Ishie's POVNasa Hideout kami naka standby. Kanya kanya silang ginagawa. Actually nag uusap usap silang lahat. Except kay Sexy na malalim ang ini isip at sa akin na naka tingin lang kay Sexy.
Alam kong may problema siya.
Kanina pa ganyan si Sexy. Naka kunot ang noo niya at naka tingin lang sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang ini isip niya.
" Sexy..." Tawag ko sa kanya.
" Oh?"
" Ano ba ang problema mo?" Seryosong tanong ko. Umiling naman siya.
" Ini isip ko lang kung paano kayo naging part ng Sexy Lips eh ang papanget niyo. Ako lang yung naiiba at napapansin!" sabi niya at humalakhak. Nagsilapitan naman ang lahat na nakikinig sa usapan namin.
" Oo nga!"
" Yeah! you are kanina pa quiet"
" Ang conyo mo naman!"
" Pero bakit tahimik ka?"
" What's the problem ba?"
" Anong problema mo beh?"
" Ano bang nangyari?"
" What is the matter ba?"
Hanggang nag compress na sila kay Sexy.
" Wala naman akong problema. Basta ba tahimik ako may problema na agad ako? ang sama niyo ah!" Sabi pa ni Sexy.
" Nasanay na kasi kaming maingay ka kaya nakakapanibago kapag tahimik ka" Sabi pa ni Haliah.
" Hala ang sama ng mga to! so dapat kailangang palagi akong maingay para sasabihin niyong wala akong problema?" Inis at hindi maka paniwala na sabi ni Sexy kaya agad agad naman kaming nagtanguan.
" Wow! ang ma-magic niyo! ang sarap niyong ipag uuntog lahat!" Inis niyang sabi.
" Bakit ka nga pala na tahimik?" this time, ako naman ang nag tanong.
" Trip ko lang at may ini isip lang ako. Oo nga pala, November 10 ang first underground fight kaya maghanda kayo ng mabuti" Pag iiba ng topic niya.
Nag ingayan naman sila. Na inis ata si Sexy kaya nagsalita ulit siya.
" Umalis na nga kayong lahat. Ka buwisit kayo eh! Mag punta kayong lahat sa training room. Kiah! be the assistant pero magti training ka rin tulad nila so alis! shoo! shoo! ang daming mga bibig na nagkakalat!" Pagtataboy pa ni Sexy sa kanila kaya nagdadabog sila pero tumayo naman sila isa isa.
" Ito naman oh!"
" Ang ganda na ng pahinga namin eh"
" Panira ka Sexy!"
" Training nanaman"
" Walang kamatayang training"
" Nakaka pagod naman oh"
" Wala pa ngang training napagod ka na!"
" Advance mag isip eh"
Hanggang nagsi alisan na silang lahat. Mabuti naman.
" Oh bakit hindi ka pa sumunod?" Seryosong sabi ni Sexy. Eto yung nakaka lito sa kanya eh. Nag bibiro, na iinis tapos biglang mag seryoso. Siguro pagkatapos nito ay tatawa na siya.
" Kung nagawa mong maloko mo sila pati si Kiah, ako hindi. Sa lahat ng taong nandito, ako lang ang hindi mo kayang maloloko" Sabi ko. kung kanina ay seryoso siya. Mas naging seryoso pa siya ngayon.
Tumingin siya sa akin at tumawa ng mapakla.
See? diba tama ako? pagkatapos ng seryoso ay tawa naman.
" Oo nga pala, Sabay tayong lumaki, kulang nalang ay magkapalit tayo ng mukha at ipagbuhol buhol ang mga pusod natin. I guess wala na akong kawala" Sabi niya at seryoso parin ang awra niya.
Kakaibang Sexy ang kaharap ko.
" Alam mo ba noong meeting? nag serve ang Grand Master ng pagkain. Hindi pa ako kumain noon dahil hindi agad ako kakain kapag hindi pa na serve ang drinks o wine..." Sabi ni Sexy. Alam ko na yan, ganyan talaga ang manerism niya. hindi siya kakain kapag wala pa siyang na inom kahit tubig lang.
" Pero sa kalagitnaan ng pagkain, hindi parin ni-Serve ang wine nila kaya naka pagdesisyon na sana akong huwag kumain pero nag serve na sila ng wine kaya ng maibigay na ang sa akin, Iinumin ko na sana yun kaso lang nagsalita agad ang Grand Master" Sabi pa ni Sexy. Unti unti na akong dinadapu-an ng takot at kaba.
Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
" Ang sabi niya, 17 daw kaming nandito at may lason ang kinakain namin at isa sa amin ang mamamatay, kanya kanya silang reaksyon noon at kung ano ano pang ka OA-han" Sabi pa niya. Napa ngiti ako sa sinabi niyang ka OA-han. May times kasi na ayaw niya sa mga OA.
" Dagdag pa niya, kung sino ang makakaalam kung sino ang mamamatay at paano siya mamamatay, tutuparin niya ang kanyang isang kahilingan at may 20 minutes kaming alamin kung sino..." Sabi pa ni Sexy.
" Nahulog ako sa malalim na pag iisip kung sino sa amin ang mamamatay sa hapagkainan, hanggang nalaman ko" Bumuntong hininga muna siya.
" Para mapatunayan ko ang aking theory, kumain ako ng konti at inubos ang nasa wine. Sinabi ko sa Kanila na alam ko na kung sino ang mamamatay sa hapag kainan" Wala akong kibo sa kanya. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya. naka yuko lang siya.
" May limang minuto pang natitira kaya binuwisit ko muna si Aphro" Sabi pa niya kaya napa ngiti ako. Rank 2 si Aphro dahil na talo sila sa Grand Finals noon.
" Hanggang nangisay ang Rank 7. Alam ko na no'n na si Rank 7 ang mamamatay. Sabi ni Grand Master ay mag explain ako" Sabi niya.
" Lahat ng pagkain ay may lason, pero nasa wine ang antidote. Kanya kanya silang inom at nag agawan pa yung iba. pero wala na silang ma agaw sa akin dahil inubos ko na ang wine ko" Sexy.
" At sinabi ko rin na sinadya ni Grandmaster ang kamatayan ni Rank 7. Alam ni grandmaster na hindi iinom ng kahit ano si Rank 7 kapag hindi pa tapos kumain. Dahil sa kalagitnaan na no'ng sinabi ni Grand Master na may mamamatay ay hindi na naka inom si Rank 7. siguro dahil na taranta siya tulad ng iba" Nagulat ako sa sinabi ni Sexy.
" Brilliant!, Yan kung sinabi niya at may mga sinabi pa siya. Sabi niya sundan ko daw siya at tinapos na niya ang meeting" Sabi pa niya.
" Tutuparin na daw niya ang kahilingan ko. At isa lang naman ang kahilingan ko, Ang magpakita siya" Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin.
" Nagulat ako dahil agad agad niyang tinanggal ang Maskara niya. na tuod ako sa nakita ko" Humarap si Sexy sa akin na seryoso ang mukha.
" Ishie, tama ang hinala natin. Siya at si Grand Master ay iisa"

YOU ARE READING
Sexy Lips [COMPLETED]
Teen FictionSexy Lips. Dalawang salita, walong letra. Ano ba ang meron sa grupo na ito? Sampung babae ang bumubuo... Pero bigla nalang naging magulo ang lahat.