prologo, pagtatalaga para sa likha

183 24 6
                                    

Minamahal kong Likha,


Hindi ko man lubusang maunawaan, ngunit isang taon na ang nakalilipas noong ika'y pumanaw; sa araw na iyon, may hindi inaasahang bomba ang nahulog at nag-alab sa dako ng iyong kinaroroonan.

Kami'y nagtakda ng isang mataimtim na burol para sa huwarang mandirigma na tulad mo. Inilagak namin ang iyong mga labí sa isang kabaong at ibinaon sa lupa. Araw-araw kong binibisita ang iyong libingan, at aking binibigyan ng kahulugan ang mga bagay na iyong 'di inaasahang iwan.

At hindi ko rin alam kung ano ang aking gagawin pagkatapos ng itinadhanang araw na iyon. Unti-unti na ring kumukupas ang larawan ng iyong mga ngiti sa mga pagbubulay-bulay ko. Ang labis na ikinakatakot ko na lamang ay ang pagdating ng oras na tuluyan ka nang mabura sa aking mga ala-ala.

Kahit na ganoon, patuloy pa rin ang pagnuod ko sa pag-lubog ng araw sa guhit-tagpuan. Dahang-dahan na ring humuhupa ang digmaan, at sa tulong mo, tayo ang matagumpay.


Lubos na nangungulila,
Hiraya

━━━━ 𝐋𝐈𝐊𝐇𝐀 𝐀𝐓 𝐇𝐈𝐑𝐀𝐘𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon