Chapter 4. Mr. Dancing Boy

8 2 0
                                    

Feberly's POV

"Ate mauna na ako sa'yo hahabulin ko sina Mera". Nagmamadaling sabi ng kapatid kong si Lesly.

"Okay, take care madulas ang daan". Nag-aalalang sagot ko. Umuulan kasi ngayon at naglalakad lang kami patungong paaralan. Nasira kasi ang sasakyan ni Dad kaya hindi kami nahatid ngayon. Hindi naman masyadong malayo ang bahay namin sa paaralan. And here I am now, naglalakad mag-isa habang nakapayong sa ilalim ng ulan dahil iniwan ako ng mabait kong kapatid para habulin ang mga kaibigan niya.

Wala man lang ibang students na naglalakad, palibhasa excited lahat dahil first day of class, for sure ang agang pumasok ng mga 'yon. Well, I don't care if first day of class ngayon. Hindi naman ako 'yong tipo na pumupunta ng maaga sa paaralan for no particular reason. Kadalasan dumadating ako sa school ten minutes before magsisimula ang klase. Anong oras na nga ba? Napatingin naman ako sa wristwatch ko, 7:49 na pala, anyways hindi pa naman ako malelate. I still have eleven minutes.

Patuloy pa rin ang pag-ulan. Why do I feel so lonely? Malamang nag-iisa ako ngayon. Anyways, heto na naman, pasukan na naman, at Grade 11 na ako. Haharapin ko na naman ang responsibilidad ko bilang estudyante at student leader. Aside from being Supreme Student Government President, I'm also the Editor-in-Chief of Publication Club and President of Math Club. Nakaya ko naman lahat, well, it's just a matter of time management.

Sanay na naman ako sa responsibilidad since I was a kid. Since nursery palagi akong nangunguna sa lahat. Obviously I'm smart. They say 'hardwork beats talent' but in my case I have both. I excel in all subjects pero paborito ko ang Math at Science, that's the reason why I chose Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) to be my strand. Pero deep inside gusto kong kunin ang Humanities and Social Sciences (HUMMS). Ever since kasi gusto ko nang maging abogada at sobrang interested din ako sa field of Psychology. That feeling that you are able to read someone's action, that's very satisfying for me. And another thing is that I want to know more about manipulating-

Natigil naman ako sa pag-isip-isip dahil sa isang lalaking estudyante na nanggaling sa isang eskinita na naglalakad na ngayon sa unahan ko. Siguro mga three meters away kami. Hmm, base sa uniform niya he's my schoolmate and absolutely Senior High School din. Looking at his back he looks strange, baka transfer student to. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya at matawa. Nababaliw na ba siya? Sayaw siya ng sayaw habang nakaheadset, siguro upbeat 'yong pinapakinggan niya. Wala man lang ba siyang paki kung may nakatingin ba sa kanya?

Patuloy lang akong naglalakad habang tinitignan itong si Dancing Boy. Salamat naman sa kanya at naentertain ako. Sino kaya ang lalaking 'to?

*bogsshhh*

"Aray!"

"Ahahahaha hahaha hahaha!"

Pilit ko mang patahimikin ang sarili ko but I just can't. Bigla nalang bumilis ang stepping ni Dancing Boy at at nadulas siya. My God ang tanga!

"Nadali na, wala pa naman akong dalang pamalit." Nag-aalala ang tono ng pananalita niya habang unti-unti bumangon at napahawak sa balakang niya. Nabasa ang uniform niya dahil may kaunting baha sa kalsada at nabitawan pa niya ang payong niya at basing-basa na siya ngayon dahil may kalakasan din ang ulan. Kawawa naman to, panigurado malelate na 'to. Feel na feel kasi 'yong moment.

"Ahahaha, ang tanga kasi, hahaha."

Unti-unting napalingon sa kinaroroonan ko si Dancing Boy. Hindi ko alam pero lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong nararamdaman, anong itsura niya? Narinig kaya niya ang tawa ko? Baka naman pagsusuntukin niya ako. Tatakbo na ba ako? Parang humina ang takbo ng oras na wari'y nag slow motion ang lahat. Tuluyan na nga siyang lumingon at nagkatitigan kami. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko parang- my God this is stupid! Malamang kakaiba ang mararamdaman ko dahil natatakot ako sa kung ano ang maging action niya towards me dahil pinagtawanan ko siya. Nagsimula na siyang maglakad papalapit sa'kin at tuluyan na rin akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit ako kinakabahan? Wala pa ring bumibitaw sa pagtititigan namin.

"A..are you okay?" Nauutal kong sabi hindi ko kasi alam kung anong ibig sabihin ng mga titig niya, gosh sana Psychologist ako. Inaasahan kong sasagot siya pero wala siyang sinabi at tuluyan na akong nilagpasan. Malamang uuwi 'yon para magpalit ng damit. Bakit parang nagiguilty ako?

Gosh, this is insane. He is just a stupid guy dancing in the rain. For sure wala siyang pinagkaiba sa mga lalaking flirt, walang respeto sa babae, malandi, walang pakialam sa kinabukasan, at puro yabang lang.

All my life wala naman akong nakilalang teenage guy na matino, except for Joseph. Sayang lang because our ways parted.

Hinanap ko agad ang classroom ko pagdating ko sa paaralan. Nakita ko naman agad ang circle of friends ko.

"Talagang two minutes before eight kana dumating no?" Parang nanunumbat na tanong sa'kin ni Samantha.

"Palibhasa 6:30 pa 'yan dumating dito Feb." Natatawa namang sabi ni Cheska.

"Sana naman dumating ka like 7:30 para naman makapagkwentuhan tayo." Parang nalulungkot namang sabi ni Jesica.

Actually apat lang kaming magkakaibigan. Si Samantha at Cheska ay parehong HUMSS ang kinuha at STEM naman kami ni Jesica. I chose to have fewer friends. Ano naman ang maraming kaibigan pero kaunti lang ang mapagkakatiwalaan? It's always quality over quantity.

"Nasira ang sasakyan ni Dad, tapos naglakad lang ako papunta dito plus hindi ko ugaling pumasok ng napakaaga, so what do you expect?" Sagot ko naman sa kanila.

Mag-uusap pa sana kami pero nag bell na kaya nagsipasukan nalang kami sa classrooms namin.

Magkatabi kami ni Jesica, nasa harapan kami. Nasa column one row one ako. Napansin ko naman na nasa kabilang side si Sophia. Nagkatinginan kami at inirapan ko siya. I really hate her. Dumating ang adviser namin na si Mr. Sanduval and the ritual begins at dahil ako ang nasa unahan, ako ang magsisimula.

"Good morning everyone I am Feberly De Guzman. I'm studying in this school since nursery. I completed with high honors. As for my achievements, that's too many to mention."

Napansin ko naman na sobrang tahimik ng klase, kahit yung mga transfery I can see in their eyes na mataas ang tingin nila sa'kin.

"I chose STEM because I will pursue Chemical Engineering. Don't ask me what I want to become because there's so many of them. I want to be a journalist, lawyer, psychologist, accountant, medical doctor, and some more."

Matapos kong sabihin ang lahat ng 'yon ay umupo na ako at kunwari'y nakikinig sa iba kong classmates while I really don't care about them. Isa lang ang nakakuha ng attention ko, this impostor.

"A pleasant morning to everyone"

Nakangiti pa niyang sabi, for sure plastic lang ang mga ngiting 'yan, attention seeker at symphaty seeker talaga.

"... I am Sophia Trinidad, I've been in this school since seventh grade. I moved up with high honors and awarded as Most Diligent, Best in Communication Arts, and I'm also given a Conduct Award. I chose to be in this strand because I want to build a career in Engineering. I wish we will all be friends guys. Thank you."

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko pagkatapos niyang magsalita. Edi ikaw na talaga Sophia. Pakaibigan si Sophia at tsaka mabait daw sabi nila. Madalas kaming ikumpara sa isa't isa dahil palagi kaming nag-aagawan sa first rank pero never niya akong nalamangan. Mabait naman talaga siya, sa ibang tao, pero never sa'kin. Siguro dahil hindi rin ako mabait sa kanya. Hindi naman din siguro mali na ipamukha ko sa kanya na wala siyang laban sa'kin. Ang pinakaayaw ko kasi sa lahat ay yung mga taong trying hard.

Nagpatuloy lang ang pagpapakilala sa isa't isa ang mga kaklase ko, habang nagchikahan kami ni Jesica.

"Sa next subject natin ganito na naman ang gagawin natin Feb, nakakaubos ng laway."

"Edi iklian mo ang sasabihin mo." Sagot ko naman sa kanya.

"Nga pala, kumusta na kaya si Joseph ngayon?"

Sasagot pa sana ako kay Jes nang may biglang kumatok sa pintuan.

"Good morning everyone, I'm sorry-"

"What's your name?" tanong naman ni Sir don sa dumating.

"Kevin Gonzales Sir." Sagot naman nong lalaki na hindi ko na tinignan pa, I'm not interested.

"Feb tignan mo, he's so handsome." Parang kinikilig pang sabi ni Jesica.

Napatingin naman ako doon sa bagong dating at hindi ko naiwasang mabigla.

Mr. Dancing Boy?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Game UnplayedWhere stories live. Discover now