Chapter 4

9 1 0
                                    

Tristan insisted to help me scrub my body while I take a bath but thankfully after a very long maddening argument with him,my dignity has been saved at pinayagan niya akong maligo-NANG MAG-ISA.

I scowled as I slammed the door in front of his face.
"You need to hurry my lady. Lordship is a very impatient man " pahabol ni Tristan sa labas.

"Oh tapos kung impatient siya " Narinig ko ang paghalakhak niya sa labas sa tinuran ko.Naiikot ko na lang ang mata ko sa inis.

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng banyo at nangunot ang noo ko. The bathroom is practically shining before my eyes I doubt if I can even find a speck of dust.

It's annoying. There are many humans whose suffering out there--homeless and shivering in cold and yet these vampires are enjoying themselves in their life of gold.

I stripped off and took an angry bath. I made sure to take my time under the shower. Para naman kahit papano mainis ko kung sino man na 'lordship' na yan.

When I'm done, I slipped on the robe that is already hanging on the rack.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa salamin na nasa harap ko.I was almost taken aback by my reflection.I look ..lifeless and void of emotions.

I turned away from the mirror not wanting to see the mess that I am.

Pagkabukas ko ng pinto ,halos mapatalon ako nang makita si Tristan na nakatayo pa din sa labas ng banyo . Kung ano yung porma niya kanina pagiwan ko sa kanya ,ganoon pa din siya ngayon na nakalabas na ako.

Pinandilatan ko siya . On instinct napahawak ako sa tuwalya na nakatapis sa akin "Bakit hindi ka lumabas?!"

He just smirked playfully. "Sorry"

He doesn't sound sorry at all.

"labas" inis na turan ko sa kanya

"Pwede kang gumanyan sakin pero kapag siya na ang kaharap mo wag kang magkakamali" He smiled but I sensed that he's serious on what he just said.

Bakit ano ba ang mangyayari kung sakali na bastusin ko ang Lordship niya? Nandito lang naman ako para mamatay.

I glared at him.

He just bowed deeply at lumabas na ng kwarto.

Pagkatingin ko ng kwarto, may nakita akong school uniform na nakalapag sa kama. Maiksi lang ang skirt, white long sleeve, at blue coat na merong patch na 'Arkson University'

Namula pa ako nang makita ko na may nakapatong din na bra at panty sa ibabaw ng uniform- ang bampirang yun talaga napakamanyak!

Nalilito ako kung bakit pinapasuot ako ng uniform pero sinuot ko na lang kaysa sa wala akong isuot.

Lumabas na ako ng kwarto pakabihis ko at napasigaw na naman ako kasi nandun na naman nakatayo si Tristan.

He just smirked at me.

"Pwede ba kung balak mo akong patayin 'wag sa ganitong paraan"
I deadpanned

"Bakit hindi ka nagsuklay" pagbabalewala nito sa sinabi ko, halata ang disgusto sa mukha nito.

Hindi ako nagsuklay kasi mamatay lang naman, bakit pa magsusuklay 'di ba? Hindi ko din inayos ang necktie ko , at nakaloose lang , ngayon para na akong basang sisiw na naka-uniform.

"Halika nga dito" aniya at walang pasabi na hinila ang necktie ko kaya napalapit ako sa kanya. Hindi na ako nakaangal nang magsimula na siyang ayusin ang necktie ko and that gave me an oppurtunity to study his face.

Maamo ang mukha nito at gwapo ito kung titingnan ng mabuti. He have pair of sharp black eyes, matangos ang ilong, at mamula mula ang labi. Medyo out of place lang ang sobrang puti nitong buhok pero masasabi niya ko na gwapo talaga ito-

"Salamat" he smirked.

Agad kong nakuha na baka nababasa niya ang isip ko. Tinawanan niya lang ako. Nagtimpi ako at nagpakawala ng buntong hininga.

"Bakit ba ako naka-uniform at ano bang balak niyong gawin sakin" kaswal kong tanong, sinusubukan 'wag mainis ulit.

Lumayo na ito sakin ng maayos niya na ang necktie ko at hinila ako papuntang kwarto at iniharap sa salamin na hindi sinasagot ang tanong ko.

"Ano ba!" pinitlag ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at sumalampak sa upuan.

"Sasagutin kita kung hahayaan mong ayusin ko ang buhok mo"

Nanahimik ako at pinukulan siya matalim na tingin sa salamin.
"Good, mabilis ka naman palang kausap" umiiling pa na sabi nito

Sinimulan niya na patuyuin ang buhok ko gamit ang blow dryer. Medyo nawirdahan ako kasi parang experto ito sa paggamit nito eh lalaki siya tapos bampira.

"Papasok ka ng eskwelan bilang isang normal na estudyante" simple nitong sabi

"normal na estudyante-" lumukot ang mukha ko. Paano ako magiging normal na estudyante sa sitwasyon na 'to?

"nagbibiro ka ba?" I spat at him.

"alam ko na iniisip mong papatayin ka namin pero hindi iyan  ang mangyayari. isipin mo na lang na kinupkop ka namin." simpleng saad nito , na parang nagbibigay lang siya ng instruction kung paano kumain ng isang kendi.

Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanya na hindi pangkukupkop 'tong ginagawa nila sakin kundi pang-kikidnap  pero nang maalala ko na nanay ko pala ang nagdala sakin dito at ang kidnapping ay ay pang-tao lamang at hindi maika-kaso sa mga bampira,  ay pinili ko na lang na manahimik.

Matapos akong ayusan,  ay nagmukha akong tao at presentable. Napatanga ako saglit sa repleksyon ko dahil sa unang pagkakataon nakita ko ang sarili ko na maayusan.

"ang ganda mo, sana sa akin ka na lang itinakda"

binigyan ko lang siya ng 'ano ang pinagsasabi mo?' look.

He just smiled knowingly at the the look I gave him.

"Ihaharap na kita sa kanya. Piliin mo nang maayos ang mga salitang gagamitin mo binibini, at saka tinuruan naman siguro kayo ng good manners and right conduct sa escuela" then he signalled me to follow him.

Aba, antipatiko din pala ang bampirang 'to.

Nagngitngit ako sa inis pero nanahimik na lang ulit kasi ayoko nang magsayang ng laway.
Sumunod na lang ako sa kanya

Madilim pakalabas ng kwarto at ang nagsisilbing ilaw ay ang mga torch light na nakahilera sa napakahabang hallway. At sa lahat ng hallway nakita ko na ganoon din ang itsura may mga nakahilerang torch light.

Naisip ko na parang kwarto ko lang ang may totoong ilaw at walang torch light.

Ngayon palang ay nangingilabot na ako sa ambience ng mansion paano ba kaya kapag nakaharap ko na ang may-ari nito.

'The Lone Girl'Where stories live. Discover now