Chapter 6: Back to Normal

37 1 2
                                    

Monica's P.O.V

Hanggang ngayon ay naglalakad pa rin kami ni ken, di ko na alam kung saan na kami at kung saan nya ako dadalhin..nakasunod lang kasi ako sa kanya samantalang siya naman ay nakatalikod sa akin.

Mag ka ano ano kaya sila ni Angelica the crazy?

Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad ko, habang naglalakad di ko maiwasang di tignan ang dinaraanan parang di pa kasi ako nakakadaan dito dahil narin siguro sa sobrang laki ng paaralan nato.

Saan nga ba ako dadalhin ng baliw na lalaki nato?

Maya maya pa ay...lumiko siya sa kanan kaya naman agad rin akong sumunod sa kanya, kahit na nalilito pa ang isip ko pinili ko paring sundan siya.

Eh bakit nga ba? Engot!

"Stay here.." malumanay na sabi nya, sumunod naman agad ko at takang huminto sa tabi.

Naglakad na siya papalayo sa akin, at lumiko siya sa room na bakante nandito kasi kami ngayon sa old building at di ko talaga alam ang gagawin naming dalawa dito!

Ano nga ba?

Tseee ang dami kung tanong wala namang sagot!

Maya maya pa ay lumabas narin siya at laking gulat ko nang makita kung may dala siyang bag na malaki.

Takha ko naman siyang tinignan habang lumalakad patungo sa akin, nakangisi nanaman sya!

"Anong gagawin mo dyan?" Takhang tanong ko habang nakaturo sa bag nyang dala dala.

"Kakain tayo.." Malumanay nyang sabi.

Agad naman akong nagtaka, at tumingin sa kanya habang nakaatas ang mga kilay.

"Kakain? Saan naman?" Takhang tanong ko.

"Daming tinatanong..." saad nya.

Agad naman akong nainis!

"Tch! Saan nga?!" Napasigaw kung tanong, di nalang kasi ako sagutin ng diretsahan para tapos ang usapan!

"Dyan lang.."

"Tch! Tara na!" Sigaw ko.

Tumango naman siya at nagsimula nang maghakbang paalis, kahit  labag sa kalooban kung sumunod wala narin naman akong magagawa kundi sundan sya.

Maya maya pa ay nakarating narin kami sa nais nyang gustong kainan, simple lang ang park na napili nya, tahimik...maganda ang paligid....malinis...wala masyadong tao..hindi maingay at tanging huni lang nang ibon ang maririnig.

"Sit." Saad nya, napatingin naman ako sakanya munit di siya nakatingin sa akin, nakatigin siya sa baba ko.

Kaya naman tinignan ko rin iyon nang makita ko na, isang upuan na mahaba na kasya ang tatlong tao, kaya naman dahan dahan akong umupo doon.

Maya maya pa ay umupo narin siya sa tabi ko at agad na naghalungkat ng bag nya.

Anong kayang meron dyan?

"Ano bang hinahanap mo dyan?" Takhang tanong ko.

"Wag ka ng magtanong.." saad nya, inis ko naman siyang tinignan!

Di ko nalang siya sinagot, pinagmasdan ko na lang ang paligid..pinakaramdaman ko rin ang hangin na dumadampi sa buong katawan ko.

Sobrang sarap sa pakiramdam!

"Oh ayan sayo!" Saad nya sabay hagis sa akin ng supot.

Kunot noo ko naman siyang tinignan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms. Piggy to Ms. Sexy (slow update)Where stories live. Discover now