Let go-10

26 2 0
                                    

Nathan's POV

Isang linggo na ang nakalipas at hindi ko parin nakikita si Camila. Nakatanggap naman ako ng text mula kay Christine pero sabi nito hindi pa daw ako handang harapin ni Camila. Kaya nirerespeto ko iyon.

Bigla namang pumasok si Mina sa aking Opisina. Umupo siya sa harap ko at ang tahimik niya.

"Mina? What's bothering you?" Tanong ko dito. Nakuha ko naman ang atensyon niya. Sasagot na sana ito nang biglang magring ang phone ko. Nag-gesture ako kay Mina na sasagutin ko muna ang tawag. Galing kay Christine ang tawag malamang importante ito.

"Hello Christine?" Kinakabahang sabi ko.

[Nathan? I'll send you the location. You need to talk to her ... right now] sabi nito. Napiyok pa nga siya nang sabihin niya ang huling linya but I didn't mind. Palagi kaseng malakas ang boses nito. Malamang nadamage na ang vocal chords niya? I think?

"Okay. Tell her I'm on my way!" Masayang sabi ko. Pinatay na niya ang tawag kaya hinarap ko si Mina na mukhang nakikinig saamin ng kausap ko.

"Yes Mina? What were you saying awhile ago?" Tanong ko dito.

"Who called you?" Tanong din niya saakin.

"Ah, si Christine. Camila's best friend. Sinabi niya lang na gusto na akong makausap ni Camila. How about you? Ano nga bang problema mo?" Tanong ko dito. Umiling naman siya at ngumiti.

"Nothing. Go and talk to her. I'm fine. I'll take care of this. Go! Time is ticking!" Sabi nito at tinulak-tulak pa ako. What's with her? Mas excited pa siya saakin eh.

• • • • •

"Are you ready?" Salubong na tanong ni Christine saakin. Of course i am, Why wouldn't I?

Nagnod lang ako dito at sinamahan ako sa isang kwarto dito sa bahay niya. Huh? Bakit nasa kwarto si Camila? Baka tulog? Napaka-antukin niya talaga.

Pagpasok ko. Nakita ko si Camila na nakatalikod saakin. Nagpaalam naman saakin si Christine na iiwan daw niya muna kami.

"Babe? How are you? I'm sorr—" ganoon na lamang ang naging reaction ko nang makita siya. Anong nangyari sakaniya? Nadepressed ba siya dahil sa ginawa ko? Bakit sobrang payat at putla niya?

"Guess i looked different huh?" Sabi nito saakin. I nodded in response.

"It's not that you looked different but what happened? Did i did this to you?" Nagaalalang tanong ko. Ngumiti naman ito at umiling.

"No. It's not your fault." Nakahinga naman ako nang maluwag. Lumapit ako dito at umupo sa gilid ng kama niya.

"Can you please come back to me? I became miserable without you. I need you" nagmamakaawang sabi ko dito. Napakalamig ng kamay niya.

"Even though i want to, I can't. I just can't." Kasabay ng salitang ito ang pagpatak ng kaniyang luha.

"Why? I love you and so you do. Then what's the problem?" Hindi ko alam kung galit ba ako o ano. Iba-iba kase ang nararamdaman ko.

"Nathan, I'm dying" parang may kung anong nabasag sa kaloob-looban ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"You don't need to pull this kind of prank on me Camila. I'm done with it. If you want to get married, then I'll marry you right away. Just comeback home. Let's go home" mangiyak-ngiyak na sabi ko. Hindi ko kayang tanggapin ang sinabi niya. Halata naman na hindi siya nagsisinungaling. Sa laki ba naman ng ikinapayat niya at kinawalang sigla ng katawan niya.

Let go ( COMPLETE )Where stories live. Discover now