𝙞𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙮𝙤, 𝘪𝘬𝘢𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯

68 14 2
                                    

__________________________________________________

INTERMEDYO :HIMLAYAN NG MGA AGAM-AGAMᜑᜒᜋ᜔ᜎᜌᜈ᜔  ᜅ᜔  ᜋ᜔ᜄ  ᜀᜄᜋ᜔-ᜀᜄᜋ᜔▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊ ‧̍̊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INTERMEDYO :
HIMLAYAN NG MGA AGAM-AGAM
ᜑᜒᜋ᜔ᜎᜌᜈ᜔  ᜅ᜔  ᜋ᜔ᜄ  ᜀᜄᜋ᜔-ᜀᜄᜋ᜔
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊ ‧̍̊ .   ҉  °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ☽ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊







26th January, 2018 — 4:41 pm

           ANG DAMI KO NANG NAGASTANG ORAS NA WALANG GINAGAWA. Nakahiga lang sa kama, nakulob sa kumot ko . . . Walang kain na matino, halos tubig lang.

          Napag-isip-isip ko rin: at kung sigurong wala akong pamilya na may-kaya, paniguradong nagtatrabaho pa rin ako ngayon. Ramdam ko nga na masyado akong naka-asa sa kanila, dahilan na mas lalo kong kinakamuhian ang sarili ko.

           Huminga ako nang malalim, puno ng kawalang buhay. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pilit na pakalmahin ang utak ko. Mahirap talaga kapag ang kalaban mo ay ang sariling pag-iisip mo—laging may digmaang nangyayari.

           Kung ang lahat ng nilalaman ng utak ko ay sasabog, baka sakaling isang malakas na panaghoy ang kumawala sa akin, o kaya ay tatahimik na lang ako magpakailanman . . . O kaya, magiging isang estatikang anino na lamang ako, bahagyang namamalagi na parang isang multo.

          Sinimulan kong humuni ng isang melodiya—walang pangkariniwan na eskalang pangmusikal—para lamang ilayo ang isip ko sa mga 'di karampat na agam-agam.

          Nagpanggap akong nasa isang tagong bahay sa kalagitnaan ng gubat. Ako lang ang nakatira roon: pinagmamasdan ang unang liwanag ng araw, ang suray ng isang dahon sa banayad na tahak ng hangin, mga simpleng kagandahan ng mga bulaklak, ang matapang na amoy ng kape, ang hangin sa aking buhok at sinag ng araw sa aking mukha, ang kapayapaan sa aking kaluluwa . . . At sa pag-abot ng kamay ng kalikasan, lahat ay kaibig-ibig.

       Nanatiling nakalutang ang aking imahinasyon, patuloy na tumatakas sa mga hindi kanais-nais. Ulo sa itaas ng mga ulap, kaya kong tumakbong malaya, kaya ko nang makatapos ng isang likhang sining gaya ng dati, makapagluto ng agahan pagkagising, idisenyo ko ang landscape ng bahay, mag-alaga ng isang pusa at aso, punuin ang isang album ng mga larawan ng alapaap o ng tanawin, bumisita sa isang aklatan o bakery, makipagkita sa mga minamahal ko . . .

        Sa aking imahinasyon, lahat ay perpekto . . . Kaya kong makipag-bati sa aking sarili . . . Na kaya ko ulit mahalin ang sarili ko . . .

       At sa aking imahinasyon, makakahinga na ulit ako.









▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

my inspiration for this is nanami kento 😭💖i imagine myself living in a rural country with him

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

my inspiration for this is nanami kento 😭💖
i imagine myself living in a rural country with him. or in a studio ghibli setting, in a seaside town, with an ambiguous architecture, where we would take a walk during morning and buy some breads in a bakery, then we would take a picnic and everything will be so perfect . . . and we'll be the NanaNana (77) couple HHAHAHAH

AND I WANNA FAKEN CRY BC IT WONT GONNA HAPPEN !!!

HAYYY PUCHA WHY LIFE IS SO HARSH. what a sad laifeuuu

and feast yer eyes and see how perfect he is.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

꒰ ⑅ ˖ : : handthe;rend ~♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

꒰ ⑅ ˖ : : handthe;rend ~♪


__________________________________________________

━━━━ 𝐋𝐈𝐊𝐇𝐀 𝐀𝐓 𝐇𝐈𝐑𝐀𝐘𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon