Chapter 1

20 2 0
                                    

Senior highschool na ako pero isang bagay ang hindi nagbago.

I can feel my hands sweat profusely at naninigas ang panga ko sa dami ng estudyanteng nagkalat sa dinadaanan ko.

Despite of the uneasiness and my abnormal breathing,nagpatuloy pa rin ako.This is all for my mom.Nilalabanan ko ang anxiety ko araw-araw para sa kanya.

After a short torturing walk,finally nakarating na ako sa harap ng building namin.Ang building ng HUMSS (Humanities and Social Sciences)
Isn't it ironic? Takot na takot ako sa mga tao pero ang course ko ay nakafocus sa pag-aaral ng sangkatauhan.

Napabuga ako ng hangin nang makadating ako sa harap ng room namin.Dire-diretso lang ako na umupo sa vacant seat sa hulihan.
It's always been the safest spot for me.
Naramdaman ko na nakatingin lahat sakin.Napatingin ako sa mga kaklase ko .

I gave them a sly smile para itago ang biglang panglalamig ng kamay ko.
Sht bakit nila ako tinititigan?

"Ms. Ariela Domingo"

Nanglaki ang mata ko at parang robot na napalingon sa hulian.Sa unang pagkakataon,nakita ko si Sir Anton na nakaupo sa silya. His expression is civil pero halata ang galit sa mata nito

Tae!Hindi ko napansin!Nalampasan ko ba siya kanina?Usually kasi nakatingin ako sa baba kapag naglalakad.Tae ang tanga ko!

Pinigilan ko ang pangangatog ng tuhod ko.Ramdam ko na sakin ang atensyon ng lahat.I bit the inside of my cheek hard bago tumayo.

Kapag si Sir Anton ang kausap you need to stand or else he will misinterpret na hindi mo siya nirerespeto.
"Sir?" Halos ako lang ang nakarinig ng  boses ko sa sobrang hina nito.I kept my gaze on the floor.
"Are you aware of the time Ms. Ariela?" may himig ng pagpipigil na sabi niya.

Pasimple kong tinitigan ang wall clock na nasa side ng room.I'm 15 munites late.Mas yumuko pa ako sa kahihiyan pero hindi ako nagsalita.I'll just be a stuttering mess if I speak and I won't embarrass myself any further.

"I won't allow any tardiness in my class.Out now Ms. Ariela" mukhang mas nagalit ito sa hindi ko pag-imik.

Halos di ko mahawakan ng maayos ang bag ko sa panginginig ng kamay ko.Tahimik akong lumabas at pilit isinawalang bahala ang mga tingin nila sa akin.

Agad akong dumiretso ng banyo.Inihawak ko ang mga kamay ko sa sink.Nanginginig parin ito.Pumikit ako ng saglit at huminga ng malamin para kalmahin ang sarili ko.
Pagbukas ng mata ko,bumungad sakin ang repleksyon ko salamin na nasa harap ko.My lips is chapped at medyo namumutla ako.

Bumangon ang panibagong galit sa dibdib ko.Hindi kay Sir Anton o kanino man kundi sa sarili ko.

Bakit ba ako naging ganito? Bakit ba parati akong takot sa lahat? Bakit ba  ang duwag ko?

I hate myself.I hate the anxiety I have!

I suddenly heard the door creaked.I spun startled at tumitig dito warily.Nakabukas na ito ng konti.Napaatras ako on instinct at naghintay na may pumasok pero ilang saglit na akong nakatitig pero wala namang taong pumasok.

Malakas ba ang hangin ngayon?

The air suddenly felt cold.Katulad ng kaninang umaga.Napahaplos haplos ako sa braso ko.Pinaninindigan ako ng balahibo.I feel weird.

"Ariela" came a deep raspy voice out of nowhere.My heart started to thump wildly inside my chest painfully.Napatingin tingin ako sa paligid.

Sigurado ako na nag-iisa lang ako dito
"Arielathat voice again.Napahawak ako sa ulo ko nang bahagya itong sumakit.

Paulit-ulit na may tumatawag sakin at nag-eecho ito sa utak ko.
"Stop"  I breathed.Mabigat na ang paghinga ko at pinagpapawisan na ako ng malamig.

Mga ilang saglit bago yun tumigil.Nakaluhod na ako ngayon sa sahig.Napahawak ako sa dibdib ko.Ramdam ko ang pagwawala ng puso ko.

Sht ano yun?!

'The Lone Girl'Where stories live. Discover now