batang namamangha sa isang bagay na ani Kev tsk.

' umarangkada na naman ang pagiging isip-bata'

Pagdating sa hall ay natanaw namin ang billboard na nakatayo sa may gilid ng poste.. (pader) malawak ang hall dito. Isa syang room na pwedeng gamitin kapag gusto mong mag practice ng sayaw, or any kinds of sports.

"Ano ba yan! ang taas naman ng floor na 'to! baka lumuwa na ang mata natin nyan bago natin marating yang room na yan?" nagrereklamong ani Kev. Nakita kasi namin ang current class ni Miss Ocampo ngayon at nasa pinaka dulo pa ng building yon sa BFF building 4th floor Room 256 ang taas nga.

"Wag kanang mag reklamo dahil tayo na nga ang di sumipot sa faculty nya on time. Paniguradong uusok na naman ang ilong non. Kawawa ang klase nya ngayon sa kanya lalo na ang late comers. Tsk imbis na tayo ang sasabunin sila ang sasalo sa ng galit nya. " malumanay na ani Chris.

"Tara na.. " sabat kona.

BFF BUILDING ROOM 256

"Okay class listen! I am not going to repeat it once I said it already.. " dinig naming sigaw ni Miss Ocampo sa klase nya.

"Bad mood na naman ang dragon." bulong na ani Kevin, natawa naman ako sa tinuran nya pero diko pinahalata hahaha.

"Kelan pa ba umayos ang mood nyan? e halos araw-araw nga'ng mainit ang ulo nyan. Daig pa ang laging may dalaw." naiiling na sabi ko.

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon