TIME CONFLICT| Chapter 1

12.8K 554 37
                                    



HUNYO 16


Tumungo ako sa laboratoryo ni Professor AJ na nasa underground section ng LImbon High School. Maliban sa amin nina Professor AJ, Sasha, at Gilbert, wala nang nakaaalam sa lokasyong ito. Sa sobrang tago, mukhang hindi na matutunton ng ibang tao.

Siyentista ang lolo ni Professor AJ na siyang nagtayo at nagpundar ng paaralang ito. Ngunit iilang tao lamang ang may alam ng tungkol do'n. Katulad ng mga nagdaang punong-guro at kaming mga siyentista. Kaya kahit na isa lamang siyang professor na may nakatagong pagkakakilanlan ay malaki pa rin ang awtoridad niya sa buong eskwelahan.

Upang makapasok sa laboratoryo, kailangang magtungo sa ikalimang palapag ng primaryang gusali ng paaralan at pumasok sa isang abandonadong silid-aklatan. Maraming bookshelves ang nakapaligid sa buong silid sa kabila ng pagiging kalansay nito.

Sa isang sulok ng kuwarto, mayroong isang malawak na haligi na nagsisilbing elevator papunta sa laboratoryo. Tanging kaming apat lamang ang puwedeng makapasok. Bukod sa passcode, mayroon din itong fingerprints analysis machine at face analysis machine. Kung hindi kaming apat ang made-detect nito ay hindi ito magbubukas.

Ang tatlong iyon ay halos hindi makita sa mata. Maliban sa may kadiliman ang kuwarto, sinadya itong gawing maliit upang walang kahit na sino ang makapasok. Nakatago ang lahat ng mga iyon sa isang malaking Mona Lisa painting na nasa kaliwa lamang ng haligi.

May isang gintong pindutan na kasing laki ng isang butones ang nakadisenyo sa ibabang parte ng kulay gintong frame ng painting. Hindi ito mapapansin agad. Bukod pa roon, hindi madadama ang pagpindot dito dahil para lamang itong itina-tap.

Matapos kong pindutin ang pindutan, saka lang magsisimulang gumana ang face analysis machine. Mabubuhay ang microcamera na nakatago sa cornea ng mata ni Mona Lisa at ako ay susuriin. Kapag hindi tugma sa database profile na nakaimbak sa kaniyang memory ang nakikita, hindi na susunod na tatakbo ang fingerprints analysis machine. Ito naman ay nakaposisyon sa labi ng painting. Ito ay upang maiwasan ang posibilidad na makapasok ang isang galang tao na aksidenteng napindot ang buton. Sa kabilang banda, kapag na-detect ng system ang isa sa aming apat, saka lang ito tatakbo. Susundan naman ng passcode na nakalagay sa itaas na bahagi ng painting. Panibago na namang pindutan ang ita-tap ko.

Ginawa ko ang lahat ng mga iyon.

Kapag tagumpay ang pagpasok ng data, saka lang magbubukas ang pintuan. Pumasok ako sa elevator door na kung saan tanging ang underground lamang ang paghihintuan at wala ng iba pa.

Nang marating ang laboratoryo, bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Professor AJ. Katulad sa karaniwan ay abala na naman siya para sa bago niyang eksperimento tungkol sa isang sakit. Nakasuot siya ng laboratory apparel habang hawak-hawak ang isang test tube na may lamang liquified gas.

Alam niyang parating ako kaya hindi na siya nagulat. Dahil sa oras na tapos nang i-proseso ng face analysis machine ang mukha ng bisita, magsasalita ang isang computer system na nakasabit sa kaliwa't itaas na bahagi ng laboratoryo. Sinasabi roon kung sino ang parating.

Hindi na siya nag-abalang tingnan ako. Ipinagpatuloy lamang niya ang ginagawa.

"Magandang araw, professor," bati ko habang tinatahak ang sahig. Huminto ako isang metro mula sa kaniya. Isinandal ko ang aking puwetan sa gilid ng puti at mahabang lamesa habang pinagmamasdan siya sa kaniyang ginagawa.

"Naitago mo ba nang maayos ang time machine?" tanong niya habang nakatingin sa hawak-hawak na test tube.

"Opo, professor. Sa ngayon, hindi ko muna sasabihin sa kahit na kanino 'yon to assure its safety. Hindi sa hindi ako nagtitiwala. Gusto ko lang siguruhin na walang makakakita no'n," sagot ko.

Time Conflict (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon