CHAPTER 22 - may gusto na ba ako sa kanya??

96 8 0
                                    

Chapter 22

Ica's POV

WHOOOO!! trip for 4 days!! busog na naman ako sa pahinga bwuahahahaha.

Okay guys nandito na po kami ngayon sa aming sasakyan at papunta na po kami ngayon sa aming destinasyon.  Boom! and I thank you.

"Baby sleep ka muna. Medyo malayo ang byahe natin." 'Wag na kayong magtaka leche! malamang ay si Monggo ang katabi ko dahil yung tatlo ay ayun may kanya-kanyang katabi. Ayy si Mel pala wala heheh. Si Reylie kasi ang nag da-drive.

"Mongoloid ka ba, kaya nga nag set ako ng gantong trip para ma enjoy ko tapos papatulugin mo'ko? " naka ngiwi kong sabi.

" E nasa byahe pa naman tayo"

" Ano ngayon?? edi titignan ko yung view na madadaanan natin." mataray kong sagot.

"Edi ako nalang ang matutulog." nagulat ako nung bigla syang humiga at umunan sa lap ko!

" Oi! oi! a-anong ginagawa mo? tumayo ka nga 'ryan!" sabi ko saka sya pilit tinatayo pero ayaw nya, parang wala syang naririnig sa halip ay pinikit pa ang mga mata.

'Mongoloid talaga.'

Hindi ko nalang sya pinansin at hinayaan ko nalang sya. Ano pa nga bang magagawa ko e naka higa na sya?

Makalipas ang ilang minuto ay pinakiramdaman ko kung gising pa 'tong nasa tabi ko pero parang tulog na. Lumingon ako sa Likod at ayun lahat sila tulog maliban kay Charles na mulat na mulat ang mata habang nakatitig sa mahimbing na natutulog na si Leslie.

'Minsan ang hirap mong basahin. Hindi ko malaman kung interesado ka ba sa kaibigan ko o trip mo lang sya? '

Napabuntong hininga nalang ako saka bumalik sa pagtanaw sa dinadaanan namin. 4 palang kasi ng madaling araw guys, kaya wag na kayong magtaka kung bakit puro bagsak ang mga kasama namin.

Dahil wala akong magawa ay hinimas ko nalang ang buhok ni Monggo, inpernes malambot. Mukhang alaga nya pati ang buhok nya ha?

"Baby?" nahinto ako sa ginagawa ko ng magsalita si Monggo.

"Nagising ba kita? " tanong ko pero hindi sya sumagot kaya nagpatuloy ulit ako.

"Alam mo bagay kayo." napalingon ako kay Reylie na syang nagsalita.

"Hah?" tanong ko.

" Bagay kako kayo ni Kevin." pag-uulit nya.

"Tsk. Malabo na mata mo. " sabi ko saka muling humarap sa bintana.

" Ahahaha. Alam mo yang si Kevin makulit lang yan at playboy. Pero pag yan nag mahal seryoso pa sa seryoso. Malas nga lang nya sa pag-ibig dahil kung kailan nag-seryoso saka naman sya niloko haha." Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nya pang sabihin sakin yang ganyang mga bagay tungkol kay Monggo, e wala naman akong pake.

Hindi ko sya sinagot, pinikit ko nalang yung mata ko baka sakaling tumahimik sya. Ayoko kasing pinag-uusapan ang tungkol sa mga ganyang bagay dahil ako mismo walang experience ukol dyan. Hindi ako relate!

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Baby... Baby... We're here.. Gising na." nagising ako nung may maramadaman akong mahinang tumatapik sa pisngi ko.

' Bakit hindi nyo ko ginising, hindi nyo sinabing nakatulog pala ako. '

" Nasan yung iba?'' pagmulat ko kasi ay dalawa nalang kami dito sa sasakyan, wala na yung anim.

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon