Let go-3

17 2 0
                                    

Nathan's POV

Nandito ako ngayon sa isang flower shop. Balak ko sanang ibili ng Pink Roses itong si Camila dahil nitong nakaraang araw, todo effort at panay biro nito saakin kung kailan daw ba kami magpapakasal.

Minsan nga naiisip ko baka seryoso talaga siya sa gusto niya. Think of it, kung magpapakasal kami paano na ang future ng babies ko at ano nalang ang ipapakain ko sakaniya? Gusto ko pa naman siyang bigyan nang maganda't masaganang buhay.

At isa pa, nagkaroon kasi ng problema ang business ko at ang company namin ng parents ko. Ayaw ko naman na pakasalan siya tapos ako? Ano? Magiging busy at hindi man lang siya mabigyan ng atensyon?

Isa din iyon sa dahilan kung bakit ako late kung umuwi. Marami pa kase akong tinatapos. Kaya nga babawi ako ngayon araw na ito sakaniya eh.

Pagkapasok ko sa kotse, biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Mama kaya naman sinagot ko ito.

[Hello, Nate? Where are you? I need you right now] Sabi nito sa kabilang linya. What? Not again! Wala na nga akong oras sa babaeng mahal ko eh!

"Ma, I'm not free today—" 'di naman ako pinatapos ng Mama ko. Agad itong nagtaas ng boses.

[ Because of her? Can you please tell me! Why do you love that girl so much? To the point where you have no time for us!?] sigaw nito saakin. Oo ayaw ni Mama kay Camila dahil naging  Ex Girlfriend ng Daddy ko ang Mommy ni Camila. Pero ipinaglaban ko ang pagmamahalan namin. Ganiyan ko siya kamahal.

"Ma please! Not again! If you have issues with her mother FROM THE PAST, can you please leave Camila out of it? I'm not feeling well today okay? I can't go!" Sabi ko at ibinaba ko na ang tawag. Call me rude but I don't care. Even though she is my mother, I'm done with her. I had enough, she's too much!

Alam kong pagnalaman ni Camila ang ginawa ko sa Mama ko ay magagalit iyon. Ayaw kase niyang sinasagot ko ang Mama ko lalo na kung dahil sakaniya iyon.

See? She's too good for this harsh world. I don't know why my Mom can't see her worth.

• • • • •

Camila's POV

"Flowers for the love of my life" malambing na sabi ni Nathan at inabotan ako ng bulaklak. She kissed my forehead and rested his chin on my shoulder.

"Why did you came early? Is there a problem?" Nagaalalang tanong ko. 7pm palang kase, nitong nakaraang araw kase mga 10pm to 1am na siya kung umuwi.

"Nah! I just missed you. Oh! What did you cooked? I'm starving" sabi nito. Aysus! Nagpapacute pa ang lolo niyo.

"I cooked chicken barbecue and crab soup" masiglang sabi ko. Siyempre nagpaturo ako sa Mommy ko kung paano lutuin 'to malay mo kase pakasalan na niya ako hehehe!

"Really? But I don't want that" nagtatampong sabi nito. Huh? May topak ata ito ngayon?

"But I thought you're starving? Do you want something else? Fast food cha—"

"I want your kiss" sabi nito at nagwink pa talaga. Aysus! Sinumpong nanaman ng pagkachessy niya.

Natatawang pinitik ko ang kaniyang noo kaya napangiwi ito. Siyempre hinalikan ko agad iyon. Pinuno ko ng halik ang buong mukha niya and that made him giggled.

Binuhat ako ni Nathan at ipinaupo sa sofa sa living room. Tinanong ko naman ito kung anong ginagawa niya pero hindi man lang ako pinansin. Sinabihan niya lang ako na hintayin siya, so i did what he said.

Pag balik niya sa living room, may dala itong tray na naglalaman ng mga ulam, kanin, tubig, one plate, spoon and fork.

"Oh, bakit isang pinggan lang ang dala mo?" Tanong ko. Tumabi naman saakin 'to.

"Para hindi ako mapagod maghugas ng plato mamaya kaya susubuan nalang kita. Wait, iseset ko lang sa movie" sabi nito at inayos na nga ang movie. Ang pinanuod naman namin ngayon ay ang Four Sister And The Wedding.

Nang matapos na ang movie. Humiga ako sa chest niya at huminga nang malalim. Siguro kaya ayaw din akong pakasalan ni Nathan dahil ako ang First Girlfriend niya at takot siyang matali agad? Siguro naghahanap siya ng options?

"Oh? Why are you frowning Babe?" Tanong nito at iniangat ang mukha ko. Hinalikan naman niya ang tip ng aking ilong.

"Babe? Do you mind if i ask you something?" Tanong ko. Tumango naman ito bilang senyales na ipagpatuloy ko lang.

"Ayaw mo bang ikasal agad dahil gusto mo pang i-enjoy ang pagiging isang binata mo? Natatakot ka bang magkaroon ng responsibilidad kaagad?" Kinurot naman niya ang aking pisngi dahil sa walang kasense-sense na tanong ko.

"Ayaw ko lang magpakasal muna dahil marami pa akong problema. Ayaw kong mawalan ng time sa magiging asawa't mga anak ko. Sana maintindihan mo 'yon Babe. By the way, bakit parang nagmamadali kang magpakasal tayo? Hindi naman ako nambabae eh. Patay na patay nga ako sayo oh!" Sabi nito at ipinuwesto ang taenga ko sa kaniyang dibdib. Dinig na dinig ko ang bilis ng kaniyang puso.

"Wala Babe. Hindi ko lang kase kayang mawala ka saakin. Sorry" nahihiyang sabi ko. Pero kahit ganoon pa man. Never akong susuko na tanungin siya kung pwede na ba.

"Okay lang 'yon Babe. Malakas ka sakin eh" sabi nito at nagwink pa.

"Edi pakasal na tayo?" Loko-lokong sabi ko. But sabi nga nila, Jokes Are Half Meant.

"BABE!" Suway nito saakin. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti at tumakbo nalang sa kuwarto namin. Dinig ko pa ang pagtawag niya saakin at ang mahinang pagtawa nito.

Congratulations Camila. You're the best masochist ever!

Let go ( COMPLETE )Where stories live. Discover now