Sexy Lips 4

128 5 0
                                    


Sexy's POV

Papasok na ako ngayon sa school, not as Sexy Marikit but as Selene De Rosca at oo nga pala, di pa ako nag papakilala ng mabuti sa inyo kahit umabot na tayo ng chapter four.

Ako si Sexy Marikit, 18, A grade 12 student, HUMMS. Binuo ko si Selene dahil kung kailangan kong mag hanap ng next subject kaya dapat maganda ako, pero dapat simpleng ganda para maka hakot ako ng mga balita.

Dahil bilang si Sexy, Hindi ako nag li-lip stick, lip tint o lip gloss at hindi rin ako nag lalagay ng powder sa mukha, ang buhok ko ay rebonded pero hindi ko sinusuklayan kaya sobrang gulo ng buhok ko. Oh na imagine mo na ang itsura ko? eh sinong mag aakala na ako ang leader ng Sexy Lips? pero kapag my mission ay syempre magandang maganda ako! hindi ata makakabog ang ganda ko.

Bilang si Selene, i have a light make up, ang buhok ko ay naka fishtail, tapos may eye glasses ako at mahinhin akong kumilos. In short, kabaliktaran ko si Selene.

Selene has this fair skin kaya halos sandamakmak na glutathione ang inilagay ko sa katawan ko kaya nakakaloka talaga kasi feel ko nangangati yung mukha ko.

Pero totoong tao si Selene because Selene is my cousin but she lives in Texas. Alam niya na ginagamit ko paminsan minsan ang mukha at ugali niya at alam niya kung para saan ko ginagawa to.

Oo alam niya ang lahat pero na intindihan niya ako.

Halos magkamukha kami, pareho ang shape ng mukha namin dahil Identical twins ang mommies namin pero ang kaibahan lang ng mga mommies namin ay ang nunal, medyo maraming nunal si Auntie Zosane pero walang mi isang nunal ang mommy ko, si mommy Zosie.

Palagi din kaming napagkakamalang kambal. Selene is also famous here in our school dahil ang grand parents namin ang may ari ng school but nasa pangalan na ni Selene ang School na ito dahil nauna siyang mag 18 kesa sa akin.

Nasa hallway na ako ngayon at maraming naka tingin sa akin at tataasan ko sana sila ng kilay tulad ng nakasanayan ko pero ako nga pala si Selene ngayon.

'Is that selene?'

'Minsan lang siya nakaka bisita'

'Hindi na ako magtataka kung maging part siya ng Sexy Lips'

'Parang mag kabal sila ni Sexy no?'

'Ano ka ba! ang mga mommy nila ay identical twins kaya malamang magka hawig sila'

'Sana maging part ako sa Sexy Lips'

'Siguro ganyan ang mukha ni Sexy pag naka ayos'

At marami pang parinig. Oo parinig, hindi naman bulong ang tawag dun dahil kung bulong lang yun, dapat hindi ko narinig. Mabuti nalang at ako si Selene ngayon kaya masuwerte sila. Lumapit ako sa isang babaeng mukhang talampakan.

"Umm, Miss pwede bang magtanong?" Mahinhin kong sabi sa kanya and ugh! Hindi ko maisip kung paano naaatim ni Selene ang humarap sa mga taong pangit ang mukha at ugali.

"Nagtatanong ka na, stupida!" Masungit na sabi niya sa akin. napataas ang kilay ko pero sandali lang yun dahil si Selene pala ako ngayon at maraming mga parinig ang narinig ko.

'Oh my!'

'How dare her!'

'Sexy should know about this'

'Wala namang balita na hindi alam ni Sexy'

'Siya na nga ang kinausap ng maganda'

Sexy Lips [COMPLETED]Where stories live. Discover now