Let go-6

32 5 2
                                    

Nathan's POV

3 months later...

"Umalis nga kayo sa harapan ko!" Sigaw ko sa mga empleyado ko. Nakakastress na sobra!

"Sorry Sir" Panghingi ng paumanhin ng aking empleyado. Lumabas naman sila ngunit may pumasok namang isang babae na isa din sa mga dahilan kung bakit nastress ako ngayon. Actually sila nila Mama.

"Ano ka ba Nathan!? Pinagiinitan mo na naman ang mga emplayado natin!" Suway saakin ni Mina. Oo siya ang pumasok. Binigyan ko naman siya nang masamang tingin.

"Pwede ba Mina!? Manahimik ka nga muna! Wala akong oras sa sermon mo! Eh kung tumutulong ka sa pagpapatakbo ng restaurant ha!? Puro tanggap ka lang ng kita, hindi ka naman nagtatrabaho! Alam ko business partner kita, hindi boss!" Sigaw ko dito. Napatayo naman ito sa gulat dahil sa pagsigaw ko dito. Nakakabwisit lang kase dahil naaawa ako sa mahal ko, wala na akong oras para sakaniya. Idagdag mo pa ang problema ko sa pamilya ko at sa babaeng 'to na sobra sa tamad. Tss!

"Eh kung hindi mo—" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. Paulit-ulit nalang kase 'yung linya niya. Letse!

"Lumabas ka nalang nga! Panira ka ng araw! Labas!" Bwisit na sigaw ko dito. Ewan ko ba! Mabait naman siya pero napipikon ako kapag nakikita siya. Siya kase ang dahilan kung bakit nagkakanda-problema ako ngayon. Hindi man lang tumulong.

"Fine!" Sigaw nito pabalik. Padabog siyang naglakad palabas at marahas na sinara ang pinto.

Ughhh... Nakakaistress talaga ito! Sumasabay pa minsan si Camila. I know wala naman akong dapat ika-bwisit sakaniya dahil ako itong may pagkukulang. But I can't help it.

Makulit si Camila minsan, pero mahal na mahal ko siya. Hindi mo maalis saakin ang mainis sa tuwing nangungulit siyang magpakasal. Araw-arawin ba naman diba?

Ang panget lang kaseng tignan na ang babae pa ang magaaya sa lalaki ng isang kasal. Hindi ba siya makapaghintay? Hindi pa kase ito ang tamang oras eh. I'm trying to fix everything before I'll settle down with her.

Gusto ko kase kapag kasal na kami ni Camila, wala akong aalahanin na bagay. Walang problema. Walang sagabal. Buo ang attention ko sakaniya at siya lang ang priority ko.

• • • • •

Napahinto ako sa pagmasahe sa sintido ko nang kumatok ang secretary ko. Sobrang sakit kase ng aking ulo. Malamang dahil sa stress.

"Sir, may tawag po kayo. Emergency daw po" sabi nito saakin. Napatingin ako sa orasan ko. 8:15pm. Emergency? Sa ganitong oras?

Nag-nod ako dito at kinuha na ang telepono sakanya. Malamang importante 'to. Wala naman kase akong appointment ngayon.

"Hello? Sino to?" Tanong ko sa kabilang linya.

[Hello? Sir? Kayo po ba ang kasintahan ni Ms.Mendez?] Sagot ng boses babae sa kabilang linya. Huh? Ms.Mendez? Si Camila?

"Opo ako nga. Sino po ba kayo?" Tanong ko ulit.

[Sir, pasensya na po. Naaksidente si Ms.Mendez ngayon] napatayo naman ako sa gulat at nanginig ang buong katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang kabog sa dibdib ko. Para nanlambot ang tuhod ko na parang isang wax na naarawan at natunaw.

[Sir? Nandiyan pa rin po ba kayo?] Tanong ng babae. Hindi ko pala namalayan na natahimik ako nang ilang segundo.

"Nasaan po kayo ngayon? Ayos lang po ba si Camila? Paano po nangyari— ano pong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ko. Sobrang natataranta na ako. Alam kong parang bakla na ako kung umasta pero sobrang takot talaga ako. Takot na takot talaga ako sa mga oras na 'to.

Ni hindi sumagi sa isip ko na pwedeng mangyari kay Camila ito. Hindi ko kaya. Hindi pwede.

[Pumunta nalang po kayo dito Sir. Mahabang paliwanag po kase. Nandito po kami sa *Address * pakibilisan nalang po Sir] sabi ngbabae sa kabilang linya. Hindi na ako sumagot at agad na lumabas sa opisina.

Hindi na ako nagabalang magpaliwanag or magbigay ng habilin sa secretary ko dahil mas importante si Camila sa kahit na ano o sino. Ang alam ko lang kailangan niya ako ngayon. Kailangam ako ni Camila. Kailangan ako ng babaeng pinakamamahal ko.

Camila please don't leave me. I can't please. I just can't. Not now please. I know sometimes that you're one of my stressors. But i want you to know that you're my stress reliever too.

Hindi tumigil sa pagpatak ang aking mga luha habang nagdadrive papunta sa location kung saan naaksidente si Camila. I can't hold it anymore.

• • • • •

Pagbaba ko sa kotse, nakita ko ang sasakyan ni Camila. Kay Camila to, I brought this for her. Iginala ko ang paningin ko. Nasaan na siya? Nasaan na ang taong mahal ko?

Pagtingin ko sa may parte ng bangin kung saan matatanaw mo ang buong city doon ko nakita si Camila. Ang babaeng mahal ko at hindi ko kayang mawala sa bisig ko.

Habang nakatingin sakaniya, napasinghap ako at Isa lang ang pumasok sa isip ko. Why Babe? Why did you do this to me?

• • • • •

Hi! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-Update. Busy lang kase ako lately. Don't forget to Vote, Share and Comment your thoughts. Thankyou!

Let go ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon