Chapter 2: New Classmate

25 4 0
                                    

Monica's P.O.V

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko, kaya naman agad akong bumangon sa higaan ko, at tumingin sa orasan.

6:00 Am, masyado pang maaga munit kailagan ko naring dalian kasi mabilis lang tumakbo ang oras.

"Monica bumaba ka na dyan! Tayo'y kakain na!" Sigaw ni mama mula sa baba.

Bumangon nako sa higaan ko at nag unat ng kaunti, kinuha ko ang tuwalya ko at agad na dumiresto sa banyo upang maligo at magsipilyo.

Pagkatapos kung maligo, nagbihis din ako kaagad at agad na nagsuklay at tinali ko na rin ang buhok ko.

Ngumiti sa salamin. "Sana maganda ng araw ko ngayon."

Bumaba na ako, bago paman ako makababa natanaw ko kaagad si kuya na nagbabasa ng dyaryo sa sofa.

Mabilis akong pumunt sa kanya at agad na tumabi.

"Kuyaaa! Na miss kitaaa!" Saad ko, habang nakatingin sa kanya.

Binaba nya muna sandali ang dyaryo nya at agad na lumingon sa akin."Namiss din kita baby Piggy!"

"Kuya naman eh!"

"Biro lang, kamusta kana?" Tanong nya.

"Hay..ganun padin kuya tulad parin ng dati." Malungkot kung sabi.

"Okay lang yan, basta mag aral kalang nang mabuti wag mo na silang pansinin, nagpapansin lang sila sayo." Seryosong sabi nya.

Tumango naman ako, btw galing pala si kuya sa Laguna doon kasi sila naka a sign, pulis kasi ang kuya ko kaya proud na proud ang mama sa kanya pati narin ako.

Wala na nga pala kaming papa dahil sabi ni mama simula daw nang maipanganak nya si Kitty ay umalis nalang daw bigla si papa... kaya ngayon ang nagtatayong haligi namin ng tahanan ay ang aking Kuya, si Kuya Renzo Ganula for short kuya "renz"

"Kumain na tayo." Saad ni kuya, tumango naman ako at tumayo narin.

Nagsimula na kaming kumain, nag kwentuhan na rin kami at nagtawanan sobrang namiss ko ang ganitong bonding namin nila kuya kahit na wala na kaming tatay.

Maya maya pa ay natapos nadin ako sa aking kinakain, tumayo na ako at kaagad na nagpaalam sa kanila na aalis na, munit di paman ako nakakahakbang palabas ay narinig ko nang sumigaw si Kuya.

"Monica! Hintayin mo 'ko ihahatid na kita." Saad nya, napangiti naman ako.

Hinintay ko lang talaga na tawagin nya ako, namiss ko kasi yung ganito na hatid sundo nya ako.

"Sige kuya, maghihintay na ako sa labas." Ani ko bago paman makalabas, pagkalabas ko naghintay lang ako sa gilid.

Ilang minuto din ako naghintay kay Kuya, pero maya maya pa ay lumabas na rin siya.

Nakangiti siya papunta sa akin.

Ang gwapo talaga ng kuya ko..hehe.

"Lets go." Saad nya, tumango naman ako.

Pinagbuksan naman nya ako ng pinto sa kotse nya, kaya naman pumasok agad ako at umupo sa passenger seat.

Maya maya pa ay pumasok narin siya sa Driver seat, pinaandar naman agad nya ang kanyang engine, umalis na rin kami.

"Monica..." tawag ni kuya.

"Hmmmm?"

"May sasabihin ako sa iyong importante, kailangan mo nang lumipat ng School kapag 18 kana."

Ms. Piggy to Ms. Sexy (slow update)Where stories live. Discover now