Chapter 5: I dont know her

18 1 0
                                    

Monica's P.O.V

Masaya akong nagising ngayong araw dahil excited na ako sa gagawin ko mamaya, excited na akong gumanti kay ken sa mga pinanggagawa nya sa akin.

Excited na akong pabilihin siya ng mga mamahaling pagkain!

Kasalukuyan ako ngayong kumakain at malapit naring matapos.

"Ate, salamaaat!" Malaking pasasalamat sa akin ni Kitty, nabilihan ko na kasi siya ng pasalubong at buti nalang talaga ay hindi ko na nakalimutan.

Pinisil ko ang pisngi nya."Welcome baby, basta para sayo."

Tumango naman siya sa akin at agad na umupo sa upuan nya.

"Kamusta ang pag aaral mo Monica?" Sabat ni kuya habang kumakain.

Natanong nya to nakaraan ah?

"Okay naman po kuya." Sagot ko bago paman uminom ng tubig.

Maya maya pa ay tumayo na rin ako, at masayang nagpaalam sa kanila na aalis na...di narin daw ako mahahatid ni kuya dahil may aasikasuhin padaw siya.

Hindi na ako makapaghintay na tumungo sa School.

S C H O O L

Naglalakad na ako ngayon patungo sa room, nakangiti akong naglalakad sa gitna.

"Bakit kaya ngumingiti ngiti siya?"

"Oo nga noh? Baka madaming nakaing pagkain."

"I think so HAHAHAHA!"

Di ko sila pinansin nagpatuloy ako sa paglalakad ko, di ko alam kung bakit ang bilis kung maglakad patungo sa room.

Bakit nga ba?

Dumiretso na ako sa room, wala parin si maam kaya naman agad akong tumungo sa upuan ko kaso bago paman ako makaupo nagulat nalang ako nang may makita akong plastic sa upuan ko.

Agad ko yong kinuha bago umupo, takha akong tumingin doon..tinignan ko na rin ang loob laking gulat ko nalang dahil ang nasa loob non ay...

Maraming pagkain! Sobrang dami!

Wait, kanino galing to?

Hinalungkat ko ang nasa loob non, at nagtaka nalang ako nang may nakita akong maliit na papel doon, agad ko rin binuksan.

Dear Piggybank,
                          Magpakasaya ka sa treat ko dinamihan ko na yan hanggang pang dalawang araw mo na yan, wag ka mag alala dahil puro "pork flavor yan". Di moko makikita ngayong araw dahil ayaw ko magpakita sayo hehehe, may maliit nga pala na box dyan sa loob, buksan mo wedding ring yan! Sana magustuha mo! Oink oink!

                                                              Your Handsome Friend.

Gusto kung mainis sa sinabi nya na ang binigay nya daw na pagkain sakin ay puro "pork flavor" gusto ko sana siyang sapakin ngayong araw kaso wala siya dito!

Bakit nga pala wala siya ngayon dito?

Ano rin ang dahilan nya kung bakit ayaw nya magpakita sa akin?

Weird.

Wait! Ano nga palang laman ng box nayun? Wedding ring? Nahihibang naba siya? Baliw talaga!

Agad kung hinalungkat ang nasa loob ng plastic, agad ko rin namang nakita ang box na yun at kulay nyon ay pula.

Agad kung binuksan..laking gulat ko nang malaman ko ang laman nun!

Kumukulo ang dugo koooo!!

Dahil ang laman non ay....

Ms. Piggy to Ms. Sexy (slow update)Where stories live. Discover now