TIME CONFLICT| Chapter 19

2.5K 210 3
                                    


R E D

HULYO 18

"HELLO!" sabi ni Madeline na nasa kabilang linya. Nakahiga ako sa kama habang pinagmamasdan ang AG stone na nasa bedside table. Hawak-hawak ko naman ang phone ko na nakadikit sa aking tainga.

"Hello!" sagot ko.

"Mayroon kang dapat na problemahin ngayon, Red," sabi niya.

"Tulad ng ano?"

"Nakatakas iyong babae sa kulungan niya. Hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon. But she must have already reported to her boss."

Napaupo ako mula sa pagkakahiga dahil sa gulat.

"Paano siya nakatakas?"

"Do you think that's something for you to concern about? Anytime, puwedeng pumunta diyan ang mga kriminal na iyon at kuhain sa'yo ang AG stone. At huwag na huwag mong hahayaang mangyari iyon or else ako mismo ang papatay sa pamilya mo, naiintindihan mo?" pananakot niya. Tensyonado siya. Nag-aalala siyang baka hindi niya magamit ang time machine.

Nagmadali akong nagbihis ng damit at nag-impake ng ilang mahahalagang kagamitan.

"Ibababa ko na. Kailangan ko nang mag-impake," taranta kong saad at mabilis na pinatay ang phone. Itinago ko iyon sa bulsa ng backpack ko.

Mayamaya'y nakarinig ako ng maingay na kaluskos. Nang sumilip ako sa bintana ng kuwarto ko na nakaharap sa gate ng bahay namin ay may nakita ako roong itim na kotse, at may dalawang lalaking nakasuot ng puting polo na may itim na amerikana. Malalaking tao sila. Marahil ay ipinadala sila ni Mr. Vera para kuhain sa akin ang AG stone. At nangangahulugan iyong alam na nila ang pagkakakilanlan ko.

Itinago ko sa backpack ang AG stone at mabilis na bababa sana ngunit nang bubuksan ko na ang pinto ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa sa hagdan na tila may tumatakbo. Mukhang paakyat na sila. Mabilis kong ini-lock ang pinto at binuhat ang bedside table upang iharang doon.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang nerbyos. Tila nakikipagkarera ang takbo ng puso ko dahil sa sobrang bilis.

Dumungaw ako sa bintana. Walang tao sa may gate at mukhang lahat sila ay pumasok sa bahay upang hanapin ako.

Lumabas ako ng bintana. Mayroon doong puwedeng tapakan na parte ng nakalabas na bintana na hugis tatsulok.

Mayamaya'y nakarinig ako ng kalabog sa pinto. Pinipilit nilang pihitin ang doorknob ngunit dahil naka-lock iyon ay hindi nila ito mabuksan. Gumamit sila ng puwersa ng katawan nila. Sabay-sabay nila itong binabangga upang buksan. Ngunit dahil sa bedside table na nakaharang ay hindi nila ito napapabagsak nang gano'n kadali.

Tumalon ako. May taas na two hundred meters iyon. Masakit pero kailangan kong tiisin. Kinailangan ko ring maglaan ng ilang segundo upang makaraos sa sakit ng paa at binti ko. Naka-tsinelas lang kasi ako. Hindi na ako nakapagsapatos dahil sa pagmamadali.

"Ayun siya!" sigaw ng isang lalaki galing sa bintana ng kuwarto ko. Mukhang nabuksan na nila ang pinto ng kuwarto ko.

Tumakbo ako palayo. Nagawa ko ring i-lock ang gate sa pamamagitan ng paglalagay ng metal na bagay. Ibinalandra ko ito sa harapan.

Nang sumilip ako sa kaliwang bahagi ng gate na puro rehas lamang ay nakita kong isa-isang nagsitalunan ang Mafia.

Mabilis akong tumatakbo nang tumatakbo habang nag-iinit ang katawan ko dahil sa tensyon at nerbyos. Palingun-lingon din ako. Nasa layong sampung metro na ako mula sa kanila.

Time Conflict (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon