Chapter 5

4 1 0
                                    

Napanganga ako sa sobrang haba ng mesa at sa dami ng pagkain na nakahain pero isa lang naman ang nandoon sa mesa.

Isang lalaki na walang makikitang ekspresyon sa mukha. Animo'y isa lang itong normal na tao na nakaupo sa harap ng hapag kainan kasi nakasuot lang ito ng simpleng puting t-shirt at maong na shorts.

Automatic akong kinakabahan sa tensyon na nararamdaman. Nagsiliparan ata yung yabang na meron ako sa harap ni Tristan kanina.

Tumingin ako tabi,  para sana sabihin kay Tristan na gusto ko nang umalis at bumalik sa kwarto ko pero pagtingin ko wala na si Tristan sa tabi ko.

"Maupo ka" usal ng lalaki.

Nanlamig ako sa boses niya. Sobra ang pagkabaritono at sobrang ma-awtoridad. Pakiramdam ko ay nanlambot ang tuhod ko at hindi ko kayang humakbang.

"Ariela , hindi kita kakainin,  ikaw ang kakain" aniya at iminuwestra sa kanya ang mga pagkain.

Hindi ko masabi kung nagbibiro siya or what kasi ang seryoso ng mukha niya.

Sa takot ko sa kanya ay pinilit kong humakbang nang hindi nawawalan ng balanse. Umupo ako sa isang dulo  ng mesa,  habang siya naman ay nasa kabilang dulo .

"Masyado kang malayo,  dumito ka sa tabi ko"

Naluluha ako at labis ang tambol ng puso ko. Alam kong dahil iyon sa sobrang takot.

Nangalumbaba ito na tila ba nawawalan na ito sa akin ng pasensya.

"Hindi kita sasaktan,  ang gusto ko lang ay makatabi ka para magkarinigan tayo ng maayos"

Marahan akong tumango at nagtungo nga sa tabi niya. Ni hindi ko siya matitigan ng diretso. Pasimple kong pinunasan ang mga nagbabadya kong luha at kunwari intersado ako sa mga pagkain na nasa mesa.

"Kumain ka na"  usal nito.

Hindi ko nga alam kung makakakain ako,  pakiramdam ko masusuka ako sa sobrang takot at kaba.

Narinig ko siyang nagbuntong-hininga nang hindi man lang ako gumalaw para kumain.

Namalayan ko na lang na siya na mismo ang naglalagay ng mga pagkain sa pinggan ko na ikinagulat ko. Sa pagkakataon na 'yon ay napalingon ako sa kanya.

Sa hindi malamang dahilan ay para akong nahipnotismo nang sa unang pagkakataon ay matitigan ko siya ng malapitan. Kulay gatas ang kanyang balat , napakatangos ng ilong,  at ang mga labi ay kasing pula ng mansanas. Dagdag pa rito ang kulay tsokalate nitong mata at buhok.

Ngayon na natititigan ko na siya nang malapitan ay mabilis pa sa segundo na nawala ang takot ko at kaba. Hindi dahil sa nagwapuhan ako sa kanya o anupaman,  'yun ay dahil ay sa may kakaiba akong pwersa na nararamdaman. Na bigla ay parang pakiramdam ko ligtas ako kapag malapit ako sa kanya, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong ginhawa at kaligtasan ngunit hindi ko alam kung saan ito nanggagaling.

"You like what you see?" Bigla itong tumingin sakin nang nakangisi. Tapos na yata siya maglagay ng pagkain sa pinggan ko,  hindi ko man lang namalayan. Napakurap-kurap ako at napaiwas na lang ng tingin.

"Kumain ka na" utos nito.

Nag-iinit man ang mukha ko sa kahihiyan , ganun na nga ang ginawa ko, nagsimula akong kumain.

Teka lang ha? Dapat natatakot ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Tayo ang nakatakda para sa isa't isa kaya mo nararamdaman 'yan"  sagot niya 'don sa iniisip ko

Kinunutan ko siya ng noo.
"Hindi ko maintindihan pero 'wag mo po basahin ang isip ko"  saka ako nagpatuloy sa magana kong pagkain. Ngayon ko lang na-realized na gutom ako saka ang sasarap pala talaga ng pagkain.

"Hindi ko sinasadya, masyado ka ka kasing nagsasalita sa isip kaysa sa iyong bibig at kusa ko na lang nababasa" depensa nito sa sarili.

I sighed. Wala na akong ni katiting na privacy

"Ano ba yung nakatakda na sinisabi mosinagot ko siya gamit ng isip ko habang ngumunguyang nakatitig sa kanya. Tutal nababasa niya isip ko edi sa isip ko na lang siya kakusapin.

He smirked at what I did. "Mas gugustuhin ko kung gagamitin mo ang boses mo"

Inabot ko ang isang baso ng juice para malunok ang kinakain ko.
"Ano kamo yung nakatakda,  at bakit ako" pag-uulit ko.

"Bago yan , hindi mo ba gustong itanong muna kung ano ang pangalan ko"

Sumubo ulit ako ng pagkain "sige ano po ang pangalan mo" sa isip ko siya ulit kinausap kasi ngumunguya ako. Kahit naman pala papano napapadali ang buhay ko sa powers ng kumag na 'to.

"Vladimir ang pangalan ko" ngiti niya. Natulala ako sa biglang pagngiti niya at parang lumagpas ng isang tibok ang puso ko kaya nabilaukan ako.

Inabutan niya kaagad ako ng tubig na agad ko namang linagok.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagkakaganito sa kanya. Sobrang komportable sa kanya,  at nagre-react ng kusa ang katawan ko.

"What you're feeling is the bond" seryosong paliwanag niya sakin "because you are destined for me. We are for each other"

Namula ako sa pinagsasabi niya "ano ba ang sinasabi mo na soulmates tayo ganon?"

Anong bond bond?Mighty bond?

Seryosong tumango siya sa 'kin.
"Tama ka,  para ngang mighty bond,  dikit na tayo sa isa't-isa at hindi pwedeng magkahiwalay"

Napahagalpak ako ng tawa pero kusa ding natigil nang makita na seryoso pa din siya.

"Nagbibiro ka" I deadpanned

Ngumiti siya sa akin "Kung nagbibiro ako , wala ka saking mararamdaman kundi takot"

And that's when I knew my life will change big time because of this vampire..

-to be continued-

A/N: Hellooo! I am back again with writing! I hope this story will be recognized soon enough. If you like this story,  don't forget to vote and comment!

Keep safe in these strange times!

love,

Michkie




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

'The Lone Girl'Where stories live. Discover now