Kabanata 10

23K 617 81
                                    

Kabanata 10

Argonza



"Neptune, linisin mo 'to!" ani Aling Sonia sabay abot sa akin ng mga isda na dapat linisan.

Mabilis ko itong kinuha para gawin ang trabaho. Mas gusto kong isubsob ang sarili ko sa trabaho kaysa magmukmok sa bahay dahil sa pangungulila kay Atheo. Wala akong mapapala sa ganoon, mapapagalitan pa ako ni Nanay pati na rin ni Uncle Julio.

Dagsa ang tao ngayon sa palengke. Iba't ibang tao ang mga dumaraan, ilang tao lang din ang pumupunta sa aming tindahan para bumili ng isda. Hindi naman matumal ang benta, kumbaga sakto lang din naman.

Nang matapos akong maglinis ay binalot ko na iyon at iniabot sa taong bumili no'n. Nginitian ko ito at bahagyang yumuko para linisin ulit ang iba pang isda.

Hanggang alas tres ako ng hapon dito sa palengke kami si Aling Sonia. Alas onse pa lang ng umaga at alas dose naman ang oras para makapagpahinga kami sandali.

Hindi ko ininda ang sangsang ng amoy na kumapit sa suot kong damit. Ang lansa ng isda na nanuot sa aking mga kamay ay talagang hindi maganda sa pakiramdam ngunit hindi ako nagreklamo. Handa akong tiisin ang mga ito para lang makapaguwi ng pera sa bahay namin.

"Kumain ka na muna, Nep." ani Aling Sonia. "Bumalik ka rito bago mag-ala una, ah?"

Tumango ako. "Salamat po,"

Hinubad ko ang suot kong apron at nagtungo sa gilid para makapaghugas ng kamay. Sinabo ko itong maigi para kahit papaano ay maibsan ang malansang amoy.

Pinatuyo ko muna ang aking kamay bago lumabas sa palengke para magtungo sa hindi kalayuang talahiban. May malaking puno kasi roon kaya gusto ko sanang mahiga muna habang pinapakiramdam ang masarap na simoy ng hangin.

Bitbit ko ang baunan kong may lamang kanin at itlog. Nagdali na rin ako ng sariling tubig para hindi na ako bibili pa. Masarap pa naman kumain doon dahil maaliwalas lalo na't hindi gaanong maaraw ngayon.

Nang makarating ako sa talahiban ay tumakbo kaagad ako papunta sa punong madalas kong puntahan. Napahinto lang ako sa pagtakbo nang may nakita akong nakahiga sa bandang gitnang baba no'n at nakapatong pa ang isang braso sa kaniyang mga mata.

Dahan-dahan akong lumapit para matignan kung sino ang lalaking natutulog. Nakasuot siya ng pulang t-shirt at maong pants.

Dumako ang mga mata ko sa kaniyang mapupulang labi na parang kakulay ng isang pula at masarap na mansanas. Bumaba pa ang mga mata ko sa kaniyang leeg, doon ko nakita ang kaniyang gulunggulungan na nakaumbok, maganda ang pagkakahulma nito at bagay na bagay sa kaniyang panga na para bang nakaigting kahit na hindi naman

Nang bumaba pa ang tingin ko sa braso niya ay doon ko nakumpirma kung sino ang lalaking ito. Si Sylvester ang natutulog na 'to na nag mistulang prinsipe na tila ba naligaw sa kagubatan.

Wala sa sarili akong napalunok at humakbang paatras para sana umalis na. Napahinto lang ulit ako nang inalis niya ang kaniyang braso sa kaniyang ulo at nagtama ang paningin naming dalawa.

Seryoso ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin habang ako ay pinapakiramdaman lang siya at napapakurap na lang.

Bumaba ang tingin niya sa isang kamay ko na hawak ang aking baunan. Tinago ko iyon sa aking likuran at umiwas na ng tingin sa kaniya.

"You're going to eat here?" tanong niya, nakaupo na ngayon at pinapagpagan ang sarili.

"Oo..." mahina kong sagot.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon