TIME CONFLICT| Chapter 27

3.1K 225 7
                                    


C L A I R E

AGOSTO 1| 8:00 A.M.| MR. VERA's HIDEOUT

NAKATUTOK sa akin ang baril ng nasa limang Mafia. Nakasuot silang lahat ng tuxedo.

Nasa harap ko si Mr. Vera at nakatayo.

Nasa gilid ko naman si Gilbert at pinagmamasdan ako. Magkakahalong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Inis, pagtatampo, at panghihinayang. Pero nangingibabaw sa lahat ang tuwa na buhay pa ako, at narito ako ngayon para iligtas siya.

"Nasaan na ang AG stone?" tanong ni Mr. Vera sa akin habang magkahawak ang mga kamay niya sa likod niya.

"Nasa backpack ko. Pero... nasa form na siya ng kemikal. Wala ka nang ibang gagawin kung hindi ang ilagay sa slot ng time machine na inimbento ni Gilbert ang test tube."

Ngumiti si Mr. Vera. "Mabuti kung gano'n. Akin na."

Kinuha ko ang test tube sa backpack ko. Iaabot ko sana iyon kay Mr. Vera ngunit kaagad kong inatras ang kamay ko.

"Hindi ko 'to ibibigay hangga't hindi ko nasisigurong ligtas na makakaalis sina Gilbert at Sasha rito," mariin kong saad. Hawak-hawak ko sa may ulunan ang test tube at nakaposisyong bibitawan. "Sa oras na mabitawan ko ang test tube na ito, wala nang pag-asang mabalik pa ang likidong naririto."

Tiningnan ng Mafia ang boss nilang si Mr. Vera. Naghihintay sila ng senyales.

Nag-isip naman si Mr. Vera. "Paano ko naman masisigurong totoong chemicals talaga iyan na siyang magpapagana sa time machine?"

"Subukan mo. Pero bago ko ito ibigay sa 'yo, gusto kong pakawalan mo muna ang mga kaibigan ko."

"Claire, ano bang sinasabi mo? Gusto mo na bang mamatay?" saad ni Gilbert.

Tinutukan ng baril ng isang Mafia si Gilbert.

"Nagtungo ako sa future. Mamamatay tayong tatlo nina Sasha. At gusto kong baguhin iyon. Kung mayroon mang mamatay, ako iyon at hindi kayo."

Bumakas ang gulat sa mga mata ni Gilbert nang sabihin kong napuntahan ko ang future at tungkol sa kamatayan namin sa hinaharap.

"Sigurado ka ba sa sinabi mo? M-mamamatay tayo?" pag-uulit niya na hindi makapaniwala.

"Oo, Gilbert. At isa pa, hindi ako papatayin ni Mr. Vera dahil kailangan niya ako para sa time machine niya kaya huwag mo akong alalahanin."

Tumawa si Mr. Vera. "Sinong nagsabing papatay ako ng tao? Kung hindi kailangan, bakit ako papatay? Bakit ako gagawa ng problema na hindi ko naman kailangan?"

"Kung gano'n... pakawalan mo na sila. Ang kemikal lang ang gusto mo, 'di ba?"

"Oh sige. Pakakawalan ko na sila. Pero sa oras na nalaman kong niloloko mo lang ako, hindi ako mananahimik lang sa tabi."

Tiningnan ko si Gilbert nang nangungusap ang mga mata. "Iligtas mo si Sasha," sabi ko sa kaniya na punong-puno ng pag-asa ang mga mata.

"Kung gano'n ay mag-iingat ka!" sabi ni Gilbert at umalis na nga ito. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng laboratoryo.

"Akin na!" utos ni Mr. Vera.

"Sandali lang. Hangga't hindi pa nakakalayo sina Gilbert at Sasha, hindi ko ito ibibigay sa 'yo."

Time Conflict (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon