Chapter 4

12.7K 183 12
                                    

CHAPTER FOUR
Reminder: Expect some typos and errors.
This is RAW and UNEDITED version.

Dont forget to comment and vote. 🤗

♡♡♡

Tila natatauhan na tinanggal ni Fletcher ang salamin sa mata nito saka sumandal sa swival chair. He looks so tired yet still manage to look good.

Hindi na magtataka si Ataska kung kaliwa't kanan ang nababaliw sa lalaking 'to. Oh, baka nga dala-dalawa pa ang girlfriend nito. Pero wala namang balitang na may nobya ang batang propesor, sa university pa ba? ang tsismis laging double time.

Hindi na niya matandaan kung kailan nagsimula ang sintang pururot niya para sa lalaki. She just saw him one day walking across the hallway, then boom! Cupid hit her hard. At simula noon humanga na siya dito. Tulad ng ibang kababaihan sa university. Timaan siya ng Fletcher syndrome. Okay, ang korni na niya, enough na.

Pasimpleng huminga ng malalim si Ataska at kinalma ang sarili. Kung anu-ano na namang kabaliwan ang pumapasok sa isip niya.

"A-ah, Sir... kung dahil po sa late ko kanina kaya niyo ako pinatawag. S-sorry po talaga, sorry.. n-na stranded po kasi ako sa girls bathroom. nagka-LBM po kasi ako. S-sana po huwag niyo akong ibagsak. May mga grades po kasi akong hinahabol para sa sponsorship ko at ulilang lubos na ako wala pong magpapaaral sa'kin. Paano na lang ang kinabukasan ko-"

"Ms. Milan," awat nito sa paglilintanya niya. "Hindi kita pinatawag dahil sa late mo."

"P-po? Eh, T-tungkol po ba saan?" nauutal na tanong niya. Bakit ba kasi ang daldal niya?

"It's about my brother, Finn." Binuksan nito ang drawer sa likuran nito at nilabas ang isang folder.

Nagulat at natigilan si Ataska. Anong kinalaman ng lalaking 'yon? Hindi siya umimik at nanatiling nakatitig kay Fletcher.

Binuklat-buklat iyon saka muling bumalik ang atensyon sa kaniya "I've read your records and I'm very impressed with your grades and attendance."

"W-what do you mean, Sir?" Naguguluhang tanong niya.

"Sa tingin ko magiging magandang impluwensya ka sa kapatid ko, kaya ikaw ang naisipan kong ipareha sa kaniya."

Literal na umawang ang bibig niya.

Seriously? Planado na pa lang siya ang makapartner ng lalaking 'yon sa buong sem?

"If it's not too much to ask, Ms. Milan. I just you want to help him out."

Siya? Tutulungan ang kampon ng kadiliman?

"Set a good example to him. Hindi ko hinihiling na tumaas ang mga grado niya. Mahalaga lang araw-araw lang pumasok sa klase." Napatitig si Ataska kay Fletcher na bakas sa anyo na seryoso ito sa mga sinasabi sa kaniya.

Ewan niya pero umaandar na naman yata ang pagiging malambot niya. Imbes kasi na mainis dahil unfair ang ginawa nitong pagpareha sa kaniya sa kapatid nitong salot sa university- nakaramdam pa yata siya ng paghanga at pang-unawa para sa lalaki.

Hindi rin kasi biro ang mga nababalitang trouble sa university na kinasangkutan ni Finn, tuwina laging si Fletcher ang umaareglo ng mga gusot nito. Puro sakit sa ulo at kahihiyan din ang dulot dito ng nakababatang kapatid. But still concerned at nagpapaka-kuya pa rin ito para kay Finn.

Something that she wished no'ng panahong mamatay ang mga magulang niya. Na kung sana may kapatid siya, hindi sana siya mag-isa ngayon... siguro mas magiging madali kahit paano ang pagharap sa mga pagsubok sa buhay..

Dirty Little Secret R18 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon