Trailer

11 2 0
                                    


"Akala ko ba mahal mo rin ako?" Nanlulumo kong sabi habang patuloy na pinipigilan ang pag-agos ng aking mga luha.

"Tanga ka ba? Kahit kelan hindi ako magmamahal ng katulad mo." Nakangiti niyang sabi habang randam na randam ko ang pagmamaliit niya sa pagkatao ko.

"Pero pinaramdam mo sa 'kin na mahal mo rin ako!" Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang hirap tanggapin ng mga salitang binibitawan ng nag-iisang babaeng minahal ko.

"Hahahahaha, hindi ka lang pala bubo, isa ka rin palang malaking assuming."

Wala akong paki sa kahit ano pang sabihin niya, mahal na mahal ko siya. Akma siyang aalis pero hinawakan ko ang braso niya.

"Let go of me, nonsense airhead!" Sigaw niya habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko.

"Mahal na mahal kita".

"Para malaman mo, pinaglaruan na pinaglaruan lang kita!"

~~~~0~~~~

Nagsimula akong humakbang papasok ng bahay. Buo na ang desisyon ko. Alam kong ito ang tama at hinding-hindi ko ito pagsisisihan. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin ang dalawang maleta sa sala at nakita ko siya.

"Anong ibig sabihin nito?" Takang tanong ko sa kanya habang unti-unti ko rin siyang nilalapitan.

"Ako na mismo ang nag-impake ng mga gamit mo. Alam ko na ang lahat." Nanginginig ang boses na usal niya. "Alam na alam ko na lahat"

Alam kong magagalit siya. Alam kong susumbatan niya ako. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Niyakap niya ako ng napakahigpit.

"Mahal na mahal kita at hahayaan kita kung saan ka masaya. Bibitawan na kita." Nagsimula na siyang humagulhol habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

"Hindi ako aalis. Mananatili ako sa tabi mo." Mangingiyak na sambit ko habang ginagantihan ang yakap niya.

"Bakit?"

"Dahil masasaktan ka."

~~~~0~~~~

"Parang awa mo na, gagawin ko ang lahat, manatili ka lang sa tabi ko." Nagmamakaawang sabi niya habang mahigpit na nakayakap sa likod ko.

"Bitawan mo na ako. Sa simula't sapol palang alam mo nang mangyayari ito." Sabi ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Please 'wag mo akong iwan. Nagmamakaawa ako sa'yo. Manatili ka sa tabi ko pakiusap."

"Bakit?"

"Dahil masasaktan ako."

A Game UnplayedWhere stories live. Discover now