Chapter 2. This Might Be The Last

5 2 0
                                    


Kevin's POV

Ang bilis talaga ng panahon. 'Yong parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil preskong-presko pa sa alaala mo, pero ang totoo mahabang panahon na ang lumipas.

Andito ako ngayon sa plasa at nakaupo sa isa sa mga swing dito habang hinihintay si Elaine. Magkikita kami ng best friend ko ngayon dahil may mahalaga akong sasabihin sa kanya. Nakakamis na rin siya. Madalang nalang kaming magkasama dahil bakasyon na.

Sulit naman ang pagtatapos ng Junior High School years ko. Hindi man ako nanalo sa National Schools Press Conference (NSPC), okay lang, sapat nang nakasali ako do'n.

Hirap na hirap nga ako no'ng regional e, sa national pa kaya? Di bale may next year pa naman.

Hindi ko na masyadong iniisip yung babae sa picture. Siguro nga ay nagkataon lang ang lahat. Napapraning lang naman ako noong mga panahong 'yon. Ganon nga siguro talaga kapag walang love life masyadong naniniwala sa mga destiny, mga unexpected encounter, mga pang novel lang na mga kaganapan.

Pero paano nga kung siya talaga ang itinakda para sa'kin?

Paano ko naman magiging destiny yun, e sideview lang naman niya ang alam ko at ang pagiging RSPC delegate niya.

Pwede ko kayang e track down ang lahat ng RSPC delegate dito sa region namin? Makakaya ko ba 'yon e mas higit pa sa isang libo kaming lahat? At tsaka paano ko naman sila mahahanap? Paano kung gagawin ko talaga tapos mahanap ko siya, tapos may mahal pala siyang iba? O 'di kaya naman ay hindi ko pala siya mahal? Teka nga, mahal ko ba siya?

"May bampira!"

"Diyos ko po! Asan?"

Kamuntikan na akong mahulog sa swing dahil sa sigaw ni Elaine. Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya.

"Haha, ang lalim yata ng iniisip ng best friend ko a, iniisip mo ba ang Marianas Trench?" Sabi naman niya sabay pat sa ulo ko.

"Hindi, inner core ang iniisip ko, balita ko marami kasing ginto do'n e, paano kaya makakapunta do'n?" Sinabayan ko nalang ang biro niya.

"Sabi ng kapitbahay ko maghuhukay lang daw sa lupa e." Sagot naman niya habang umupo sa katabing swing.

Heto na naman kami sa walang kwenta naming usapan. Palagi naman kaming ganito e, kung ano-ano lang ang papasok sa kukute namin at mga pinagsasabi naming.

"Tapos paano malalaman kapag inner core na?" Sabi ko naman na nalilito kunyari.

"May nagsabi sa'kin na mayroon daw isang magarbong kaharian sa ilalim ng lupa, kapag narating mo na ang kahariang 'yon malapit ka na sa inner core at doon sa kahariang 'yon ay may..."

"Ang cute cute mo talaga." Pinutol ko na 'yong pagsasalita niya at kinurot ang pisngi niya.

"Aray ano ka ba?" Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa pisngi niya at ako naman ay tawa lang ng tawa at hindi binibitawan ang pisngi niya.

Ganito kami palagi, mga out of this world, mga katangahan, at mga walang kwenta ang pinag-uusapan namin, pareho kasi kaming may topak e.

Minsan kasi mas mabuti pang magpakalulong nalang sa mga biro at mga pantasya kaysa sa malunod sa mga problema. Given na naman kasi na maraming pagsubok at lungkot sa buhay natin kaya minsan mas maiging huwag na masyadong magseryoso.

"Aray, bitawan mo nga ang pisngi ko." Napabitaw naman ako, naluluha na kasi si Elaine, nagiguilty tuloy ako.

"Parusa ko 'yan sa'yo, antagal mo kasi."

"Hindi ako matagal, maaga ka lang talaga." Seryoso niyang sabi.

Mukhang galit na 'to.

"Sorry na." Lumapit naman ako ng kunti sa kanya at inakbayan siya.

A Game UnplayedKde žijí příběhy. Začni objevovat