CHAPTER 26: Kidnaper

95 7 0
                                    

Chapter 26

Leslie's POV

"Alam mo bess, satingin ko kailangan natin dumistansya sa Tamara na 'yan. Ang sama ng ugali!" - Ica.

Nandito na kami sa room ngayon at hinihintay ang susunod naming sub. Hindi ko rin naman gustong mapalapit sa Tamara na 'yon, nakakatakot sya, ang creepy nyang tignan.

"Mm.. Wala naman akong sinabing makikipag kaibigan tayo sa kanya. " sagot ko ke Ica.

"Mabuti naman kung ganon. Hindi ko gusto ang personality ng isang 'yon." nakangusong sabi nya pa.  I knew it! tingin pa ngalang niya kanina kay Tamara alam konang  ayaw na nya dito.

" Hindi ka rin naman nya gusto kaya patas lang kayo, haha." biro ko. Masyado kasing mabigat ang atmosphere dito sa room, pinapagaan ko lang.  Tahimik at walang nagsasalita tanging kaming apat nga lang ata ang maingay dito e.

"Har. har. Natawa ako. Tigilan mo'ko sa mga banat mo Leslie Anne, Mainit ang ulo ko." masungit nyang sabi kaya natawa kaming tatlo

"Alam nyo mga beshie. Mainit ang ulo nyan kasi hindi nakasama ng matagal yung Monggo nya hahah. Tapos ngayon kasama pa ng Monggo nya yung kinaiinisan nyang babae. Naku naku!" umiiling-iling pa kunwaring sabi ko hahaha

Ang sarap talaga pag-trip-an nitong si Ica.

"Aruyyy tinamaan na ang lintek! hahaha Ano Ica? Gusto mo na ba sya? ayieee" tudyo sa kanya ni Shiela pero inismiran nya lang ito haha KJ.

"Araayyy Selos ng palihim mahirap yan, palihim ka rin masasaktan haha" nilingon ko si Melanie na nagsalita. Naalala ko bigla si kuya.

Yes alam kona. Alam kona na break na sila ni ate Moira.

Galit na galit ako kay ate Moira nang malaman ko ang  lahat ng ginawa nya kay kuya. Ramdam ko kung pano unti-unting gumuho ang mundo ng kaptid ko dahil sa pagkawala ng taong pinakamamahal nya sa kanya. Ramdam ko ang sakit ng pakiramdam nya, ramdam ko ang pagdurusa nya, ramdam ko kung gaano kalaki ang parte ng pagkatao nya ang nawala sa kanya.

Naaawa ako sa kanya. Naaawa ako para sa nararamdaman nya ngayon. Masyado syang nasaktan sa nangyari.

'Nangyari na ang kinakatakutan kong mangyari.'

"Ewan ko sa inyo puro kayo kalokohan!" dinig kong sabi ni Ica. Tiningnan ko sya at napangiwi nang makitang busangot na busangot  ang mukha nya haha.

"Iiyak na yan! iiyak na yan! whoo!" sabay na sigaw naming tatlo haha tumayo si Ica at lalabas sana ng classroom nang siyang dating naman ng Lecturer haha kawawa.

" Okay, Let us continue our last topic yesterday." umupo kami lahat ng ayos ng mag-umpisa ng mag discuss ang lecturer. Hindi na rin kami nakapag-usap dahil baka mahuli kami ng lecturer.

~~**~~

MATAPOS ang pang hapon na klase ay agad na lumabas kaming apat ng campus. Gusto konang makauwi agad ng bahay dahil talagang ang sakit ng likod ko. Napalakas ata ang pagkakatulak sakin nung Tamara na 'yon kaya kumikirot.

" Una na kami, Shie, Mel. Ingat kayo." paalam ko saka na kami umalis ni Ica.

" Ica." tawag ko kay Ica sa kalagitnaan ng paglalakad namin. May naalala lang ako.

"Oh?"

" Break na si kuya Lei at ate Moi." sabi ko saka sya nilingon.

" Ah. Talaga? bakit daw?" tugon nya. Bahagya pa akong nagulat dahil wala manlang syang naging reaksyon, ang inaasahan ko ay magtatatalon sya sa tuwa at mag sisigaw sa kilig pero bakit parang wala lang sa kanya yung binalita ko? Sa katunayan nga ay dapat masaya sya dahil yung taong minahal nya ng patago sa loob ng tatlong taon ay malaya na, maisasakatuparan nya na yung matagal nyang pangarap na  mahalin sya pabalik ng taong mahal nya.

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Where stories live. Discover now