CHAPTER 59

5.5K 69 0
                                    

SAMARAH POV

Dahan dahan akong lumabas. Nang makita niya ako ay dahan dahan siyang lumapit sakin.

"Sam, sorry. Sorry sa lahat. Please, patawarin mo na ako. Hindi ko naman sinasadya. Magsalita ka naman." Kita ko ang hirap sa mga mata niya. Pero hindi ngayon ang tamang panahon para mag-usap. Hindi kami magkakaintindihan. Lumunok muna ako bago nagsalita. Para kasing may nakabara sa lalamunan ko.

"Vian. Mas mabuti kung uuwi ka muna. Bukas nalang tayo mag-usap kapag maayos kana." Sabi ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng blanko.

"Sam. Iiwan mo na naman ako?" Tanong niya. Malakas akong napabuntung hininga. Tumalikod ako para makita ko si Aron.

"Kakausapin ko lang siya. Pumasok kana sa loob." Sabi ko sa kanya.

"Okay. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong." Sabi niya. Ngumiti ako saka tumango. Nang makapasok na siya sa loob ay binalik ko ang tingin ko kay Vian. Nakaluhod na siya ngayon sa semento. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Vian. Kaya mo bang tumayo?" Mahina kong tanong. Tinitigan niya ako ng mabuti na para bang mawawala na ako.

"I'm sorry. Sorry kung hindi ako naniwala sayo. Masakit kasi. Natakot na akong masaktan ulit. Masakit ang umasa sa wala. Akala ko noon kapag nakuha na kita magiging masaya na ako. M-asaya kasi sa wakas. Sakin kana. Pero sa tuwing nakikita ko na kasama mo siya kapag nangiti ka kasama siya. Pakiramdam ko hindi pa ako sapat. Sam. Bakit?" Nahihirapang sabi niya. Huminga ako ng malalim saka tinitigan siya.

"Vian. Aaminin ko nung una, hindi ako sigurado sa disisyong pagsama sayo. Sa pagaako mo sa responsibilidad ng iba. Pero nakita ko sayo kung gaano mo kami kamahal. Kung gaano mo kagustong maging ama. Vian. Hindi mahalaga kung sino sa inyo ang nauna. Ang mahalaga ay kung sino talaga ang mahal ko. Kahit ilang beses mo akong sinaktan. Ikaw parin ang pipiliin ko." Tipid siyang ngumiti sakin. Nakita ko ang pamumutla niya. Pinapapawisan din siya.

"Vian. A-anong nangyayari sayo?" Kinakabahan kong tanong.

"S-am. Kahit a-nong mangyari wag kang bi-bitaw." Pagkasabi niya nun ay nawalan na siya ng malay. Nagpanic na ako.

"Vian! Vian!" Tawag ko pero hindi siya nasagot.

"Aron! Tulong si Vian!" Sigaw ko mula sa labas. Basta namalayan ko nalang na nasa tabi ko na si Aron at panay ang mura.

"Shit. Kukunin ko lang yung kotse." Sabi niya saka patakbong umalis. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kong paano siya gigisingin.

"Vian. Please, gumising kana." Pagmamakaawa ko. Napalingon ako nang may bumusina. Si Aron. Mabilis siyang lumabas ng kotse at tinulungan niya akong isakay si Vian. Panay na ang tulo ng luha ko dahil sa pagaalala. Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko. Si Aron.

"Kinakabahan ako. Ano bang nangyari sa kanya?" Tanong ko sa sarili ko.

"Wag kang magalala. Masamang damo yan. Kaya hindi yan basta basta mamatay." Hinampas ko naman siya. Nagaalala na nga ako nakuha pa magbiro. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hospital. Agad kaming tinulungan ng nurse. Hindi kami nakapasok sa emergency room dahil bawal. Wala kaming nagawa kundi maghintay sa labas. Panay ang dasal ko na sana okay lang siya. Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si tita.

"Hello. T-tita. Si V-Vian po nasa hospital." Nanginginig na sabi ko.

"Anong nangyari?! Sige sabihin mo sakin kung saan papunta na ako." Hindi na ako nakapagsalita dahil pinatay na ni tita. Hindi din naman nagtagal ay dumating na si tita. Agad niya akong hinawakan sa braso.

MY BOSS AND IWhere stories live. Discover now