CHAPTER 13 Goal #1

531 87 1
                                    

Chapter 13

LESLIE ANN'S POV

" Woi bakit ginabi ka daw ng uwi kagabi sabi ng kuya Lei mo?" Nandito kami ngayon sa classroom nakaupo 2 minutes break daw muna sabi ni Ms. Leigh. Liningon ko si Ica saka nagkibit balikat.

"Ughh ano nga? alam mo bang hindi ako tinantanan ng kuya mo katatanong kung nasan ka? kung bakit hindi kita kasamang umuwi? halos nalibot na nga nya ang buong bahay ko kahahanap sayo, tsk. Akala ata tinatago kita." frustrated na aniya. Nilingon ko ulit sya saka bumuntong hininga.

" Nagkita kami nila Shiela sa mall" paunang sabi ko.

"Nila? sinong kasama nya?" agad na tanong nya. Talas talaga ng pakiramadam.

"Si Chris. Do you still remember him?" sagot ko. 

"Hmm.. Isa sa mga kaibigan ni Monggo yun diba?" sabi nya.

"Monggo?" takhang tanong ko.

" Mongoloid. si Kevin na mukhang Mongoloid." paglilinaw nya. Napa ahh. nalang ako tsk. Hanep may endearment agad sila. Si MP at MONGGO, hahaha.

"Ouhm siya nga. Ang sabi ni Sheshe ay aksidenteng  nagkita lang din sila sa mall gaya namin. Kaya ayun, nagkwentuhan muna kami saglit. Inabot ako ng gabi dahil dumating sina Charles, nagyayang kumain kaya di agad ako nakauwi." kwento ko sa nangyari kahapon. Pagtapos naming kumain umuwi na rin ako, hinatid ako nila Sheshe kasama sina Chris.

"Whuua ang daya, hindi nangsasama!" nagdadabog niyang sabi.

"Gaga e diba nga umuwi kayo nila Melanie?"

"E ayaw mo naman kasi kaming isama. "

"Hala te, ano naman bang malay ko na magtatagal ako don? hindi ko rin naman alam na makikita't makakasama ko ang mga yon sa pagpunta ko ng mall." depensa ko sa sarili ko.

"Sabagay... Pero ano kamo? nandon sina Charles? edi ibig sabihin ay nandon din si Monggo?" pag kaklaro nya pa.

"Ouhm."

"buti nalang pala at hindi ako sumama, kundi makakasama ko na naman pala yung Monggo na yun.." bulong ni Ica sa sarili nya pero narinig ko naman.

'ano kayang  nangyari sa kanila kahapon?  bakit di sinabi sakin ni Ica?'

"Ahh.." kunawari pang aniya habang tumatango-tango.

"Bakit?" kunwaring tanong ko. Baka kasi mabanggit nya kung anong nangyari kahapon nakalimutan lang sabihin.

"Ah wala wala. Pero, M-may n-nabanggit ba sa inyo si M-monggo?" nauutal pa niyang tanong. Naghinala naman ako sa ikinikilos nya.

Biglaang nagtatanong, di mapakali, nabibigla, nauutal? hmmmm.. There is something na hindi nya sinasabi sakin. '

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Where stories live. Discover now