CHAPTER 54

5.8K 87 0
                                    

SAMARAH POV

Nang makababa ako ng hagdan ay agad ko ng binigay yung wallet niya. Kinuha naman niya yun sakin.

"Let's go?" Aya niya kay Irine. Ngumiti naman yung bata saka tumango. Hinila na niya si Irine papunta sa kotse. Naupo si Irine sa likod at ako sa unahan. Tahimik lang ako habang nagmamaneho siya. Iniisip ko parin talaga yung nakita ko kanina. Dahil traffic ay huminto kami. Hinawakan niya ang kamay ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit ko ulit nararamdaman to? Tumingin ako sa kanya.

"Are you okay? Kanina kapa tulala dyan." Tanong niya sakin. Huminga ako ng malalim.

"Wala. Hindi lang ako makapaniwala sa nakita ko kanina sa kwarto mo."pag-amin ko sa kanya. Nagtatakang tiningnan naman niya ako.

"Ano bang nakita mo?" Tanong niya.

"Yung sa laptop mo." Nanlaki yung mata niya nang marinig ang sinabi ko.

"Yun ba? Hindi ko din akalain na dadating ang araw na gagawin ko yun. Dati natatawa pa ako sa mga kaibigan ko kapag pinaguusapan nila ang pagkakaroon ng anak. Ngayon, nangyari na sakin. Masarap pala sa pakiramdam." Sabi niya. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil umusad na yung sasakyan sa harapan namin. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mall. Nag-aya kaagad si Irine na maglibot. Nakasunod lang ako sa kanila nagmamasid. Oras nila to kaya pagbibigyan ko sila. Napangiti ako. Malapit na talaga makuha ni Aron ang loob ng anak namin. Siguro iba talaga kapag lukso ng dugo. Mayamaya ay napalingon sila sakin.

"Bakit nandyan ka?" Tanong ni Aron.

"Ha? Ah. wala." Sabi ko at lumapit na sa kanila. Nagulat ako nang hawakan ni Irine ang kamay ko saka nilapit yun sa kamay ng papa niya.

"Please, papa. Mama." Sabi niya. Untiunti akong napangiti at ginulo ang buhok niya. Pinagbigyan ko nalang. Lumipat naman siya sa kabila at humawak sa papa niya. Nailing na pumasok nalang kami sa loob ng mall.

"Mama. Nood tayo sine!!" Sabi niya tapos tumalon talon.

"Okay. Ano ba ang gusto mong panoorin?" Tanong ni Aron sa bata pero mukhang hindi niya narinig dahil nakatingin lang si Irine kay Barbie. Kinalabit ko nalang si Aron.

"Barbie. Paborito niya yun." Napakamot naman siya sa ulo.

"I see. So, wait lang. Bibili lang ako ng ticket." Paalam niya sakin. Tumango nalang ako. Nilapitan ko naman si Irine na hindi na naalis ang tingin kay Barbie.

"Mama. Love mo ba si papa?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ako kaagad nakasagot.

"Pareho ko naman silang mahal. Pareho silang importante sa buhay natin. Pero anak, may mga bagay na hindi ko pa dapat nalalaman sa ngayon. Balang araw anak, maiintindihan mo rin ang lahat." Paliwanag ko sa kanya. Ngumiti naman siya saka ako niyakap. Hinagod ko naman yung likod niya. Mayamaya dumating na si Aron.

"Anong drama niyo?" Takang tanong niya. Natawa nalang ako sa kanya. Tumayo na ako at binigay na yung ticket. Nang makapasok kami sa loob ay magsisimula na yung palabas. Bumulong sakin si Aron.

"Labas lang ko. Bibili ng pagkain. Nakalimutan ko eh." Mahina niyang sabi.

"Okay." Sagot ko at umalis na siya. Biglang tumunog yung phone ko.

"Hello?" Sagot ko.

"Sam, where are you?" Tanong niya.

"Nasa mall. Pinasyal ni Aron si Irine." Mahina kong sabi.

"Ganun ba.? Sige." Sabi niya. Huminga ako ng malalim.

"Vian? Okay ka lang ba?" Tanong ko. Para kasing matamlay siya.

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon