Chapter 2

19 1 0
                                    

Matapos ng klase.Katulad ng parati,lupaypay akong naglalakad pabalik sa amin.

Sa takot na parating nasa dibdib ko kapag pumupunta ng school, hindi ako mabibigla kung isang araw mamatay ako ng maaga.I mean surely,aabot ang panahon, all these heavy emotions will take a toll on my body.

The anxiety I have will slowly kill me.Not that I'm complaining about that.Kasi sa totoo lang ,napapagod na akong ganito.I wanted to cut ties with reality even if it means death.

Natigil ang mga agam agam ko nang matanaw ko ang bahay namin.Nakita ko na nakalabas lahat ng mga gamit namin sa kahon. Nagkasalubong ang kilay ko at nagtatakang pumasok ng bahay.
"Kasalanan mo to Ronelo.Dahil diyan sa kasasabong mo..dahil sayo mawawalan na tayo ng bahay" umiiyak si mama habang kinakausap ang nakahalitang si papa,halatang walang ulirat sa kalasingan.

Nakikita ko ang pagragasa ng luha niya habang nag-iimpake ng mga gamit namin. I tried not to wince at the sight.Mas gusto ko yung minumura niya ako kaysa makita siyang ganito.
"Mama" sinubukan kong panatilihing normal ang boses ko kahit sobra akong naaapektuhan.Natigilan siya sa ginagawa niya at marahas na nagpunas ng luha bago tumingin sakin.Parang ayaw niya na makita ko siyang umiiyak
"Magbihis ka na at tulungan mo akong mag-impake" aniya at mabilis din na tumalikod sakin.I saw her shoulders shaking.Alam ko na umiiyak parin ito.

Minabuti ko na huwag na lang magtanong.I already know what's happening.Alam ko na hindi sa amin ang lupa na ito.Kay lolo ito at ipanagkaloob lang din kay papa.Pero nang mamatay si lolo,nagkaroon ng alitan ang mga magkakapatid.Unfortunately natalo kami ng pera nila kaya napunta sa kamay ng kapatid ni papa ang lupa.

I already saw this coming,alam kong paaalisin din kami.Hindi ko lang inaasahan na mapapaaga ang pagpapaalis samin.

I dragged my feet to my room.Ang bigat ng pakiramdam ko.Parang nagkukulang sa hangin ang baga ko sa nangyayari.
Labag sa loob ko pero nagsimula na akong mag-impake ng mga damit ko.

Hindi din ako nagtagal kasi wala naman ako masyadong gamit.
"Tara na" Napatingin ako kay mama na may mga dala-dalang duffel bag sa mgkabilang kamay. Magang-maga ang mata niya at halatang pagod na pagod.Gusto ko siyang yakapin pero huwag na lang.Ayokong umiyak siya ulit.
"Aalis na po tayo agad ngayon?" Mahina kong tanong.Akala ko babarahin niya ako at sasabihing ang tanga ko na nagtanong pa ako pero isang marahang tango lang ang sinagot niya sakin
"Bilisan mo na.Hihintayin kita sa labas" Iniwan niya ako ng mag-isa pakasabi nun.

Hindi ako sanay na ganito si mama.Mas gusto ko na binabangayan niya ako.I don't like this...at all.

Nang nasa tricycle na kami hindi maiwasan na makaramdam ako ng pangamba
"Ma bakit iniwan natin sina papa?Sila ate...kuya..." I trailed off nang makita kong diretso lang ang tingin niya at mukhang wala akong balak kausapin.

"Saan ba ang punta niyo mareng Riza?" Tanong ng tricycle driver.Alam ko taga samin din siya pero katulad ko hindi din siya sinagot ni mama.

Hanggang sa makasakay na kami sa bus.Hindi padin umiimik si mama at ako naman ay panay ang sulyap sa labas.Umaasa ako na sana makasunod ang kahit isa sa mga kapatid ko.Kung bakit ba kasi parati silang wala?!
"Ela anak" si mama lang ang tumatawag sakin na 'Ela' imbis na 'Ariela' pero hindi yun ang ikinabigla ko kundi ang pagtawag niya sakin na  'anak'

Napatingin ako sa kanya.Nahuli ko  ang lungkot sa mga mata niya na ngayon ko lang nakita.Kadalasan hindi siya nagpapakita ng emosyon samin kaya ganun na din ang lungkot na naramdaman ko.
"Patawarin mo ako" usal niya.

Hindi ko alam kung bakit humihingi siya sa akin ng tawad.Umiwas ako ng tingin at tinuon ang mata ko sa labas.Nalilito ako at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa sinabi niyang yun.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako.Nagising na lang ako sa mahinang pagyugyog sakin ni ma.
"Ela nandito na tayo" she said.

I'm still not used to her being gentle with me.Kinusot ko ang mata ko at kinuha ang mga gamit namin.

Pagkababa ko,nagpalinga-linga ako sa paligid.Madilim at puro kakahuyan ang nakikita kong dadaanan namin. Sobrang tahimik at wala kang ibang maririnig kundi ang huni ng mga hayop.Hindi ko maiwasang hindi matakot.

"Ma dito tayo?" Tiningnan ko si mama na sa baba lang nakatangin.Hindi sakin nakatakas ang panginginig ng labi niya.
"Ma mali ba tayo ng nababaan?" Tanong ko ulit.Maging ako ay nagsisimula nang kabahan at ang malamig na hangin ay hindi nakakatulong.

Iling lang ang sinagot niya sakin.Nagsimula na kaming tinahak ang daan sa madilim na kakahuyan.
Kanina pa ako nakakaramdam na may nakamasid samin.Nanunuyo na ang lalamunan ko sa pinagsamang takot at lamig.Medyo nahihirapan na din akong hawakan ang gamit namin sa panginginig ng kamay ko.
"Mama" tawag ko ng atensyon niya. Hindi na naman siya umiimik at mas lalo lang akong kinakabahan.
"Ela patawarin mo ako" mahina niyang usal pero rinig ko parin ito.

Napatigil ako sa paglalakad.Hindi maganda ang pakiramdam ko sa inaakto niya.Ito na ang dalawang beses na humingi siya ng tawad.
"Bakit ma?" May halong pangambang tanong ko.Napatigil din siya sa paglalakad.
"W-wala.Naisip ko lang na masyado akong naging malupit sa inyo" Naglakad ito ulit kaya napilitan akong humakbang na din para sumunod sa kanya.

Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling sakin si mama.

Mga kalahating oras din ang nilakad namin.Hindi ako umimik at pilit na nilulusaw ang mga tanong sa isip ko.

Ganun nalang ang pagkabigla ko nang makakita ako ng malaking bahay.Para itong mansyon sa laki nito.Nakaagaw pa sa atensyon ko ang fountain na harap na animoy kumikislap sa ilaw ng buwan.
"Ma ano ang ginagawa natin dito-" natigilan ako nang makita na hindi na si mama ang kasama ko.

Pair of bright red eyes met mine at kahit madilim naaaninag ko ang pagngisi niya sakin.
"Finally you're here my human" he uttered. His deep raspy voice sent shivers to my spine.
Bigla niyang hinapit ang bewang ko.
I winced at his inhuman strength.

Takot na napatitig ako sa mga pulang mata niya.Para akong hinihigop sa tingin niya.Naramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng talukap ng mata ko  sa di malamang dahilan.

Ang huli kong naramdaman ay ang mainit na hininga niya sa leeg ko bago ako tuluyang salubungin ng dilim

'The Lone Girl'Where stories live. Discover now