Chapter 7

11K 164 7
                                    


CHAPTER SEVEN
Reminder: You may encounter some typos and erros. Hindi po ako professional author.

~♡♡♡~


Hands in his pocket Finn walked towards them. A wide smile plaster on his lips.
"Can I talk to you, Ataska?" He asked casually na akala mo matagal na silang magkaibigan.

Hinawakan ni Margaux ang pala-pulsuhan niya at bumulong. "Mag-iingat ka, sis! Iba ang mga ngiti niya."

"Agree... kahit ang mas gwapo siya kapag nakangiti!" singit ni Elena.

Iba nga talaga ang ngiti ng kumag. Iyon tipong nagmamabait na akala mo anghel. Pero ang may sungay at buntot palang itinatago.

Huminga siya ng malalim tsaka nagsalita sinalubong ang tingin ng lalaki. "Anong kailangan mo?" kalmadong tanong niya.

"I wanna to talk to you..." sumulyap ito kay Elena at Margaux. "In private.." tsaka ibinalik ang tingin sa kaniya.

Ano siya tanga? Para makipag-usap dito ng siya lang. "Bakit hindi mo pa sabihin ngayon?"

Nakangiting kunwaring kumamot ito sa batok. "I just wanna talk to you over there..." turo nito sa gilid malapit sa pinto ng gymnasium. "Hindi naman kita i-aabduct... so, please?"

"Aaww... so cute..." kinikilig na sambit ni Elena. Panabay nila itong pinandilatan ni Margaux ng mga mata at pasimpleng sinaway.

"Sorry naman..." bubulong-bulong na anito pagkuwan nanghahaba ang ngusong inirapan sila.

Bumalik ang atensyon ni Ataska kay Finn.
"Kung may binabalak kang masama. Better don't! Narinig mo naman siguro ang warning ni Sir kanina," matatag na sabi niya.

"Of course. I wouldn't do anything to embarrassed my brother again." Itinaas nito ang kaliwang kamay. "Promise."

Nawiwindang at kinikilabutan yata siya sa sinasabi ng lalaking 'to. Buti hindi bumula ang bibig sa pagsasabi ng "please at promise"

"Oh my god, sissy! Mukha naman siyang sincere... pagbigyan mo na!" sulsol ni Elena.

"But be careful, Ataska..," segunda ni Margaux.

Sabagay kung may gawin man kabulastugan si Finn sa kaniya. Maraming saksi sa paligid.

Ilang sandaling tinitigan niya lalaki. Bago tumango. "Sige. Pero sandali lang tayong mag-uusap," babala niya.

Lalong lumapad ang pagkakangiti nito "Thanks so much," at inilahad pa ang kamay sa direksyon patungo sa gym. "Shall we?"

Sumunod naman si Ataska at nagtungo sa spot na itinuro nito. Nang makarating sila doon agad niyang hinarap si Finn. Ngunit bago pa man may lumabas na salita sa kaniyang bibig. Pumito ito ng malakas.

Sabay turo sa bubong ng kinatatayuan nila.
"Oh, what's that?"

Kunot noong tumingala si Ataska. At nanlaki ang mga mata niya. Isa sa mga kaibigan nito nakatayo sa bubungan, may hawak na timbang ibubuhos sa kaniya. Bago niya maiwasan iyon. Nagtagumpay na ang lalaki masaboy sa kaniya ang laman niyong maliliit na bagong panganak na daga.

"ATASSSSKKAAA!!!" Narinig niyang nahihintakutang tili ni Marguax at Elena.

Maging ang shocked na pagsinghap ng iba pang saksi. "EWWWWW!!"

Nagtitili na rin si Ataska ng maramdaman ang mga daga na pumapasok sa loob ng damit. "AHH!!! SHOCKS!!!" Panay ang pagpag niya sa damit. Halos makitaan na. Pero wala siyang pakialam. Diyos ko po! Kapag ganitong nararamdaman niya ang paggapang ng malambot at nakakadiring daga kahit maghubad gagawin niya.

Dirty Little Secret R18 ✔Where stories live. Discover now