Chapter 4: Sorry?

16 2 0
                                    

Monica's P.O.V

Wala akong ginawa doon sa loob ng Guidance kundi ang tumanganga lang dahil wala naman talaga akong masabi sa kanila dahil wala akong alam at mas lalong di ko alam ang dahilan ng pag aaway nilang dalawa.

Dahil nung dumating ako doon ang naabutan ko lamang ay nagpapalitan na silang dalawa ng suntok.

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nilang dalawa..dahil lutang ang isip ko ngayon at di ko rin maintindihan kung bakit nangyari ito.

Ano nga ba ang dahilan ng dalawa nato? Para mapunta sila ganito?

Masyadong rin kasing mayabang itong si Ken kaya nararapat lang yan sa kanyan yan...totoo naman kasi ang sabi nitong si Josh na nabuguhan palang siya dito pero kung umasta ay parang luma na dito sa School.

Tss..'

Nandito ako ngayon sa harap ng Office at kasalukuyang umuupo sa upuang malapit nang masira..ginagaanan ko lang ang sarili ko upang di mawasak ang kinauupuan ko.

Ilang oras narin silang nasa loob kaya medyo naboboring nadin ako dito sa labas, wala na akong magawa kundi ang mag muni muni nalang sa mga estudyanteng dumadaan dito sa harap ko munit masasama ang tingin.

Ano nanamang tingin yan? Tsss!

Habang nagmuni muni bigla nalang.....

*craaaaaaak*

BIGLANG NASIRA ANG KINAUUPUAN KO AT ANG MALALA PA SOBRANG LAKING DIPERENSYA ANG NASIRA KO!

Naunang bumagsak ang aking pwet, di agad ako nakatayo dahil iniinda ko parin ang pagkabagsak ko sa sahig..masyadong masakit.

Habang iniinda, nagulat nalang ako nang biglang gumalaw ang door knob senyales na may lalabas.

Ano nang gagawin ko?

Tatayo ka Monica Engot!

Habang di pa sila nakakalabas pinilit kung makatayo kaso masyadong yatang mabigat ang katawan ko at masakit din pwet ko...

Maya maya pa...

Bigla nalang lumabas galing sa Loob si Maam Ramirez kasunod nya ay si Ken at Josh.

Nakanganga lang akong nakatingin sa kanila.

Nakakunot naman ang tingin sa akin si Maam. "What are you doing Ms. Ganula?" Takhang tanong nya.

Di naman ako nakasagot.

Diba nya nakikita? Syempre maam nabagsak akooo!!

Bumaling ang atensyon ko kay Ken na nakangisi nanaman ang labi at pinipigilan ang pagtawa, tumingin naman ako kay Josh na ganoon din ang reaksyon kagaya kay Ken.

Magsama kayong dalawa bwesit!

"Anong nangyari sa upuan?" Dagdag pa ni Maam.

"Ma'am n-nasira ko p-po." Nauutal kung sabi, kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Maam.

"Hahahaha, i think you need to go now..bukas nanatin 'to pag uusapan." Nakangiting sabi ni Maam.

Tumango naman ako kay Maam, bumaling naman ang atensyon nya sa dalawa.

"Kayo din..umalis na kayo." Ani ni maam, at umalis narin siya palayo sa amin.

Unang umalis ay si Joshua munit nakatayo parin si Ken sa harapan ko at nakangisi nanaman!

Bwesit na ngisi yan, tanggalin ko labi mo ehhh!!

"Baka may balak kang tulungan ako diba?! baka lang naman!" Sarkastiko kung tanong sa kanya.

Ms. Piggy to Ms. Sexy (slow update)Where stories live. Discover now