Let go-4

32 6 7
                                    

Camila's POV

2 linggo na ang lumipas simula nang tanungin ko siya ng kasal. Araw-araw ko siyang tinatanong kung pwede naba kaming magpakasal.

Minsan tatawa ito. Minsan hindi papansinin ang sinabi ko. Minsan naiinis ito sa kakulitan ko, at minsan papayag naman ito but sad to say, joke lang din pala iyon. Ouch!

Sinabi ko nga kay Christine na, kung pwede lang araw-araw ko siyang tatanungin ng kasal, eh gagawin ko. Talaga namang ginawa ko.

"Babe? You're spacing out again. Ano bang iniisip mo?" Tanong ni Nathan saakin. I just shrugged. Bakit kapag ba sinabi ko may magagawa siya?

"Kung kailan mo ako papakasalan" daretsong sabi ko. Siguro nga wala na akong kahihiyan na natitira para sa aking sarili. Desperada na talaga ako eh. Huminga muna ito nang malalim bago ito magsalita.

"Seryoso ka ba talaga? Gusto mo na bang magpakasal? Paano na ang magiging babies natin kung wala pa tayong maibibigay na magandang future sakanila?" Sabi nito. Agad naman akong napatayo dahil sa sinabi niya. Nakakapikon din kase siya minsan. Anytime soon pwedeng-pwede akong magbreakdown sa harapan niya. Masakit na kase na nasa isang loop ka ng rejection.

"Ano ba para sayo ang magandang future? Tatlo na ang kotse natin Nathan for jesus christ! May magarang bahay na tayo. May sariling restaurant ka at sikat pa. Malaki din naman ang sahod ko bilang fashion designer. Ano pa ba ang kulang?" Medyo pagalit na sabi ko. Sinubukan ko naman pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko talaga kaya eh. Gusto ko ngang manapak sa sobrang sama ng loob ko.

"Babe itulog mo muna iyan. Hindi naman nasusukat ang pagmamahalan sa isang sagradong kasal lang" pangungumbinsi nito saakin. Yeah right! May punto na naman siya. Pero kung mahal naman talaga niya ako, bakit hindi pa siya magpatali saakin? Mahirap ba 'yon?

"Hindi sige. Ikaw na ang maunang matulog." Medyo kalmadong sabi ko. 'Yan ang maganda sa relasyon namin. Sa tuwing may nagagalit saamin hindi namin ito gagatungan, bagkus susubukan namin itong pakalmahin.

"Okay, matulog ka na din ha?" Sabi nito saakin. I can see his worried eyes. Nanlambot naman bigla ang mga tuhod ko. Hindi ko kayang hindi makita ang mga matang iyan.

"Yes" sabi ko at binigyan na siya ng goodnight kiss.

Alam ko naman na ayaw saakin ng Mama ni Nathan. Kaya sana lang hindi siya ang dahilan kung bakit ayaw magpakasal saakin ni Nathan.

Nanuod na muna ako habang nagsketch. Nang maramdaman ko na ang antok, napagdesisyunan ko na ding matulog at tumabi sakaniya.

• • • • •

Kinabukasan...

"Babe? Bakit hindi ka nakauniform?" Tanong ko dito. Hindi kase ito nakapang-opisina, nakasuot ito ng casual na damit.

"Dumating na kase si Mina" maikling sagot nito habang inaayos ang buhok nito.

Mina? Familiar ang pangalan saakin. Saan ko nga ba 'to narinig?

"Mina? Sino iyon Babe? Pinsan mo? Kamag-anak?" Tanong ko. Nilingon naman ako saglit nito.

"Si Mina, ang dating business partner ng restaurant natin" sabi nito at mukhang naasar pa sa ayos ng buhok nito. Hahaha! Nakakatawa lang 'yung mukha niya.

"Ahhhh... Oo bakit nga pala siya nawala? 3 years din siyang nawala ha?"  Wala na kase akong narinig doon sa Mina na 'yon. Napaka-bait niya pa naman. Alam ko family friend din siya nila Nathan.

"Umalis siya ng bansa" sagot nito at patuloy parin sa pagayos ng buhok nito. Dahil mukhang hirap na hirap na siya kaya ako na lang ang magaayos ng buhok niya.

"Halika nga dito, ako nang mag-ayos" sabi ko at inayos ang buhok niya. Humawak naman ito sa bewang ko habang nakatingin siya saakin.

"Bakit pala siya pumunta ng ibang bansa? For what?" Sabi ko. Medyo may pagkachismosa ako ano? Haha! Nakakacurious lang kase. Maayos naman kase siya dito eh. Tapos bigla nalang siyang nawala.

"Ewan ko ba doon" sabi nito. Ayan natapos din ako sa pagaayos ng buhok niya.

"Wow! Ang galing mo talaga Babe" puri nito saakin habang tinitignan niya ang sarili niya sa salamin.

"Syempre naman! So ano? Pwede na ba tayong magpakasal?" Excited na tanong ko dito. With matching palakpak pa iyan ah!

"Hay! Ayan  ka na naman Babe. Aalis na nga ako, ba-bye na" sabi nito at kiniss na ako sa lips. Haaaayyyy pang 15 times ko nang mareject 'to. Kotang-kota na ako!

• • • • •

Don't forget to Vote, Share and Comment your thoughts. Thankyou!

Let go ( COMPLETE )Where stories live. Discover now