Kabanata 19

19.8K 678 203
                                    

Kabanata 19

Kasal

"Nep, kausapin mo naman ako!" rinig kong pagmamakaawa ni Atheo sa labas ng silid na pinasukan ko.

Umupo lang ako sa kama at niyakap ang dalawa kong tuhod. Masakit isipin na gano'n na lang ang nangyari sa amin ni Atheo. Ayaw kong tanggapin na nahulog siya sa iba habang ako rito ay miserable dahil wala siya. Miserable ang buhay ko dahil sa ginawa ni Uncle Julio sa akin at kay Nanay. Ang akala ko magiging maayos na ako kahit papaano kapag dumating si Atheo pero hindi. Mas nadagdagan lang ang mga sama ng loob ko.

"Syl! Buksan mo ang pinto!" galit na sabi ni Atheo.

"Why would I do that? Ayaw ka niyang kausapin kaya hindi ko pipilitin," sagot naman ni Sylvester mula sa labas.

Batid kong nag-aaway na silang dalawa. Ang inaalala ko ay si Sylvester, baka saktan siya ni Atheo at matuloy ang kaninang naudlot na sapakan nilang dalawa. Nakakahiya naman kay Sylvester na walang ibang ginawa kung hindi ang maging mabait sa akin tapos masasapak lang.

Wala naman kaming ginagawang masama.

Tumayo ako para lumabas sa silid. Nakita ko kaagad sa baba si Sylvester na nakikipagtulakan kay Atheo. Papunta na sila ngayon sa labas ng mansyon kaya kinabahan na ako.

Nagmadali ako sa pagbaba para masundan silang dalawa. Mahapdi pa ang mga mata ko dahil sa kakaiyak pero kailangan ko silang awatin na dalawa.

Hindi ko alam na ganitong regalo ang matatanggap ko ngayong kaarawan ko.

Bumungad kaagad sa akin si Atheo na nakadagan kay Sylvester. Pareho silang nasa lapag at nagpapagulong pa habang parehong nagpapaulan ng mga suntok.

Nataranta ako kaagad kaya mabilis ko silang inawat na dalawa. Nahirapan pa akong alisin si Atheo sa ibabaw ni Sylvester dahil pareho silang may malaking katawan at ayaw pa paawat.

"Ano ba?!" sigaw ko sabay hila sa kamay ni Atheo para mailayo siya kay Sylvester.

"Bitawan mo ako, Nep!" sigaw pa ni Atheo.

Kahit naman hindi niya sabihin iyon ay talagang bibitawan ko siya para puntahan si Sylvester. Tinulak ko sa dibdib si Atheo at sinamaan ng tingin.

"Ano bang problema mo, Atheo?! Malinaw na ang usapan natin kanina kaya bakit ka pa nanggugulo?" sigaw ko sa kaniya habang naglalakad ako patungo kay Sylvester para tulungan siyang tumayo.

"Nep..." tila humina ang tinig ni Atheo nang sambitin niya ang pangalan ko.

Pumutok ang gilid ng labi ni Sylvester. Mas lalong namula ang kaniyang may kanipisang labi at mamasa-masa pa iyon.

"A-Ayos ka lang?" tanong ko.

Tumango lang siya at pinunasan ang kaniyang labi gamit ang likod ng kaniyang palad.

Taas baba pa ang kaniyang dibdib dahil sa malalim na paghinga. Masama rin ang titig niya kay Atheo na para bang gusto niya pa itong sugurin, hindi niya lang magawa dahil nakahawak ako sa kaniya.

"Kakampihan mo ba siya, Nep? Nahulog ka na rin ba sa iba?" may bahid ng pait ang tono ni Atheo. Nanunuya ito.

Napalunok ako at pinigilan ang mga nagbabadyang luha na gusto nang tumulo.

"Tumigil ka na, Atheo..." mahinang sabi ko.

Tinignan ko ulit si Sylvester na mukhang nasuntok din sa pisngi dahil bahagyang namumula ito.

Napakagat ako sa aking labi habang tinitignan siya. Kasalanan ko kung bakit siya nasuntok.

"Gano'n, Nep?" biglang sabi ulit ni Atheo.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon