Simula

35 1 0
                                    

Life hasn't been nice to me.Kahit pa sabihin pa nating hindi naman lahat masama ang nangyari sa buhay ko mas nangingibabaw pa rin sakin ang mga negatibong bagay na kadalasang nagpapasikip ng dibdib ko.

Nakatitig lang ako sa tasa ng kape na kanina ko pa tinipla.Hinawakan ko ang mug at naramdaman na hindi na ito gaanong mainit. Napagtanto na kanina pa ako nakatulala.

I sighed feeling heavy.Napadesisyunan kong simsimin ito kahit may medyo may kalamigan na.

"Bilisan mo na diyan.Late ka na naman!Kung parati kang ganyan mas mabuting huwag ka na lang mag-aral"

Napatingin ako kay mama na nagtutupi ng mga bultong damit sa maliit na sofa namin.Nakakunot ang noo nito sa ginagawa niya at hindi naman pala nakatingin sa akin.

Usually hindi naman siya ganyan magsalita.May mga pagkakataon lang talaga na medyo masama ang gising niya.Kadalasan dahil sa hindi siya nakatulog dahil sa pakikipagtalo kay papa.Wala kasi itong trabaho at parati nilang pina-aawayan ang adiksyon nito sa pagsasabong.

Hindi ko naman siya masisisi.Her life must have been tough.Ikaw ba naman makapangasawa ng sabungero tapos bigyan ka ng apat na anak na may kanya kanyang issue sa ugali.Ang dalawa kong ate,nagrebelde dahil pinagbawalan silang magshota,si kuya nagrebelde din sa di ko malamang dahilan at biglang nag-adik sa droga...

at ito ako,hindi rin ako nakatulog dahil madalas wala lang akong imik.Sometimes my mom gets frustated because of my sad personality.

Yeah,I know I have a complete yet screwed up family. And adding that I have anxiety problem and usually suicidal is not a good combination.

I got up from my seat.At kahit labag sa loob ko ay naligo ako para sa pagklase.

Pagkatapos ay isinuot ko na ang luma kong uniform at luma kong black shoes.Nagsalubong ang kilay ko nang makita na wala ang bag ko sa pakong madalas kong pinagsasabitan nito.

Bakit ba tuwing umaga parating may nawawala?

"Ma nakita mo po bag ko?" Sinulyapan ko si mama na abala parin sa pagtutupi.Napangiwi ako nang nang murahin niya ako at sinabing hanapin ko yun ng mag-isa.

Saglit akong naghanap at natagpuan ang malungkot kong bag na naiwang mag-isa sa ilalim ng higaan.
May mga alikabok na dumikit dito kaya agad ko itong pinagpagan bago ito isinukbit sa braso ko.

Tinapunan ko ng tingin si mama bago tuluyang lumabas.

Kung kaya ko lang sanang baguhin ang takbo ng buhay ko.Di sana ganito si mama.

Sinadya kong bagalan ang paglalakad ko nang sa ganun hindi ako agad makadating sa school. I'm really unfortunate na walking distance lang bahay namin.

Tumingila ako at bumuga ng hangin.
Strange that the sky is dark in the morning.Mukhang masama ang panahon ngayon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at napayakap sa sarili ko ng salubungin ako ng malamig na hangin.Nagsitayuan ang balahibo ko sa 'di malamang dahilan

Nagpatuloy pa rin ako kahit may konting kaba na akong nararamdaman.

My fear doubled when I felt someone heatedly staring at me from my back.Agad akong napaikot nang bahagya ako akong nakaramdam ng mainit na hininga sa may bandang batok ko.

My eyes are wide in fear as I glanced frantically from left to right checking if there's someone following me.

There's none. Napailing-iling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad ko.

I think it's only my imagination and probably has something to do with the bad weather

'The Lone Girl'Where stories live. Discover now