Chapter 1

45.9K 363 18
                                    

Paalala: Hindi ako professional author. Writing is just a hobby that I really enjoy. You may encounter typos ang grammatical error. Kaya kung maarte kayo sa mga babasahin at areglo ng istorya. My story isn't for you. This is raw and unedited. Pero kung may spare naman ako sinusubukan ko siyang i-edit. Upang bigyan kayo ng mas maayos at magandang babasahin.

Votes and comments are highly appreciated. Don't forget to click the follow button. Thank you! Enjoy reading!

***


"GOOD MORNING, Manong Guard!" masigla at magiliw na bati ni Ataska sa guwardiyang nakatayo sa gilid ng gate. Papasok siya sa loob ng university.

"Magandang umaga din, Ineng," ganting bati nito na nakipag-high pa sa kaniya. Nang muli niyang lingunin ay nakangiting nag-thumbs ito.

Nilalakad na niya ang mahabang hallway nang mamataan naman ang isang janitor na nag-momop ng sahig.

Huminto siya sandali. Inayos ang suot nitong sumbrero. At matamis na ngumiti sa matandang lalaki "Have a great day, Kuya George!" anya't nilampasan ito.

Lahat nang makasalubong ni Ataska na kakilala sa pathway ay nginingitian at binabati. Ang bansag sa kaniya ng mga kaklase at ilang nakakakilala sa university ay Little Ms. Sunshine. Because her childlike smile and charming personality can put a little ray of sunshine to anyone.

Pinakalaki siya ng namayapang mga magulang na maging mapagkumbaba at pantay-pantay ang turing sa kapwa. Kahit ano pang estado sa buhay ng isang tao.

Ulilang lubos na si Ataska. Siya lang kasi ang nakaligtas sa car accident na kinasangkutan nila noong dose anyos siya. Nabunggo ng rumaragasang sports car ang lumang pick up na sinasakyan nila. Dahilan para tumama iyon sa isang malaking puno na naging sanhi ng kamatayan ng mga magulang niya. Dead on arrival ang mga ito bago pa madala sa ospital.

Dahil bata pa siya noong panahong iyon at mukhang may sinasabi sa buhay ang nakadisgrasya sa kanila'y na-abswelto ang kaso at napunta siya sa bahay ampunan matapos ang aksidente. Wala kasing ni isang kamag-anak na nakagisnan si Ataska. Tuwing tatanungin naman niya ang mga magulang noong nabubuhay pa madalas ngiti lang ang tanging isinasagot sa mga katanungan niya.

Growing up alone. Marami nang dinanas na hirap sa buhay si Ataska. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtulong-tulong sa bahay ampunan noong nakatira pa siya doon. Siya na kasi ang pinakamatanda at mas pinili nga niyang huwag mag pa-ampon sa kung sino mang poster sa kadahilanang gusto niyang mamuhay mag-isa at hanapin ang taong kumitil sa buhay ng mga magulang maging ang mga sagot sa katanungan na iniwan ng mga ito.

Nang tumuntong si Ataska sa edad na dise-otso anyos, pinayagang na siyang umalis sa poder ng ampunan. Isang taon na din ang nakalipas mula noon. Umuupa na siya ngayon sa isang maliit na apartment o mas maituturing na kwarto lang malapit sa university na pinapasukan. Swerteng nabigyan siya ng sponsorhip sa orphanage bago siya umalis, kaya napagkolehiyo siya ngayon.

She's taking up Bachelor's of Science in Psychology sa kilalang University of the South. Actually gusto niyang mag Early Childhood Education (ECE) para maging preschool teacher. Mahilig kasi siya sa mga bata. Subalit dahil sa trauma na dinanas niya sa murang edad matapos ang aksidente. Nagpasya siyang nais matulungan ang mga batang tulad niya ang pinagdaanan balang araw.

Doble-doble rin ang kayod niya upang buhayin ang sarili at may ipang-tustos sa pag-aaral. Kapag nasa university umi-ekstra siyang book keeper kahit paano ang libreng food stab na siyang bayad sa serbisyo niya ay sapat na para makakain sa pananghalian, hapunan na lang po-problemahin niya. Nag-tu-tutor din siya sa mga kapatid ng kaklaseng nasa elementarya at high school after school at sa gabi'y nagtatrabaho siya bilang waiter sa isang maliit na resto bar.

Dirty Little Secret R18 ✔Where stories live. Discover now