Chapter 2

17.8K 194 7
                                    


Natuon ang mga mata ni Ataska kay Finn na nakatayo malapit sa may pintuan. He's wearing a trashed skinny denim jeans, black plain shirt at nakasabit sa balikat ang leather jacket nito.

Sino bang maniniwalang magkapatid ang dalawa? Sa ugali at sa itsura pa lang napakalayo na. Kung si Fletcher ay clean and neat at kagalang-galang tingnan. Total opposite naman si Finn!

He's more on a rugged side. May tattoes sa kaliwang braso na hindi niya alam kung gaano ba kalaki o kadami dahil halos nasisilip pa ang kaunti sa bandang leeg. May hikaw na itim sa magkabilang tainga maging sa gilid ng ibabang labi at narinig niya minsang pinag-uusapan ni Margaux at Elena may tounge piercing din daw ang lalaki.

He's body is well toned too, he has dark wavy brown hair na aabot hanggang balikat ang haba kaya palaging nakatali. Ang pinagkapareha lang yata sa feature ng magkapatid ay ang mga matang mala-tsokolate. And maybe their height too. Matangkad lang siguro ng kaunti ang batang propesor.

Naramdaman niya ang mahinang pagsiko ni Elena sa kaniyang balikat. "Oh... emm...gee... how can we be so lucky? Kaklase pa din natin si, Finn!" impit na tili nito sa tainga niya.

At isa pa pala sa pagkakapareha ng magkapatid parehong... hot shot ang dalawa sa mga girls sa campus. Na ipinagtataka ni Ataska. Yes, si Fletcher, no doubt maging habulin ng mga babae. Bukod sa matalino na good looking pa. Pero si Finn? Saan banda?

Gustong tumirik ng mga mata niya ngunit pinigilan niya ang sarili. Pinalaki siyang huwag maging judgemental sa kapwa. But she never felt this annoyance to anyone! kundi sa lalaking 'yon lang. Sa totoo lang wala naman itong ginawa sa kaniya. Never pa silang nag-usap kahit magka-block lang sila last sem. Subalit napapansin niya ang kayabangan nito at kagaspangan ng ugali na pinaka-kinaayawan ni Ataska sa isang tao.

"OMG! Walang tapon sa magkapatid na 'yan! Parehong... uhmmm!" muling bulong ni Elena na medyo napalakas.

"Ssshhhh!" Panabay na saway nila dito ni Margaux. Mamaya niyan pagkamalan pa silang pinagttsismisan ang magkapatid. Na hindi naman malayong mangyari kung minsan. Dahil na rin sa ka-tsismosang taglay ng dalawa.

Bumalik ang atensyon ni Ataska sa dalawang lalaki. Nang maglakad papasok si Finn sa loob ng classroom na akala mo walang professor.

"Your late," sita dito ng nakahalukipkip na si Fletcher.

Wala yatang humihinga sa kanila. Oh, well kilala talagang pain in the ass sa kapatid nito si Finn. Dapat ahead ng two years ang lalaki sa kanila pero dahil puro pakikipag barkada at kung ano-anong trouble ang nasasangkutan na stuck na sa freshmen.

Pabalewalang nagkibit balikat si Finn. At nagpatuloy sa paglakad nang sitahin ulit ni Fletcher.

"I don't tolerate that kind of attitude in my class."

Bumaling dito si Finn. "So? What do you want me to do, Sir? Bow down to you?" nang-uuyam at sarkastikong sabi nito.

Ewan niya, pero matagal nang usap-usapan na hindi daw talaga magkasundo ang magkapatid sa kung anong dahilan... Walang nakakaalam.

Fletchers jaw tightened. Halatang nagpipigil magalit. "We will talk later. Go to your seat," malamig na utos nito.

Nakangising sumunod at naupo ang lalaki sa kabilang aisle na kinauupuan nila. Kung saan nakapwesto ang grupo ng kalalakihang tulad ni Finn ay mga salot din sa campus at proud nakipag-apir pa ang lalaki sa mga barkada nito.

Lalong tumindi ang disgusto na nararamdaman ni Ataska. Wala talagang modo. Pati kuya niya 'di na ginalang!

Naiiling na nakatitig siya rito nang biglang di sinasadya mapasulyap sa kaniya ang lalaki. Umangat ang sulok ng mga labi nito saka nginisihan siya. Lalo namang nabwiset si Ataska at agad iniwas ang tingin.

Dirty Little Secret R18 ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें