Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter Twenty-Two

28.5K 507 61
                                    

PAGBABA NG SASAKYAN, tumuloy na ang mag-amang Sondra at Samuel sa restaurant kung saan nagkasundo sina Sam at Ronaldo na magkikita-kita.

Sondra took her pouch with her and walked side by side with Sam.

Nang marating ang restaurant proper, nasa entrance na si Maximillian at hinihintay sila. Seryoso ang nakarehistrong ekspresyon sa mukha ng binata na para bang pormal na pagpupulong ang dadaluhan. Nang makalapit sila, tumabi ito para paunahin sila sa paglakad. She was about to follow Sam when a hand wrapped around her upper arm. Napalingon siya at tumama ang mga mata sa titig ni Maximillian.

"Confident to face Renante after what we did in Zambales?" he darkly muttered under his tone.

Tinapatan niya ng tapang at bilis ng pag-iisip ang banta sa boses nito.

"Kung balewala iyon sa akin, mas lalong balewala iyon kay Renante, Millian."

"Are you sure about that?"

She lowered her eyes, missing the sight of how his jaws tensed and face darkened as she took his hand away from gripping her arm. Taas-noong nilagpasan ni Sondra ang lalaki para makasabay ng lakad sa ama. Bumuntot na rin sa kanila si Maximillian.

Siyang sulpot ni Renante. Bumati ito sa kanya at bumeso. Kasunod niyon ang pakikipag-kamay ng kababata sa kanyang ama at kay Maximillian. Renante looked his usual self— amicable and charming with a peaceful smile. Pinasadahan siya nito saglit ng tingin bago siya inalalayan sa siko at nagpatiuna na sila sa paglakad.

"You look unprepared," mahina nitong tawa pagkabulong niyon sa kanya.

Paano naman kasi, siya lang ang naka-casual na kasuotan sa kanila. Nakasuot pa rin ng mga suit si Sam at Maximillian. Si Renante, kagagaling lang din sa opisina nito kaya nakasuot pa ng suit na mas dark ang pagkaka-grey kaysa sa suot ni Maximillian.

"Because I am unprepared," mahina niyang sagot dito. "You should have at least given me a heads up, Renante. You really have a lot of explaining to do."

"Then that calls for a date," mahina nitong tawa. "Let's have some coffee after this dinner?"

Pinanlakihan niya ng mga mata ang binata bago sinulyapan ang dalawa na nakasunod sa kanila. Sondra faked a laugh. Pakunwari na hinaplos sa braso si Renante para hindi makahalata ang mga ito. Siya namang paniningkit ng mga mata ni Maximillian.

Binalik ni Sondra ang tingin kay Renante.

"I know that you agreed with this set-up to help me out," maingat niyang patuloy. "But why are we already going to talk about the preparations this early?"

"Why not? Is there some matters I have overlooked, Sonny?"

Wala, kabado niyang titig kay Renante na nasa unahan naman ang tingin. Pero hindi ko pa napaghahanda si Stacey... She will need time to process this. At kung malalaman niyang agad-agad na itutuloy natin ang set-up na ito nang hindi ko man lang siya naaabisuhan, this will be a big trouble. She has the tendency to shut down sometimes and stop listening when upset.

She internally sighed. Oh, my goodness.

Ginabayan sila ng nakaabang na staff— isang magandang babae na nakasuot ng itim na kimono na may pulang tali at puting mga pattern— patungo sa isa sa mga private room ng restaurant na mistulang tatami rooms ng Japan ang inspirasyon ng disenyo. May nakahanda roong dalawang magkaharap na puting mga seats na may unan at maayos na table setting.

Tumayo ang ama ni Renante, si Ronaldo, na naka-grey din na suit para kamayan ang mga lalaki at tinanguhan lang siya ng ginoo. Sondra nodded back and smiled politely. Pagkatapos niyon, hinayaan niyang igiya siya ni Renante sa seat katapat ng pwesto ng ama nito. Renante stood as the host and gestured his hand for Sam and Maximillian to sit alongside his father. Huli itong umupo sa tabi niya. Kaya naman sa posisyon nila, katapat nila ang tatlo sa table na iyon at sila lang ni Renante ang magkatabi.

RoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon