Chapter 3. One Great Love

5 2 0
                                    

Elaine's POV

"... this might be the last."

This might be the last

This might be the last

This might be the last

Paulit-ulit na nag eecho sa isipan ko ang sinabi ni Kevin habang hawak hawak niya ako sa braso ko- mga salitang sumusugat sa kaloob-looban ko. Oo, nagtatampo ako sa kanya pero natatakot ako na baka ito na nga ang huli.

Patuloy pa ring umaagos ang aking mga luha pero tumigil na ako sa pagtakbo. Humarap ako sa kanya nang hindi nagsasalita. Binitawan niya na din ako at niyakap.

"I'm so sorry." Naluluha rin niyang sabi habang hinihigpitan ang yakap sa'kin.

Alam kong wala na akong magagawa sa sitwasyon. Magalit man ako o magtampo sa kanya... wala nang magbabago. Pinili ko nalang na hindi umimik hanggang sa bumitaw na kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

Masakit tanggapin na magkakalayo na kami. Hindi ko na makakasama palagi ang nag-iisang taong binigyan ko ng aking tiwala at pagmamahal.

Tama, mahal ko si Kevin higit pa sa kaibigan. Siguro nga hindi naman kabigla-bigla ang pagkahulog sa best friend dahil ito naman ang kadalasang nangyayari, pero hindi katulad ng ibang uri ng pagmamahal, ito ang pinakamahirap tanggapin at pinakamahirap aminin.

Ito 'yong uri ng pagmamahal na isang maalamat na kwento kapag nasuklian subalit isang sumpa ng matinding sakit kapag hindi.

Nasa elementarya palang ako ay nakilala ko na si Kevin kahit nasa magkaibang paaralan kami. Palagi kaming nagkakalaban tuwing Math Quiz Bee at Math Challenge pero kahit kelan walang makakatalo sa nag-iisang Kiven Gonzales.

Natatandaan ko pa nga noong first day of class ko noong grade 7, ako 'yong pinakahuling nakakuha ng upuan dahil sa may pagkamahiyain ako no'n e at ang kupad-kupad ko kung gumalaw, lalo na't halos mga taga ibang paaralan ang mga kaklase ko. Akala ko no'n ay wala na akong mauupuan at ililipat nalang ako ng ibang section pero may bakanteng upuan pa- katabi ng upuan ni Kevin. Masaya nga ako noon dahil kahit papaano kakilala ko ang katabi ko. Nasurpresa din ako dahil magkaklase na kami ng dati kong kalaban.

Mahiyain talaga ako no'n pero bigla naman akong dumaldal nang naging magkatabi kami. Paano ba naman kasi ay natuklasan kong magkapareho pala ng genre ang mga bagay na gusto naming pag-usapan, mga astronomy, religion, politics, science, at mathematics. Ansaya-saya niya kausap 'yon bang palagi talagang may sense. Ang usaping may sense na naging nonsense na paglipas ng panahon, sa panahong naging magbest friend na talaga kami.

Palagi akong pumapasok sa paaralan dala ang mga ngiti at kaligayahang hindi ko mawari ang dahilan, subalit naging malinaw ang lahat noong naging laging mainit ang ulo ko, noong lagi akong nakasimangot, noong lagi akong problemado, noong pinadala si Kevin kasama ng fellow Supreme Student Government Officer niya sa isang one week leadership training.

Simula no'n palagi ko nalang nahuhuli ang sarili ko na iniisip siya, na sinusulat ang pangalan niya kahit saan, at tinatawag na Kevin ang karamihan sa mga tao sa paligid ko. Palagi kong hinahanap kung nasaan siya at hindi ako mapakali kung hindi nalalaman ang kinaroroonan niya. Palagi ko rin siyang napapanagnipan. Ayokong may lumalapit na babae sa kanya, ayokong may kinakausap siyang iba. Gusto kong palagi kaming magkasama.

Kahit kailan ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa isang tao at sa mga pagkakataong 'yon alam kong ang nararamdaman ko kay Kevin ay isang pagmamahal na higit pa sa kaibigan.

Isang pagmamahal na ako at ako lang ang nakakaalam hanggang ngayon. Tinago ko ang nararamdaman ko dahil hindi ko ito kayang sabihin sa kanya. Natatakot ako na baka magbago ang tingin niya sa'kin. Natakot ako na mawala ang magandang samahan na nabuo namin. Pakiramdam ko rin ay kapag umamin ako ay parang mawawalan ako ng dignidad dahil sa babae ako.

A Game UnplayedWhere stories live. Discover now