A/N: Napansin kong isang beses pa nagka POV si Cindy. Tapos kay Gail naman, gagawin ko pa.
Cindy's POV
Huminga ako ng malalim. Na miss ko ang ganito. Yung sama sama kaming lumalaban sa Ring.
Kahit ang iba ay napa ngiti, Na
miss din nila ang ganito. Except kay Aubrey at Haliah na bago lang sa ganitoKinakabahan kasi sila.
" Okey lang na kabahan, Ganyan rin kasi ang naramdaman ko noong unang laban namin" Sabi ko habang naka akbay kay Aubrey at Haliah.
" Baka kasi---"
" Wala ba kayong tiwala sa mga itinuro ni Ate Charlene sa inyo?" Sabi ko pa.
" Hindi naman sa ganon Cindy, kinakabahan lang" Pasimpleng sagot ni Haliah.
" Pagkatapos ng laban natin... sigurado akong mawawala ang nararamdaman niyong kaba at mapapalitan yan ng pakiramdam na bago lang sa inyo" Sabi ko at binigyan sila ng assuring smile.
Kahit kinakabahan ay ngumiti sila pabalik sa akin.
" Pumasok na tayo" Sabi pa ni Sexy habang naka ngisi.
Kaya agad kaming pumasok sa isang abandonadong bodega. Kung titignan mo sa labas, parang normal lang ang bodega at nakaka takot tignan. Pero sa loob.
Makakakita ka ng malaking ring. Hindi ring na tulad sa boxing. Its big and round. At may mahabang Screen na naka nakapalibot sa perimeter ng ring. Nagsisilbing haligi ang screen na may taas na 9.0 ft.
Naka palibot naman sa Ring ang mga upuan ng ibat ibang grupo. Nasa harapan ang amin upuan. It has only 10 chairs na sakto lang sa aming lahat.
Hanggang naka upo na kami at hinihintay ang unang laban, ang sabi kasi ni Sexy, Pangalawang laban ang sa amin.
Ano nga ba ang suot namin? Well inspired na inspired talaga ang damit na ito ni Catwoman. Pero may mask kami na itim, gloves din na itim at ang logo ng SL na nasa bandang dibdib namin.
Ang logo ng SL ay labi na sobrang pula at medyo kita ang ngipin. May parang dugo na tumutulo na galing sa Labi. So ang logo lang namin ang bright color na nasa katawan namin.
Nagsimula na ang Laban, Ang unang Laban ay Kina Aphrodite at ng Rank four na Evil Slayer.
Pero nandito si Grandmaster, May upuan siyang kulay Gold at nasa likuran niya kami.
Nagsimula na ang laban. Aaminin ko, magaling naman ang Grupo ni Aphro. Pero mahina lang sila sa pag iisip kung ano ang susunod nilang gawin kaya kami nanalo.
Sa lahat ng grupo. Kami lang ang pinaka konti. We are just ten, then the rest ay hindi bababa sa 20.
***
Ito na ang pinakahihintay ko.
Nasa ring na kami ngayon at kaharap na namin yung makakalaban namin.
Ang Devil's Pawn.
Nasa harapan si Sexy dahil siya ang Leader namin. Ka face to face naman ni Sexy si Demonica. Sampu lang kami, tapos 20 silang lahat
" Ready to be a loser, Sexy?" Naka ngising saad ni Demonica kay Sexy. Dahil naka talikod si Sexy. Hindi ko alam ang reaksyon niya pero sigurado akong naka Ngisi siya.
Si Sexy pa.
Pero ang mas ikinagulat namin ay ang pagtawa ni Sexy ng malakas na para bang kiniliti siya.
" Im so sorry hahahaha... Hindi ko nabalitaan na joker ka na pala ngayon Demonyita" Sabi ni Sexy habang tumatawa pa.
" It's Demonica" Sabi ni Demonyita--- este Demonica.
" Wala naman akong panahon na kilalanin ka. Hindi ako kumikilala ng mga talunan" saad ni Sexy at tumawa nanaman. Kulang nalang ay gumulong siya para masabi kong sobrang happy niya.
" You are so funny, hahaha. Ang SL? Matatalo ng isang Devil's Pawn? well tignan natin" Sabi ni Sexy at pumorma na.
Hanggang Ipinutok na ng Grandmaster ang Baril na naghuhudyat na magsimula na ang laban.
Ganito ang patakaran dito sa laban. Kapag napa higa mo na ang kalaban mo o di kayay napa higa ka ay talo ka na. Dapat mapa higa ang lahat ng kalaban para manalo.
" Don't think about winning Sexy Lips! Just enjoy!" Sabi ni Sexy at nagsimula na ang labanan.
Tumakbo kami para sumugod habang sila din at tumakbo palapit sa amin.
May naka harap na agad ako, naka ngisi siya sa akin at mabilis akong sinuntok sa mukha, mabuti naman at mabilis ang kilos ko kaya naka iwas ako agad. Sinuntok ko siya sa mukha at sapul sa panga niya.
" PVTANG!NA!" Sigaw niya at napa hawak siya sa kanyang panga. Hinawakan ko ang damit niya at hinila siya palapit sa akin at tinuhod ang tiyan niya.
" PVTANG!NAMO RIN!" Sigaw ko pabalik. Napa luhod siya. Tatapakan ko na sana ang likod niya ng humarap siya sa akin at nakuha niya ang paa ko. Hinila niya ang paa ko palapit sa kanya at naka tayo siya. Sinuntok niya ako pabalik kaya tinuhod ko siya ng malakas sa mukha.
" PVTANG AMA KA!" Sigaw ko. Naka hilata na siya kaya hindi na siya pwedeng lumaban pa.
Pinagmasdan ko ang mga kasama ko. Ang iingay nila, may ibang na inis. Ang iba naman ay naka ngisi.
Tangina ang panget mo!
Siraulo!
Mukha kang taga Casa!
Hindi bagay sayo ang Lipstick mo!
Panget ng hair mo!
Mukha kang hipon!
Mukha kang tae!
Mukha kang Ensaymadang Panis!
Napa ngiti ako sa mga naririnig ko mula sa kanila. Dahil wala ako sa sarili ay nasuntok ako sa mukha at malapit akong natumba.
Sa lahat ng pwede niyang suntukin, ANG MAGANDA KO PANG MUKHA!
Agad ko naman siyang binalingan ng suntok sa Mukha din at hindi siya tinigilan. Masakit ang pagka suntok niya sa akin dahil may parang bakal silang nasa kamay.
Hanggang sa may humila sa akin palayo sa babaeng sumuntok sa mukha ko.
" Kalma na Cindy. Tapos na ang laban" Sabi ni Sexy na naka yakap sa akin patalikod.
Bumitaw na sa akin si Sexy at tinignan ang babaeng walang awang sinuntok ko ng sunod sunod.
" Tsk tsk tak, Mahihirapan ang isang to na magpa plastic surgery" Sabi ni Sexy at nagsi tawanan kami
" Mauubos lahat ng pera niyan"
" Bakit pwet ang binugbog mo?"
" Pwet ba yan? Akala ko paa"
" Asan ba ang mukha niya?"
" Manghiram nalang siya ng mukha ng aso"
" Oh ano ka ngayon Demonyita?" Ngising saad ni Sexy. Agad kong hinanap kung nasaan ang leader nila. Nakita ko siyang masama ang tingin kay Sexy.
" Nanalo ka ngayon, pero hindi sa susunod" Sabi pa ni Demonica.
" At kelan naman? Hahahaha ang sarap niyo talagang ipag untog ni Aphro dahil hanggang salita lang kayo! hahahahaha"

YOU ARE READING
Sexy Lips [COMPLETED]
Teen FictionSexy Lips. Dalawang salita, walong letra. Ano ba ang meron sa grupo na ito? Sampung babae ang bumubuo... Pero bigla nalang naging magulo ang lahat.