CHAPTER 10

9.1K 161 3
                                    

SAMARAH POV

Hindi ko maiwasan na magtaka sa kinikilos niya. Minsan mabait siya minsan masungit. Ngayon naman kung ano ano ang sinasabi sakin. Napatingin ako kay Kieper na galing sa kusina at may dalang isang pitsel na juice. Nakangiti itong lumapit sakin. Nilapag nito yung pitsel sa mesa at hinila ako paupo.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" Nakangising tanong nito sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Wala. Nagtataka lang ako kay Sir Aron. Nito kasing mga nakaraang araw hindi ko siya maintindihan." Nakanguso kong sabi.

"Hayaan mo na yun. Ganun talaga yun. Kumain ka nalang diba gusto mo yan?" Sabi nito sabay abot sakin ng cake at juice. Kinuha ko yung plato at tinidor para tikman yung cake na binili niya. Napangiti ako ng malasahan ko yun.

"Saan mo to binili?" Tanong ko habang ngumunguya. Kinagat niya ang labi niya at saka inabot sakin yung tissue.

"Mukhang nagustuhan mo ah," sabi nito. Sunod sunod ang pagtango ko sa kanya. Natawa naman ito sa reaksyon ko. Kumuha ako ng piraso ng cake at sinubo ko yun sa kanya. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ako.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Naiiling na nagiwas ito ng tingin sa kanya. Ano bang problema?

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?" Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Bakit? May mali ba sa ginagawa ko?" Nagtatakang tanong ko. Nailing na sinubo niya yung cake saka ngumuya.

"Alam mo nahahawa ka narin ata kay Sir Aron eh." Sabi ko sa kanya habang kumukuha ulit ng cake. Ang sarap kasi talaga.

"Hindi ah, gusto mo ba lumabas?" Tanong nito sakin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Sorry. Siguro sa susunod nalang." Kagat labi kong sabi. Ngumuso naman ito sabay tango.

"Ah, Kieper. Salamat sa cake ha, nagustuhan ko talaga." Nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ito sabay kurot sa baba ko.

"Anything for you baby cake." Sabi niya habang nakatitig sakin. Kinagat ko ang labi ko. Ramdam kong nagiinit yung pisngi ko kaya nagiwas ako ng tingin. Tawa naman siya ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi rin nagtagal natawa nadin ako. Napatalon ako sa gulat ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Sam. Can we talk?" Seryosong tanong nito sakin. Kinakabahan akong tumingin kay Kieper. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"I think I should go." Sabi nito sabay tayo. Tumayo na din ako mamaya ko nalilinisin ito.

"Ingat ka. Salamat ulit." Nakangiting sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang lumapit sakin at inakbayan ako.

"Hands off." Iritadong sabi nito kay Kieper. Ano bang problema nito? May mali ba sa pag akbay? Naiinis na hinarap ko siya.

"Kung gusto niyo po ako kausapin sandali lang po. Ihahatid ko lang si Kieper sa labas." Iniwan ko siyang nakaawang ang bibig. Mabilis kong hinila ang kamay ni Kieper papunta sa pintuan.

"Easy Sam." Nakangising sabi nito. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit Sam? Diba baby cake?" Inosente kong tanong. Ngumisi naman ito ng mas malapad pa.

"Really? Hay naku hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo." Sabi niya habang ang dalawang kamay ay nasa may dibdib.

"Ambot sa imo dong uy. Paglakat nangani basi masuko nato si Sir Aron."ewan ko sayo dong uy. Umalis kanya nga baka magalit na si Sir Aron.) Sabi ko sa kanya habang mahina siyang tinutulak. Tulala kasi ito.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now