May group po tayo sa Facebook! Nasa profile ko po 'yong link. Thank you sa mga sasali :)
Kabanata 26
Left
Inabala ko ang sarili ko sa pagpirma ng mga libro. Kahapon ay halos hindi ko kinakausap si Sylvester dahil nasasaktan lang ako kapag naalala kong aalis na naman siya.
Today is his second to the last day on our deal. Kung tutuusin ay pwede naman na siyang umalis dahil hindi naman na kami. I am no longer his wife, he is no longer my husband. Kung alam ko lang ay baka may naghihintay sa kaniya sa Maynila.
Sinulyapan ko si Uno na mukhang matamlay na naman. He's been like that two days ago and I'm getting worried. Kumakain naman siya pero kakaunti lang. Hindi ko naman siya maidala sa kabilang baryo para sa vet clinic dahil hindi naman madalas dito 'yong veterinarian. Ang alam ko ay sa susunod na buwan pa ang dalaw niya.
Maybe he's just sad because he knew that his father's gonna leave him again. Malakas ang pakiramdam ng aso kaya hindi malabong hindi iyon isa sa dahilan kung bakit siya matamlay.
Nawala ako sa aking iniisip nang makatanggap ako ng tawag mula kay Cecille. Bukas na kasi ang deadline ko and I still have 50 copies to sign. I had to rest my hand because I feel like it's going to get numb any moment from now.
"Mrs. Ellington?"
"It's Ms. Silveri." pagtatama ko.
Si Sylvester na nasa tabi ni Uno ay napatingin sa akin, parang nagtataka sa kung anong nasabi ko ngayon lang.
I just told Cecille that it's "Ms. Silveri." I am a single woman. Hindi pa man napapasa ni Sylvester ang mga papeles para maproseso ang aming paghihiwalayan ay hiwalay pa rin naman na kami.
"Po? Pero–"
"I don't have a husband, Cecille. Forget it. Bakit ka napatawag?"
"Oh! Remind ko lang po na bukas na kukuhain ang mga books sa inyo and also, there will be a special activity for our company's 10th year anniversary." tuloy-tuloy niyang sabi sa akin.
Tumatango lang ako at hinihintay ang kaniyang sasabihin. I am not really in the mood and I don't know what to say.
"Lahat po ng writers under our company ay magpapasa ng isang poem at ico-compile ito sa official fanpage natin."
"Okay. Kailan magpapasa?" tanong ko.
"You have one month for it po,"
Matapos naming mag-usap ni Cecille ay bumalik na ako sa pagpirma ng mga libro. Minsan ay lalapitan ako ni Sylvester para tanungin kung may kailangan ba ako pero ang laging sagot ko ay wala.
He stayed beside Uno who's still sleeping. There are moments where I could Sylvester staring at the blank wall and it would take him for a minute. It looks really weird pero kapag nakikita niyang tumitingin na ako ay umiiwas na siya ng tingin.
Napansin ko si Sylvester na naglalakad papaakyat. Baka pupunta ng kwarto at matutulog? I don't know.
Matagal bago siya bumalik at halos natapos na ako sa pagpirma ng mga libro at pansin kong hindi pa rin siya bumababa.
Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago ako umakyat para tignan kung anong ginagawa ni Sylvester. I know that I should treasure each day with him but I couldn't. As much as I wanted to bond with him, hindi ko talaga kaya. Ang hirap lang talagang gumawa ng bagay na alam mong masasaktan ka.
I've been hurting ever since and I want to have a break now.
Pagkaakyat ko ay nakita ko ang siwang sa pinto sa kwarto namin. Nakatayo siya ro'n at hawak ang kaniyang phone, mukhang may kausap sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)
General FictionKadiliman, iyan ang isang bagay na kamuntikan nang lumamon sa buong pagkatao niya. She's been fighting her inner turmoils all by herself. She was abused, neglected, rejected and unloved but despite of her tenebrific past, she found luminescence in t...