Chapter 1. Love at First Shot

8 2 0
                                    


Kevin's POV

Halos mag-iisang oras na akong palakad-lakad sa kabuuan ng contest venue namin at pinag-aaralan ng maigi ang paligid. Bawat sandali ay kinukuhanan ko ng litrato ang makikitang kung akma sa theme naming ngayong Regional Schools Press Conference (RSPC).

Sa totoo lang unexpected talaga ang naging theme naming ngayon. Akala ko it will be about solid waste management, something about environmental issues, or human activities. Pero it turns out na 'The Beauty of Nature' ang naging topic namin. Ganito talaga ka unpredictable ang topic kapag RSPC.

Tanghali na ngayon at masakit talaga sa balat ang sinag ng araw. Ansaya-saya ko dati noong nanalo ako sa Division Schools Press Conference (DSPC).

Mula no'n naadik na talaga ako sa pamimicture. Araw-araw akong nagsasanay; sobrang pinaghahandaan ko talaga ang araw na 'to, one step away nalang ako sa National, ang pinakapangarap ko bago man lang ako makapagtapos ng Junior High School.

Naalala ko 'yong mga pinaggagawa ko bago pa ang contest na 'to. Sinundan ko lang naman ang isang langgam para makunan ito kapag nagbeso na sa makakasalubong niyang langgam (ganoon naman ang mga langgam diba?) to capture something about friendship. Sinundan ko rin pala 'yong payatot na asong gala at halos agaw hininga kong sinikap na makunan ito sa harapan nito at pukos ang mga matang wari'y sumisigaw ng 'release me from poverty'. Ewan ko rin sa asong 'yon at hindi naman nagtatakbo, parang bet niya atang magpakuha ng litrato.

~~~*~~~

Nakapili na ako ng apat na litrato na gagawin kong entry at na delete ko na ang iba. Limang litrato ang kailangan naming ipasa pero meron talaga sa loob-loob ko na within sa natitira kong 20 minutes para kumuha ng litrato ay may makukunan pa akong the best sa lahat ng kuha ko, one last photo.

Nagpatuloy lang ako sa paggala dito sa park. Isang park kasi ang venue namin, at meron kaming 90 minutes para kumuha ng litrato. Napadako ang tingin ko sa may kanang banda ng park. Matatanaw sa unahan ang mga batang masayang naglalaro sa swing, slide, at seesaw. May mga pamilya rin na nagpipiknik. Pwede ko silang gawing background. Ano namang epofocus ko? Para tuloy akong ewan na nangangamot ng ulo dito.

Mayroong dalawang naglalakihang mga puno na mga tatlong metro ang layo sa 'kin, 'yong puno naman ay mga dalawang metro ang pagitan. Natatakpan ng mga mabeberdeng bermuda grass at carabao grass ang lupa, may mga bulaklak din na pinapatinkad ng sikat ng araw

Bigla nalang umihip ang napakalakas na hangin at naghulugan ang mga naninilaw nang dahon ng mga puno na para bang ulan, pero matatanaw pa rin sa may 'di kalayuan ang masasayang mga tao. Sa mga sandaling ito ay inanggulo ko na ang camera ko. This is it, my final shot.

*Click!*

"Paano nangyari 'to? Paanong nagkaroon ng ganito?"

Gulat na gulat ako nang makita ang larawang makunan ko.

"Guys, time is up!"

Wala na akong ibang nagawa kundi sumakay nalang sa van na maghahatid sa aming mga photojournalists pabalik sa main venue. Special kasi talaga minsan kaming mga photojournalists at sa ibang lugar kami pinapakuha ng picture at hindi sa loob ng university kung saan isinasagawa ang mga writing contest.

Nasa loob na kami ng van at hindi maalis-alis ang tingin ko sa last shot ko. Sa shot kung saan may isang dalaga na kasing edad ko lang na naka sideview na animo'y winiwelcome ang malamig na simoy ng hangin na tumama sa kanyang katawan at sinasalo ang naghuhulugang mga dahon. May ngiti sa kanyang mga labi, matangos ang ilong niya, at maitim at mahaba ang wavy niyang buhok. Nakasuot siya ng isang maputi at simple na dress. Maputi? Hindi kaya multo ito? Zinoom in ko 'yong picture at do'n may napansin akong nakasabit sa leeg niya- RSPC ID, ibig sabihin delegate rin siya.

A Game UnplayedWhere stories live. Discover now