𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙮𝙤, 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯

142 24 3
                                    


__________________________________________________

INTERMEDYO :HIMLAYAN NG MGA AGAM-AGAMᜑᜒᜋ᜔ᜎᜌᜈ᜔  ᜅ᜔  ᜋ᜔ᜄ  ᜀᜄᜋ᜔-ᜀᜄᜋ᜔▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊ ‧̍̊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INTERMEDYO :
HIMLAYAN NG MGA AGAM-AGAM
ᜑᜒᜋ᜔ᜎᜌᜈ᜔  ᜅ᜔  ᜋ᜔ᜄ  ᜀᜄᜋ᜔-ᜀᜄᜋ᜔
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊ ‧̍̊.    ҉  °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥  ☽  ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊





23rd January, 2018 — 01:23 pm

        KUNG ANG KAARAWAN MAN AY ISANG MASAYANG ARAW . . .

        Kung gayon, hindi ako masaya.

       Kanina lang ay niregaluhan ako ng aking ina ng isang talaarawan. Hindi ko alam bakit, pero nakikita ko na lamang ang sarili kong sumusulat dito.

       Sumabay din ang klima sa kalungkutan ko; puminta ang kalangitan ng malumbay na ekspresyon, tila nais nitong tumangis.

       Parang ako, gusto kong umiyak, pero kahit anong pilit ko, walang luha ang gustong pumatak.

      Sa totoo lang, kahapon pa ako nababalisa, dahil ayaw na ayaw kong dumadating ang araw na ito.

       Kung ngayon, wasak ang buhay ko, pati na rin bukas. Wala akong hangad na mabuhay pa. Wala akong lakas para bumangon. Wala akong pangarap. Wala akong pag-asa. Nakalimutan ko kung paano dumama, kung papano maging isang tao na puno ng emosyon.

       Alam kong minamawatasan ako bilang isang pangit na taong nabubuhay, kinakaawan kung gaano kalungkot at nakakasawa ang buhay ko.

       Naalala kong binati ako ng mga kapatid at magulang ko kanina lamang, pero sa mga mata nila,  malinaw na hinuhusga nila ako. Akala nila na isa akong nilalang na may seryosong depektoang diperensya ko ang nagbibigay bulay sa akin.

       Wala akong ideya kung kailan o tiyak na panahon noong nawalan ako ng amor tungkol sa lahat. Basta ang alam ko lang ay hirap akong tumungin ang ibig-sabihin ng 'pag-ibig' o 'inspirasiyon' o 'motibasiyon'. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang emosyon ko at naging walang-laman na lang ako.

        Napakawalang silbi ko talaga, isang walang halagang tao na hindi alam ang saysay o layon sa mundong ito.

        Ang lahat na lang ay malabo, maulap, at wala sa linya.

       Hindi ko alam.

       Hindi ko na nakikita na buhay pa ako sa susunod na mga taon—mga sampung taon siguro. Kung mamamatay ako sa kalagitnaan ng sampung taon, bakit pa ako buhay ngayon? Bakit kailangan ko pang magdusa? Pahirapan ang sarili kong mabuhay pa . . ? Isa lamang akong kahihiyan sa sosyedad.

       Iniisip ko tuloy kung hanggang sa huli ay magiging ganito na lang ako . . . Nakahiwalay sa mga tao, walang kwerdas na nakalakip . . . Paano kung mamatay ako nang nag-iisa?

       Kahit na sabihin na maaalala lamang ako ng tao sa araw ng kamatayan ko, walang magdadalamhati sa akin.

       Pero . . . Kung tutuusin, hindi na masama ang mamatay na walang nakakaalala sa akin . . .

       Dahil ayaw kong mang-iwan ng pasanin para lamang sa hamak at walang pakinabang na katulad ko.







▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


hi, did u listen to the ost above?

if yes, then u made me happy; kensuke ushio is one of my fave composers. i love how he makes soundtracks with the technique called 'inventions'. ♡

if u don't know what 'inventions' are, u're clearly not a j.s bach fan . . . or a classical music fan.

ure missing ur roots, oiii ! go listen to classics, bestieess

also,

have u read the notes i left in the first page??
the panimulang balangkas one.

if u do . . . then this story have d***ressive narrations. and my apologies won't suffice, but i hope u will forgive me.


;; HANDTHEIREND — ;;


_______________________________________________

━━━━ 𝐋𝐈𝐊𝐇𝐀 𝐀𝐓 𝐇𝐈𝐑𝐀𝐘𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon